Chapter Ten - Maybe

123 0 0
                                    

Two days na kaming hindi nagkikita ni Travis o dapat kong sabihing two days ng hindi ako nagpapakita kay Travis.

Friday na at may 2 hours vacant period pa ako bago yung last subject ko. Kaya naman naisipan kong pumunta sa unang lugar na pumasok sa isip ko. Gusto kong mapag-isa at mag-isip isip kaya ko naisipang pumunta dito.

Nakatayo ako sa harap nung pinto ng Music Room nakikiramdam kung may tao sa loob pero mukhang wala naman kaya binuksan ko na yung pinto at pumasok ako.

Tama naman yung hinala ko. Walang tao sa loob kahit na may konting hope ako na makita kong nandun si Kuya Vince. Gusto kong marinig siyang tumugtog ulit.

Naglakad ako papunta sa Grand Piano at umupo ako sa harap nito. Kung marunong lang akong tumugtog, kaya lang Twinkle, Twinkle Little star lang at Happy Birthday ang alam ko.

Tinrace ko ng mga daliri ko yung piano keys.

“I want to feel better.” bulong ko.

“Alam mo hindi ka magiging okay kung piano kakausapin mo.” Napatingin ako dun sa nagsalita.

“Kuya Vince.” Nakasandal siya sa may tabi ng bintana.

“Vince na lang. Feeling ko ang tanda ko na pagtinatawag mo akong kuya e. 2nd year college palang naman ako.” Nakangiting sabi niya.

“Pero mas matanda ka parin saakin ng isang taon, Kuya.” Tumayo na ako nun mula sa pagkakaupo ko sa may harap ng grand piano.

“Vince na lang nga.”

“Kuya—“

“Vince.”

“Vince.” Nahihiyang sabi ko.

“There much better.” Lumapit siya sa may grand piano nun at umupo. Tinapik niya yung medyo maluwag pa na upuan na inuupuan niya sa harap ng grand piano na kasya ang dalawa. “Sit.” Nakangiting sabi niya.

“Alam kong hindi ka okay kaya ka ulit nandito.” Sabi niya nung nakaupo na ako sa tabi niya.

“Kuya—“ tumingin siya saakin nun habang nakakunot yung noo niya. “I mean Vince, pwede bang tugtugan mo ulit ako?” nahihiyang sabi ko.

“I told you, Anytime.” Nginitian niya ako nun. “Watch and learn.”

Then sinimulan niya na mag-play ng piano...

This time, kung tama yung pagkakaalam ko ‘Maybe’ yung title ng piece.

[Author's Note: If you want to listen to the piece. I have posted the link of its youtube video. I don't own the music and the video.]

Nanunuod ako habang nagple-play ng piano si Vince, habang nakapikit siya at yung mahahaba niyang daliri masterly touch and push the keys of the piano. Perfect and simply amazing to watch. He’s like an angel gracefully playing the piano piece kulang na lang e halo at white and wide wings sa likod niya.

“Maybe you must also do something.” Dumilat na siya nun matapos yung last note nung song.

“Huh?” tumingin siya saakin.

“Maybe hindi mo pa alam yung kabilang side ng story. You must not make your own conclusions. Maybe it’s true, Maybe it’s not.”

“Maybe?”

“Mmm-Hmm. Yung problema mo. Kung ano man yang dinadala mo.”

“Paano mo –“

“So, I guessed it right? Huh?!”

“Guess?”

“Oo. Hinulaan ko lang. Nababasa ko kasi sa mga mata mo na pag-ibig yung problema mo. Madalas pagdating sa pag-ibig hindi nagkakaintindihan yung dalawang tao. May magkabilang side sila kung saan yung isa mali at yung isa tama. Love is Understanding. If magkaroon ng misunderstanding sa isa’t-isa dun nasisira yung relasyon nila. Bago magkaroon ng hindi pagkakaintindihan kailangang pareho din silang magkapaliwanagan at pakinggan ang side ng isa’t-isa.”

Matapos kong marinig yun napatayo ako bigla.

“Ang tanga ko!” Bulong ko at bintbit ko na yung bag ko. “Salamat Vince ha.”

“Hindi natin maiiwasang hindi magpakatanga sa pag-ibig. Lahat tayo tanga sa pag-ibig. Lahat nagkakamali at nasasaktan sa pag-ibig. Pero hindi natin magawang iwasang umibig. Kasi kahit na masakit, masarap ang umibig.”

Napangiti na lang ako nun. Parang biglang natauhan ako nun. Tama hindi ko pa naririnig yung side ni Travis. Bakit nga ba ako nagcoconclude agad agad ng hindi ko pa alam kung bakit kami mag-uusap ni Travis.

“Mukhang may pinanghuhugutan ka ah?” sabi ko bago ako lumabas ng pinto.

Maybe.”

My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon