Chapter Two - I love you

233 0 0
                                    

Tama nga ang hinala naming bugbog sarado si Kane.

Nadatnan namin siya at si Kaylin yung bestfriend ko na nag-aaway. Sakto pang nakita naming sinuntok ni Kaylin si Kane sa mukha. Napatakbo na lang kami ni Travis. Ako para pigilan si Kaylin at si Travis naman para pigilan si Kane na mukha atang may balak gumanti.

“Woah! Woah! Woah! Kane, babae yan. ‘Wag mo patulan.” Sabi ni Travis habang pinipigilan si Kane na pasugod na kay Kaylin.

“Pare, sumosobra na yang babaeng yan e nakailang suntok at hampas na saakin e! Paganti lang! Kahit isa lang!” Si Kane, yung bestfriend ni Travis. Lead Vocalist ng banda. Gwapo, isa rin sa mga Popular Guy ng school, Sobra sa kakulitan. Mortal enemy si Kaylin obvious naman diba?

“Wow! Ako pa yung sumosobra ha! Napaka-yabang mo kasi akala mo lahat na ng babae may gusto sa’yo, baka gusto mo namang gawin akong exception kasi never ako sa’yo magkakagusto!” sigaw naman nung pinipigilan kong si Kaylin na balak pa atang sumugod at kalmutin yung pagmumukha ni Kane. Si Kaylin yung bestfriend ko, Cute dahil sa hindi niya katangkarang height. Masayahin madalas pero pagdating kay Kane, tumatapang yung maamong tupang bestfriend ko. Ewan ko ba pero ang init ng dugo ng dalawang ‘to sa isa’t-isa.

“Teka! Teka! Teka! Ano ba naman kasi yung nangyari?” sumingit na ako sa sigawan nila para matapos na. Tumigil na din sa pagpupumilit si Kaylin sa pagsugod at umayos na siya ng tayo sa tabi ko. Habang si Kane tumigil na din pero masama parin yung tingin sa isa’t-isa.

“Iyan kasing bestfriend ng boyfriend mo! Akala mo kung sino! May gusto daw ako sakanya at tuwang-tuwa daw ako dahil sinundo niya ako kanina sa bahay! Sino ba naman maiinis o maasar sa napakayabang at over confident na lalaking yan?!” Huh?! Para dun lang sinuntok niya na si Kane? Napaghahalataang guilty yung bestfriend ko. Alam kasi namin ni Travis na may gusto sila sa isa’t-isa ayaw lang nila aminin dahil kung sino yung unang umamin for sure siya yung talo.

“Eh bakit kasi guilty ka?! Nakasuntok ka kaagad ha! O dahil nagseselos ka lang kasi kay Sophie kaya mo ko nagawang suntukin.” Sophie? Si Sophie yung classmate naming mukhang model sa tangkad at ganda?

“Ang kapal talaga ng pagmumukha mo noh?!” halata kong totoo nga yung sinabi ni Kane, mukhang nagseselos nga yung bestfriend ko. Kahit hindi ko alam kung ano pinagselosan niya dun, pero nakikita ko sa namumula niyang mukha at sa ekspresyon niya na yun nga ang dahilan kung bakit niya nasuntok si Kane hindi lang dahil dun sa napakababaw na pagiging over confident ni Kane.

“Hindi ba kayo napapagod?” naramdaman kong umakbay saakin si Travis pagkasabi niya nun. “Bakit hindi niyo kami gayahin ni Aya? Masyado din kasi kayong in denial sa isa’t-isa.” Atsaka niya ako nilead papasok sa isang restaurant kung saan namin napagusapang magkita-kita nila Kaylin. “Ayusin niyong dalawa yan!”

****

The Music Restaurant kung tawagin yung restaurant na pinasukan namin. Hindi lang siya kainan may live bands kasi na tumutugtog every night dito at syempre banda nila Travis yung madalas na tumutugtog dito. Tatay na kung ituring namin yung may-ari ng resto na si Tatay Eddy, mabait kasi siya, masaya kasama at parang tatay kung pagsabihan kami everytime na may gawin kaming mali, magaling magpayo at ang turing saamin nila Travis, Kaylin, Kane at yung dalawa pang kabanda ni Travis na sila Kuya Ethan at Kuya Jace na kapwa matanda saamin ng isang taon ay parang mga tunay na anak niya na. Ang kwento niya saamin hiwalay daw sila ng asawa niya at hindi na daw siya tinuturing na tatay nung mga anak niya, sabi niya dahil na-brain wash daw sila nung bagong asawa nung asawa niya pero hindi naman niya saamin sinabi kung anong dahilan ng paghihiwalay nila ng asawa niya. Isa papala sa maganda dito sa resto ni Tatay Eddy eh hindi siya nagpapapasok ng mga sosyalera, ang pinapakain niya lang dito ay yung mga taong sa tingin niya eh mga simpleng tao lang kaya nga walang nakakapasok dito na mula sa school maliban saamin syempre, kaya naman dito sa loob ng resto malaya naming naipapakita sa iba yung pagmamahalan namin ni Travis. Cheesy right?!

“Travis pare!” bati ni Kuya Jace. Siya yung drummer ng banda nila. Nakipag-fist bump siya kay Travis at Kane na nakangiti na ngayon matapos yung nangyari kanina. Bipolar din yung taong ‘to eh.

Marami-rami na ding tao yung kumakain sa loob. Pamilya, magkakaibigan, Couples na nagdedate.

“Hey.” Mahinang bati naman nung katabi ni Kuya Jace na si Kuya Ethan. Nagtanguan lang sila. Si Kuya Ethan yung bassist nila sobrang tahimik at madalas tulog pag kasama naming nag-hahang out kung saan saan. Nginitian niya lang din kami ni Kaylin.

“Hey Ladies!” bati naman ni Kuya Jace matapos niyang makipagkulitan kila Travis at mapansin kami ni Kaylin.

“Hi Kuya Jace!” todo ngiti naman si Kaylin. Sabi niya saakin dati crush niya si Kuya Jace. Di ko din naman masisi kasi gwapo naman si Kuya Jace at sweet sakanya. Nacucutan kasi si Kuya Jace sakanya dahil sa height niya. Hindi naman kaliitan si Kaylin pero kung para sa edad naming 16 maliit siya kumpara saamin at hanggang tenga ko nga lang siya e ikumpara mo pa sa mga nagtatangkarang mga lalaking kasama namin.

Paupo na sana si Kaylin sa katabing upuan ni Kuya Jace nung unahan siya ni Kane.

“What the?! Umalis ka nga diyan!” sabi nung inis na si Kaylin habang si Kane naman eh pinapat yung lap niya.

“Kandong ka na lang, baby ka pa naman e.” Sabay batok ni Kaylin sakanya.

“Badtrip ka talaga Kane!” No choice bestfriend ko kung hindi umupo na lang sa bakanteng upuan sa tabi ni Kane.

Inofferan na din akong umupo ni Travis sa may isa sa magkatabing bakanteng upuan sa tabi ni Kuya Ethan, dahil bilog yung table magkatabi kami ni kaylin at katabi naman ni Travis si Kuya Ethan na katabi si Kuya Jace.

Umorder na din kami nun ng kakainin namin before tumugtog yung banda. Pumunta din sa table namin si Tatay Eddy at kinamusta kami. Matagal-tagal na din kasi kami ni Kaylin bago nakapunta ulit dito madalas kasi nung may pasok every Friday night ang punta namin eh nung magbakasyon wala na kaming time dahil inasikaso namin yung pag-eenrol para sa College.

“Saan niyo nga pala balak mag-college?” tanong ni Tatay Eddy saamin nila Travis.

“Nakapasa silang apat sa University na pinapasukan namin ni Ethan e. Diba?” tumango naman kaming apat. Pare-pareho naming first choice yung University na pinapasukan nila Kuya Jace eh sa nakapasa naman kami bakit pa nga ba kami maghihiwa-hiwalay?

“Iba na College mga bata ha, hindi na yan parang High School na pwede pa kayong maglaro. Yan na yung umpisa ng daan niyo patungo sa pangarap niyo. Mag-seryoso kayo! O siya, may aasikasuhin pa ako maiwan ko muna kayo dito.” Nagpaalam na din kami kay Tatay Eddy.

Dumating na din yung inorder namin, matapos ang panunuod namin kay Kaylin at Kane na mag-away. Hindi kaya nagsasawa yung dalawang yun?

“Hey, Happy Monthsary!” bago umalis si Travis sa tabi ko at tutugtog na sila sa harap binati niya ako at hinalikan sa noo. Syempre hindi mawawala yung pang-aasar nung mga kasama namin sa table.

“Ang sweet naman!” may halong pang-aasar pa yung pagkasabi ni Kaylin nun.

“Naiinggit ka lang. Wala kasing nanliligaw sa’yo e.” Pang-aasar naman ni Kane nakatanggap tuloy ulit ng batok.

Patuloy yung asaran at tawanan sa table namin pero nagulat ako nung bumulong ulit si Travis.

“I love you.” 

My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon