Nung una si Clover then ngayon naman si Reese at yung dalawang minions niya pa. Padagdag ng padagdag yung characters dito sa kwentong ‘to ah.
“Teka, magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Kuya Jace.
Humiwalay na din yung Reese sa pagkakayakap kay Travis na hindi parin nagbabago yung expression ng mukha.
“Oo naman. Paanong hindi kami magkakakilala nito?” at sa gulat ko eh humalik pa yung Reese sa pisngi niya, pati si Kuya Jace nanlaki yung mata. Gustung-gusto kong hilahin si Travis pero sa sobrang shocked ako na hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Sino ba talaga yung babaeng ‘to?!
“Diba? Cousin?” Cousin as in Pinsan?! Nakahinga ako ng maluwag nung sabihin niya yun. Magpinsan lang naman pala sila. Then it hits me. Kung may pinsan siya dito sa loob ng campus then malalaman niya yung relasyon namin at isa lang ang naiisip kong magiging bunga nito. Gagawin nanaman naming tago yung relasyon namin and it hurts me alot thinking na kaninang umaga lang ang saya ko dahil hindi nanamin itatago ito then ngayon...
Nakita kong tumango si Travis.
“Magpinsan kayo?! What a small world!” sabi ni Kuya Jace na nakahinga din ng maluwag nung malaman niyang magpinsan lang din pala sila.
Nahagip ng paningin ko si Kaylin na tulala at kinukulit ni Kane sa may gilid hanggang sa tumingin ulit siya sa banda saamin atsaka siya naglakad palayo. Paalis na sana ako sa pwesto ko nung hinabol siya ni Kane pero mas tumakbo si Kaylin nun, kaya naman kinuha ko na yung bag ko at tumakbo papunta kay Kaylin kahit na naririnig kong tinatawag ako ni Travis.
Hindi ko na kasi alam gagawin ko, ang daming nangyari ngayong araw at hanggang ngayon napakalaking palaisipan saakin kung ano problema ng bestfriend ko at ayokong mag-stay ng kasama yung taong sa tingin ko ay dahilan ng problema niya.
“Kane, ako na susunod kay Kaylin.” Sabi ko na lang nung madaanan ko si Kane.
“Aya, pakicomfort na lang si Kay para saakin.”
***
Hindi ko madalas nakikitang umiiyak yung bestfriend ko, lalo na kung tungkol sa isang lalaki. Pero ngayon mukhang alam kong sobrang nasaktan siya.
Nahabol ko na din naman si Kaylin at nadatnan ko siyang umiiyak na nakaupo sa may gilid ng fountain, wala na masyadong tao ngayon sa campus kasi halos lahat uwian na din. Yung ibang may pang-gabing schedule na lang yung nagkalat at papasok ng campus.
“Kay.” Tumabi ako sakanya. Pero hindi man lang niya ako tinignan. Patuloy siya sa pag-iyak nung mga oras na yun.
Makaraan ang ilang hikbi at iyak ni Kaylin na hinayaan ko muna.
“Aya?” binanggit niya yung pangalan ko habang humihikbi pa siya.
“Hmm?” tinapik-tapik ko yung likod niya. “Sige lang ilabas mo lang yan. Kahit na hindi ko alam kung ano dahilan niyan.”
“Sorry.” Inangat niya na yung nakayuko niyang mukha at nakita kong patuloy parin siya sa pag-iyak.
“Sorry saan?” tanong ko. Inabot ko sakanya yung panyo ko. “Oh, ‘wag mo singahan ha. Mahirap maglaba.”
Natawa siya nun ng saglit at pinunasan niya na yung mga mata niya. Tsaka siya tumingin saakin.
“Sorry kasi hindi ako naging honest sa bestfriend ko.”
“I understand. Okay lang yun no. May mga pagkakataon talagang merong isang bagay na kailangan nating itago o isikreto.”
“Nakaka-guilty nga kasi kung sino pa yung Mortal Enemy ko siya pa mas nakakaalam sa problema ko kesa sa Bestfriend ko na halos lahat miski na yung maliliit na bagay alam ko na ata sa’yo. Tapos ito hindi ko masabi-sabi sa’yo.” Matching singhot effect pa, dahil nga sa kakaiyak niya.
