Kabanata 15

1.2K 67 12
                                    

Kabanata 15

Ang sabi nila lahat daw ng tao may kapasidad na saktan ka, humanap ka lang ng tao na worth it lahat ng sakit. Pero saan ka naman hahanap ng ganoon?

Napabuntong hininga ako habang papunta ng gym kung saan nagpapractice sila Alex. Pagdating ko doon ay hinanap ko kaagad siya pero wala akong nakitang Alex doon, maging si Axe ay wala din.

"Hinahanap mo ba si captain?" Tanong nung rookie nila. I know them by face but not their names.

"Oo, eh." Wika ko. "Nakita mo ba?"

"Hindi raw sila magpapractice ni kuya Axe, may lakad raw sila."

"Hindi ba sinabi kung saan?"

"Ang alam ko magkikita kita yata sila sa may chapel ng school."

Ngumiti ako at nagpaalam na. Ano namang gagawin ni Alex doon? Sino kikitain nila ni Axe? Magkausap naman kagabi pero bakit hindi niya sinabi sa akin?

Malapit na ako sa chapel ng mapansin ko sila, may kasama silang babae. Base sa nakikita ko ay kilalang kilala nila 'yung babae. Lumapit pa ako ng konti, napaawang naman ang bibig ko nang nakita ko kung sino 'yung kasama nila.

It was Kyline, Alex's ex-girlfriend. Hindi ako kaagad nakagalaw sa nakita ko. Lagi nalang ba niya akong makakalimutan kapag kasama niya 'yun?

"Wag mo ng titigan kung nasasaktan ka na."

Napalingon ako bigla sa gulat. "Reese!"

Napairap naman siya. "Tss."

"I know you don't like me from the very start, kasi diba friend mo 'yung ex-girlfriend ni Alex." I said. "Syempre mas gusto mo si Kyline para kay Alex."

Napailing siya, "Wrong."

"W-what?"

"Who says I like her?" Aniya. "I never liked her, tbh."

"Nung nasa grocery tayo, I saw how you wanted them to see each other."

"Yep," She didn't denied it. "But that doesn't mean I like her."

"H-ha?"

"Hindi ko siya gusto para kay Alex, okay?" Aniya. "I like you for my friend. Nakita ko kung paano mo nagawang paiyakin si Alex sa loob lang ng isang minuto."

Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi niya. Isang minuto?!

"Remember Markus' birthday? You ran away, halos magwala na si Alex noon. I was there, I saw how mad he is dahil bigla kang nawala." Aniya. "Muntikan pa nga niyang maibangga 'yung sasakyan niya."

"Bakit mo sinasabi sakin 'yan?"

"Para alam mo." Kibit balikat niyang wika. "Para alam mo kung anong mangyayari kapag iniwanan mo siya."

"Paano mo nasabing iiwanan ko siya?"

"I saw how hurt you were nung nakita mo silang magkayakap ni Kyline, I think that's enough reason?"

"Ganoon ba kababaw tingin mo sa pagmamahal ko sa kaibigan mo?"

Umiling siya. "Pero hindi rin ganoon kalaki ang tiwala ko sa kaibigan ko. He might hurt you, y'know?"

"Anong alam mo?" Tanong ko. "Bakit mo sinasabi sakin 'to?"

"Marami akong alam, Camila." Aniya, she looks so creepy! God! "Pero hahayaan kong sila ang magsabi sa'yo."

Napakunot noo ako. "Sila?"

"Yep," Aniya. "Kapag hindi nila ginawa ako ang magbubulgar ng lahat. And if that happens? All hell breaks loose."

Us, Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon