Kabanata 21
It’s been a week since that encounter with Alex, simula nung nangyari ‘yun ay hindi na niya ako ginulo. Maging sa opisina ay hindi niya ako pinapansin kung hindi lang dahil sa trabaho ay baka kahit anong gawin ko doon ay hindi niya ako papasinin.
Siguro kaya din niya in-approve ‘yung proposal ko para sa team building ay para hindi na kami magusap pa. Kung ako man din ang nasa kalagayan ay baka mas gugustuhin ko ding hindi muna ako makita.
Napabuntong hininga ako habang naghihintay sa loob ng bus, nauna na akong sumakay sa mga iba pang empleyado. Ngayon na kasi ang alis naming para sa team building, hindi na rin ako umaasang sasama si Alex dahil hindi naman siya nag-confirm na sasama siya.
“Bakla, excited na ako.” Ani Stella sa akin pagkaupo niya sa tabi ko. “Ready na ba mga pa-games mo?”
“Hindi naman ako ang magpapa-games, Stella.” Wika ko nang tingnan siya. “May committee na diyan.”
Tumango tango siya, “So, kasali ka rin sa mga games?”
“Obviously, yes.” Wika ko. “Lahat kasama, bukod sa committee.”
Ngumisi naman na siya na akala mo’y may masamang binabalak. “Okiedoks, lipat na me.”
Napakunot noo ako sa sinabi niya pero huli na nang makapgreact ako dahil may umupo na sa tabi ko, paglingon ko ay halos bumaliktad ako sa kinauupuan ko.
“What? Mukha kang nakakita ng multo.” Pang-aasar niya na kinalaki ng mata ko. “Don’t, wala ng ilalaki ‘yang mata mo.”
Napailing ako, “Are you for real?”
Natawa naman siya, “I am.”
“This is so awkward. What are you doing here?”
“What? I am your boss, in case you forgot.” Aniya habang tumatawa.
“Yeah, I know.” Wika ko. “But what I’m saying was bakit ka umupo sa tabi ko?”
“This seat isn’t taken, yet.” Aniya. “Why is it so awkward to you, hm?”
Napailing ako, “Nevermind. Anyway, I’ll sleep.”
“Me too.” Aniya at sumandal bigla sa akin.
“H-hey!” Wika ko. “What are you doing??”
“Uh, gonna sleep?” Aniya pero nakapikit sakin habang nakasandal.
“Yes, but don’t lean on me.” Wika ko sabay wiggle sa balikat ko.
“Hey, let me get some sleep. Will you? I’m tired for this team building.”
Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya. Oo nga’t inapprove niya ang proposal ko but he was the one who worked hard for this team building to happen.
Hinayaan ko nalang na siya sumandal sa akin, maging ako’y nakatulog na rin dahil sa pagod ko nitong mga nakaraang araw. It was a four hour drive from Manila to Zambales. Kaya naman ngawit na ngawit ako pagkagising ko.
“Shet, bagay pala si boss at si ma’am Camila ‘no?”
“I heard they were ex-lovers eh.”
“Talaga? Ohmygod. They are so bagay.”
“Sana magkabalikan sila ‘no?”
“Hoy, ang chismosa niyo. Bumaba na nga kayo.” I heard Stella.
Napamulat ako dahil sa flash ng camera, “Ay, ano ba yan, Emily! Bakit may flash?!”
“Hala, sorry na!!” Ani Emily. “Di ko naman kasi alam.”
BINABASA MO ANG
Us, Against All Odds
Fanfiction(c) 2017 | Will you do it? Even if the odds are not in your favor? Or you'll just forget everything and walked away?