“Edi alam pala ni Kane yun?” tumango lang siya.
“Alam mo hindi ko akalaing may natatago palang kabutihan sa buhay yung taong yun.” Pagkasabi niya nun nakita kong may gumuhit na mga ngiti sakanyang mga labi.
“Mabait naman si Kane e. Ewan ko ba kung bakit simula nung magkakilala kayo ang init na ng dugo niyo sa isa’t-isa.”
“Napaka-over confident kasi masyado.”
“Hindi ka na kasi nasanay.”
“Hay, kung siya lang talaga yung una kong napansin noon pa.”
“Huh?! Ano ibig mong sabihin?”
“Wala. Tara na nga uwi na tayo.” Tumayo na siya nun. “Tsaka yung about sa kanina. Next time ko na ikwekwento sayo. Wala na ako sa mood ngayon e.” Tumayo na din ako nun.
“Sure. Anytime. Pero kung gusto mo ilabas mo pa yan. Mukhang hindi ka pa okay e.”
“Okay lang ba? Nahihiya kasi ako sa’yo e.” Hinawakan ko siya sa kamay niya nun at umupo ulit kami hanggang sa umiyak na lang ulit siya habang ako pinapat lang yung likod niya at nakasandal siya saakin. Para siyang batang umiiyak sa tabi ko na inagawan ng candy ng kalaro.
“It’s Okay. It’s my duty to comfort my Bestfriend.”
***
“Hello?”
“Aya, nakauwi ka na ba?” tumawag si Travis saakin ilang oras pagkauwi ko.
“Kanina pa. Ikaw?”
“Nakauwi na din ako. Sa Dorm na ako nag-stay ngayon e.”
“Ah. Oo nga pala nagdo-dorm ka na. Sorry nga pala kanina kung hindi ako sumabay pauwi. May nangyari kasi e.”
“Okay lang. Nakwento na din saakin nila Jace kung ano yung nangyari. Pasensiya ka na nga pala kay Reese. Hindi ko din alam na girlfriend siya ni Jace e.”
“Wala naman siyang ginawa saakin e. Kay Kaylin siya may ginawa.” Sabi ko na lang, at bigla ako nagsisi sa tono ng boses ko. Pinsan niya pa din naman yung Reese. “Sorry.”
“No, it’s okay. Dapat nga ako yung mag-sorry e.” Napansin kong parang lumungkot yung boses niya sa kabilang linya. Kaya medyo kinabahan ako.
“Bakit naman?” tanong ko.
“I think hindi ko matutupad yung sinabi kong hindi nanatin kailangang itago yung relasyon natin. Si Reese... natatakot akong malaman niya. Alam kong pag nalaman niya... sasabihin niya kila Mommy at natatakot ako kung ano pwede nilang gawin sa oras na malaman nila.” Sa mga oras na yun gusto ko magwala, bakit laging against saamin ang tadhana? Ganun na ba kami talaga hindi para sa isa’t-isa? “Pero promise ko sa’yo, sa tamang oras...” hindi ko na siya pinatapos nun. Hindi ko talaga kasi maintindihan.
“It’s Okay.” Sabi ko na lang. “Trav, pagod ako e. Bukas na lang tayo mag-usap.”
“Aya...”
“Pagod na ako.” Atsaka ko inend yung call. I felt bad nung time na yun. Naiintindihan ko naman siya. Ako din naman ang iniisip niya kaya niya tinatago yung relasyon namin pero ang hindi ko maintindihan e kung bakit sa lahat ng oras laging against saamin ang mundo?
First day ng College life ko at madaming nangyari, madaming bagong taong nakilala. Tama nga sabi nila, pagdating ng College madami ng magbabago.
“I’m so lost and tired at the same time.”
![](https://img.wattpad.com/cover/1496566-288-k390772.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)
RomantikIto ang istorya ni Ayanna isang simpleng babae na ang boyfriend lang naman e yung pinakasikat na lalaki sa campus na si Travis na lead guitarist ng isang banda. Ngunit sa madaming kadahilanan kailangang itago nila ang kanilang relasyon. Pagdating ni...