Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Kamusta naman kaya yung resulta ng exam ko ngayon?
Sana highest padin.
Sana...
Sana...
Sana...
Kailangan ko na bang magdasal sa lahat ng santo?
“Pag nataasan kita sa test natin sa Biology, magiging slave kita for 1 week at pag nataasan mo naman ako, ako magiging slave mo ako for 1 week.”
Iyan yung napag-usapan naming Deal ni Travis.
Madalas kasi nagkakatalo kami sa academics.
Dati ako lagi highest pero ngayon natataasan niya pa yung mga scores ko at madalas perfect pa.
Mataas pride ko no!
Hindi dapat ako magpatalo dun sa mokong na yun at higit sa lahat ayokong maging slave nun.
At ngayon iniisa-isa na yung pagdidistribute nung papel from lowest to highest.
Tesorero. Gonzaga. Rivera. Adolfo. Cañesa. Genese. Santos.
Halos lahat natanggap na yung papel nakita kong dalawang test papers na lang yung hawak nung teacher namin.
Saaming dalawa na lang ata yun.
Sana, hindi ako yung nexrt na tawagin.
....
“Martinez”
Oh No.
“YES! YES! YES!” narinig kong nagsisisigaw at tuwang-tuwa si Travis nun. Hindi ko alam kung dahil highest siya o dahil magiging slave niya ako for one week? Tumayo pa siya nun at nakipag-high five sa sobrang kaclose niya ng si Kane.
“Congratulations Buenviaje, Perfect score. Better luck next time Martinez, 1 mistake dahil sa wrong spelling mo sa Identification part.”
Tumayo na din ako nun at kinuha sa teacher namin yung test paper ko. Nakasalubong ko pa si Travis nun nung pabalik ako habang siya e papunta naman sa harap.
“Slave. 1 week.” Bulong niya nung magkasabay kami.
“Ugh. Fine.”
“Uh-Oh.” Sabi naman ni Kaylin saakin pagbalik ko dun sa upuan ko.
Alam kasi nila yung deal namin ni Travis.
“Ano ba yung wrong spelling mo?” inagaw saakin ni Kaylin yung papel ko.
At tinignan yung Identification part, nagulat na lang ako nung bigla siyang tumawa.
.......
“SHOCKS Aya! Tongue lang na-wrong spelling mo pa?”
**
“Pffft.” pagpipigil ni Travis tumawa.
“Sige lang tumawa ka lang. It’s a free country, you can do what you want!”
“No, I won’t laugh. Baka maasar ka e.” Sabi niya pa.
At dahil nga slave niya ako ngayon, sinabi niyang gusto daw niyang makatikim ng mga street foods.
Eto naman kasing si Kane nagkwento about sa mga street foods kay Travis, nacurious tuloy.

BINABASA MO ANG
My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)
RomanceIto ang istorya ni Ayanna isang simpleng babae na ang boyfriend lang naman e yung pinakasikat na lalaki sa campus na si Travis na lead guitarist ng isang banda. Ngunit sa madaming kadahilanan kailangang itago nila ang kanilang relasyon. Pagdating ni...