Chapter Eleven - Our First Kiss

148 1 0
                                    

Nasa harap ako ng salamin ngayon. Napili kong magsuot ng dress ngayong araw. Sa totoo lang never in my whole life ako nagdress siguro except na lang nung bata ako at yung uniform namin nung Elementary kami.

Yellow Dress yung pinahiram saakin ni Maya. Hindi ko naman kasi mahiraman si Kaylin kasi for sure maikli saakin yun dahil sa height niya e kami ni Maya magkakatawan lang kami at magkasing-tangkad. At mukhang mas matatangkaran niya pa ako. 14 years old palang si Maya pero parang mas matanda na siya saakin. Mas mature kasi mag-isip at higit na mas maganda kesa saakin.

“Bakit naisipan mo atang magpakaganda ngayon, Ate?” tanong ni Maya saakin habang sinusuklayan niya yung buhok ko.

“Wala lang.” Matipid na sagot ko. Medyo kinakabahan kasi ako ngayon e.

Naisipan kong mag-ayos kasi kung sakaling makikipag-break saakin si Travis, hindi ako magmumukhang kawawa na iniwan niya dahil wala akong sense sa fashion o dahil ayaw kong makipag-break siya saakin.

“May date ka no?” atsaka niya pinukpok sa ulo ko yung brush pero mahina lang naman.

“Aray.” Sabi ko habang pinapat ko yung bahaging pinukpok niya. “Hindi ko nga alam kung date ‘to e.”

“Sus, kunwari ka pa.” Kinuha niya na yung kwintas ko mula dun sa bedside table ko at sinuot niya sa leeg ko. “Eh kung sakalin kaya kita.”

Hinawakan ko yung heart na pendant nung kwintas ko, “Hindi ko alam kung date ba ‘to o makikipag-break na si Travis saakin.”

“HUH?! Ang gulo niyo ha. Eh bakit ka nagpapaganda kung tingin mong makikipagbreak sa’yo si Kuya.” Sabay batok.

“Ikaw ha. Baka nagkakalimutan tayo. Ako Ate dito. Kung makabatok ‘to.” Imbes na mag-sorry binelatan pa ako.

“Tayo na. Tignan natinkung anong itsura mo.” Pinatayo niya ako sa harap nung whole body mirror. Suot ko din yung sandals na pinahiram saakin ni Maya dahil nga panay sneakers lang yung sapatos ko.

“Woah...”

Tinignan ko yung sarili kong repleksyon katabi nung repleksyon ni Maya na nakasuot pa ng pajamas at nakatali yung magulong buhok. Ginising ko kasi siya ng kay aga-aga para dito. Kinaladkad ko na nga para bumangon at tulungan akong mag-ayos e.

Nung una hindi ko nakilala sarili ko, ang nakatayo sa harap ko e.

Yung Ayanna na nakadress, nakaayos yung buhok at nakasandals. Yung Aya na maganda, girly at hindi yung walang sense sa fashion. May konting lip gloss at nadampian ng foundation yung mukha at konting blush on. Simple pero maganda.

“Salamat Maya.”

“Hay, napakagaling ko talaga.” Nakapamewang na sabi niya. Naghikab siya at pumunta na sa may pinto ng kwarto ko at lumabas sabay sigaw ng, “Pero mas maganda parin ako sayo!”

“Aya! Nandito si Travis!” narinig kong tinawag ako ni mama mula sa baba. Siguro nag-aalmusal na yun.

“Aya, kahit anong mangyari. Ready yourself.” Ngumiti ako sa sarili kong repleksyon at sa huling pagkakataon e hinawakan ko ulit yung pendant ng kwintas ko at huminga ako ng malalim at lumabas na ako ng kwarto.

Nakasalubong ko pa si mama na nakasuot padin ng pajamas niya habang may dala-dalang tasa ng kape at nung makita niya ako.

“Oh Maya saan ka pupunta? Gising na ba Ate mo? Nan—“ hindi pa tapos yung sinasabi niya nung makita niya ako ng maiigi. “Aya? Ikaw pala yan. Aba, nagdadalaga ka na!” Natawa pa siya sa sarili niya nun dahil sa pagkakamali niya.

“Ma, alis ako ha. Kasama ko si Travis.” O diba? Saan ka pa? Ngayon lang ako nagpaalam.

“O balik agad ha. Huwag magpapagabi. Mag-iingat kayo. Walang gagawing kung anu-ano ha.” At humalik na si mama sa pisngi ko at nagdirediretso na paakyat ng hagdan.

My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon