Kabanata 2

1.7K 81 3
                                    

Kabanata 2

Dalawang araw, dalawang araw na akong di pinapansin ni Alex. Jusko, ano bang trip ng mokong na 'yun at bigla nalang akong di pinansin? Pambihira, pagkatapos ka pangitiin bigla kang iiwanan sa ere! Ay, charot lang!

"Bessy!" Si Stella. "Med Night niyo na bukas, di ka ba aattend?"

Umiling ako. "May pupuntahan ako."

"Saan naman?"

"Basta. Bakit mo natanong?"

"Wala lang. I saw kuya Harry the other day e." Aniya. "Bakit nga pala di ko pa siya nakikita dito?"

"Busy siya," Wika ko. "He's with ate Kylie."

"Alam mo? Nakakapagtaka talaga."

Napakunot noo ako. "What?"

"Did you broke up with Alex?"

Napasimangot ako. "Walang kami, God, Stella."

Natawa siya. "It's been two days simula nung di kayo naguusap. Pero yung post niya ang gumulantang sa amin, bes."

Nagkibit balikat ako. Naglalakad kami ni Stella papasok ng school ng nakita ko 'yung magaling kong ex kasama 'yung pinalit sa akin at si Alex na kasama 'yung ex niya. Wow, how unlucky of you, Ila?

"Kaya pala iniwasan ka." Natatawang wika ni Stella.

Napailing lang ako. "Ewan ko sayo."

"Sabay vacant natin 'to?" Tanong ni Stella. "Text kita san tayo magkikita. Okie?"

"Baka early dismissal kami ngayon, Stella." Wika ko. "Med Night bukas diba?"

"Ay, oo nga pala." Aniya. "Wala din pala kong klase bukas, baka makasama ako sa'yo."

Ngumiti ako. "Naks, supportive bestfriend."

"Hay nako, Ila." Aniya sabay upo malapit kila Alex. "Ayoko kasi na mamiss mo ako masyado."

"Yuck, kadiri ka." Wika ko.

Humagalpak siya sa tawa. "Susunduin ka ba ni kuya Harry mamaya?"

"Hindi nga," Wika ko. "Busy nga sila ni ate Kylie."

"Di ba ayaw mo kay Kylie? Eh bakit ngayon?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi naman ako yung makikisama sa kanya."

"So, you're civil with her?"

"Wala naman akong choice."

Tinapik ni Stella balikat ko. "That's okay baby girl."

"Shut up." Wika ko na kinatawa niya. "Is that Noah?"

Napalingon naman ako. Isa pa naming kaibigan na ibang department rin.

"Ibang klase." Ani Stella na napapailing habang palapit sa amin si Noah.

"Beshieeeeeees!" Sigaw ni Noah samin sabay yakap. "Ihhhh, namiss ko kayo!"

"Noah, ah! Tigilan mo kami!" Ani Stella.

"Ay, wit teh. Anong Noah?!" Ani Noah sabay batok kay Stella. "It's Neri."

Natawa naman ako sa kanila. "Same old, same old."

Nagtawanan kami. Hay, our friendship isn't typical. Yung bang isang buwan kaming di magkikita kaya sabik na sabik kami kapag may oras na. Stella's taking up Fine Arts, Noah's taking up Accountancy. I am taking up a pre-med course kaya naman di talaga nagtutugma schedule namin.

"Ay, naalala ko, I saw you with Harry the other day ha?" Ani Noah. "Buti umuwi?"

"You forgot?" Tanong ni Stella.

Us, Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon