Kabanata 9
Kinabukasan ay kasabay na namin ni Ellie ang mga magulang ko pabalik ng Manila. Gabi na nang nakarating kami sa bahay namin. Si manong Bert ang sumundo sa amin, hindi ko naman na sinabihan si Alex dahil alam kong pagod na siya sa training niya sa basketball.
"Magready ka na ah? We'll go in a minute." Ani Mama.
It's the AMLP's christmas ball. AMLP is the company's name na pagmamay-ari nila Alex. Ang sabi ni Papa ay matagal pinaghahandaan ng mga Pangilinan 'to, dahil bukod sa isa ito sa pinaka-successful na company sa bansa ay kilala din sila bilang isa sa mga major sponsor ng mga iba't ibang organization ng bansa para makatulong sa iba.
I was staring at my reflection sa salamin nang nakita ko si Ellie na palapit sa akin, and just like a normal day, she still has this resting bitchy face kaya naman hindi siya gaanong kinakausap ng mga kasambahay namin. Takot sila kay Ellie.
"Hoy, bruhilda." Aniya sa akin. "Alexander waited for you yesterday sabi ni Stella sa akin."
"Alam ko tinalakan na rin ako ni Stella kanina," Wika ko. "And I told him naman na wag na niya akong antayin."
"Alam mo? Kung matigas ulo mo, mas matigas ulo ni Alex." Aniya. "Jusko, di niya ako tinigilan kahapon dahil lang sa hindi ka nagrereply sa kanya! Pati ako kinulit ng mokong na 'yun!"
Napasimangot naman ako. "Hay, ang clingy."
"Sus, kilig ka lang e."
"Ewan ko sa'yo."
Bago pa kami tuluyang mag-away ay may kumatok na sa kwarto ko. Aalis na daw kasi kami. Sabay ba kaming bumaba ni Ellie.
"You met naman na mga parents ni Alex diba?" Ani Ellie.
"Yup, why?"
"For sure, ipapakilala ka nila mamaya."
Nagkibit balikat nalang ako. Malapit lang naman sa amin ang pagdarausan ng event nila Alex. Wala pa yatang kinse minutos ay nandoon na kami.
Pagbaba ko ng sasakyan ay si Alex kaagad ang sumalubong sa amin. He's smiling at me whole heartedly. My heart melts every time I see him smiling like that.
"Good evening, Mr. and Mrs. Delavin." Bati niya sa mga magulang ko. "I am Alexander Pangilinan, Camila's someone."
There you go again, Alex doing it by himself. Nakita ko naman 'yung paglawak ng mga ngiti nila Mama at Papa.
"Go to our house when you're free." Ani Papa. "I wanna ask you some things."
"Yes, sir."
"And, call me tito."
Mas lalong lumaki 'yung ngiti ni Alex sa narinig niya. "Uhm, can I ask for Camila's hand? I want her to be my partner po."
"All yours, Alex. But make sure na hindi masasaktan ang unica ija ko."
Tumango si Alex. "I will, tito."
"Go ahead, mukhang kayo nalang ang hinihintay."
Tumingin ako sa mga magulang ko. "Thank you, Mama and Papa."
"All for you, baby girl." Ani Mama. "Enjoy."
Ngumiti ako sa kanila, binalingan ko naman si Alex na ngayon ay nakangiti sa akin. "Let's go?"
I nodded; Alex walked beside me at inalalayan ako. I don't know but it feels right. Knowing that he's right here with me and that makes my heartbeat fast.
"Bakit ka ngumingiti diyan?" Tanong ko.
"Bakit? Bawal ba?"
"Nagtatanong lang, e."
BINABASA MO ANG
Us, Against All Odds
Fanfiction(c) 2017 | Will you do it? Even if the odds are not in your favor? Or you'll just forget everything and walked away?