Chapter Four - It's so nice to meet you

174 0 0
                                    

KRRRRIIIINNNNNGGGG!!!!

KRRRRIIIINNNNNGGGG!!!!

KRRRRIIIINNNNNGGGG!!!!

Oh Great. Umaga na agad? Parang wala pang isang oras tulog ko eh.

Pinatay ko na yung alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ko atsaka ako bumangon. Naaninag ng mga mata ko yung isang maliit na bagay na kulay old rose sa may tabi ng picture namin ni Travis. Yung hairpin na binigay niya nung Monthsary namin, nung makilatis ko ng mabuti, hairpin siya na may design na maliliit na diamonds na kulay old rose, simple pero maganda, siguro dahil bigay niya. Napangiti na lang ako. Naramdaman ko ding nag-vibrate yung cellphone ko na naghuhudyat na may nagtext.

Good Morning Aya!

Good Luck sa first day mo!

See you later!

I love you!

-Travis :)

My ever sweet boyfriend Travis punung-puno ng energy umagang-umaga. Sayang wala akong load para replayan siya na naiintindihan din naman niya.

First day of my College life at kailangan ko ng maghanda. Magkahalong kaba at excitement yung nararamdaman ko. Kaba dahil bagong pakikisama nanaman at makikilalang mga tao, Excitement dahil ngayong araw hindi nanamin kailangang itago ni Travis yung relasyon namin and it really makes me happy.

 ****

“Mama, alis na ako! Bye!” matapos kong maghanda para sa pagpasok e, dumating na yung sundo ko.

“Sige, mag-iingat kayo sa pagpasok ha!” sigaw naman ni mama na galing sa kusina.

“Grabe Aya. Ang tagal. Sobrang tagal talaga!” Napag-usapan naming magsabay sa pagpasok ni Kaylin dahil pareho din naman kami ng course at classmates kami sa first subject namin.

“Ang sungit mo ata ngayon?” Kapag kasi sa mga ganitong mga pagkakataon punung-puno ng energy ‘tong taong ‘to. Pero mukhang ngayon may nangyari nanaman at nag-iinit nanaman yung ulo niya.

“Kasi, Naiinis na talaga ako!” Pagkasabing pagkasabi niya nun eh tumayo siya ng padabog. “Bakit ba ganun si Kane?!”

“Huh?! Si kane? Ano nanaman meron kayo ni Kane?” parang natauhan siya nun nung pagkasabi ko ng pangalan ni Kane.

“Uh. Wala. Never mind. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Tara na, baka malate pa tayo.”

Wait, What?!

Nakita niya ata yung reaksyon ko kaya napabuntong-hininga na lang siya.

“Aya, kalimutan mo na yung sinabi ko. Wala, WALANG MERON!” inemphasize niya pa yung pagkakasabi niya nung WALANG MERON.

“Fine, Fine. Bumubuga ka na ng apoy. Chill! First day natin! Baka kung ano na lang first impression sa’yo nung mga magiging classmates natin. Inhale. Exhale.” Sinunod naman niya yung pagsabi ko ng inhale at exhale.

“KYAAAAAAAAA!!!!” Muntikan na akong mabingi nung sumigaw siya pati si mama napalabas ng kusina at nagtanong ng kung ano daw yun.

“Oh, Ano naman ngayon?!”

“HELLO?! FIRST DAY KAYA NGAYON?! I’M SO EXCITED!!! TARA NA! PASOK NA TAYOOOO!” atsaka niya ako hinila palabas ng pinto. Habang si mama eh sinundan kami ng tingin na parang nagtataka, napakibit balikat na lang ako. Grabe mag-shift ng emosyon yung taong yun. Bipolar bagay nga sila ni Kane. Pareho silang baliw!

 “Wow, ganito pala pag College no?!” bulong ni Kaylin saakin nung makapasok na kami sa first subject namin. Wala pa naman yung professor kaya maingay pa sa loob ng room.

My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon