Chapter Thirteen - The Past part 2 (The Band and the Creampuffs)

120 0 0
                                    

Ilang linggo palang ang lumilipas instant superstar na ang dating ni Travis.

Sobrang naging sikat, naging Heartthrob ng school pati mga higher years na babae e pinagkakaguluhan siya.

“Lakas ng dating ng alaga mo ah!?” sabi ni Kaylin.

Alaga ko ang tawag nila kay Travis dahil nga ako yung guide niya nun. May pagka-immature kasi kaya lagi kong inaaway at pinapagalitan. Madalas kasa-kasama ko siya dahil nga ako yung nagtuturo sakanya sa mga past lessons na namiss niya pero nung matapos na ang trabaho ko sakanya nagpaka-layo layo na ako at bumalik sa dati kong crowd na sila Kaylin kasi unti-unti na siyang nagiging popular sa school at ayaw kong madawit dun.

“Hindi ko na siya alaga ngayon no. Tapos na yun.” Pero kahit ganun hindi parin niya ako tinatantanan sa pangungulit niya kapag natripan niya.

“Hayy...” napatingin kami pareho ni Kaylin kay Kane.

“Oh, parang nalugi ka ah.” Nakapangalumbaba si Kane nun na katabi ni Kaylin.

“Syempre, nakalimutan na siya ng fans niya simula ng dumating si Travis e.” Natatawang sabi ni Kuya Jace na noon malamang e, 3rd year High School na habang kami e 2nd year palang.

Magkakaibigan na kami simula nung first year kami at sila kuya jace at ethan e second year. Matagal na nilang pangarap bumuo ng banda kaya nga lang kulang sila ng isa. Hindi naman kami matuto-tuto ni Kaylin sa pagtugtog ng gitara. Kaya hanggang pangarap na lang sila. Ang taas kasi ng pamantayan nila sa gusto nilang kunin na member at lead guitarist ng banda nila, ang gusto nila kasing gwapo daw nila at sikat para mahigit yung banda. Kaya naman hanggang ngayon e wala silang makuha na lead guitarist.

Then it hits me.

“A-HAH!” nag-snap pa ako nun at napatingin saakin sila Kane, Kaylin, Kuya Jace at Kuya Ethan.

“Ano yun?” tanong ni Kane.

“Diba naghahanap kayo ng lead guitarist ng banda niyo? Yung gwapo at sikat at magaling maggitara?”

“Oh ano naman ngayon? Matagal na kaming sumuko sa paggawa ng banda.” Sabi naman ni Kuya Jace.

“May kilala kasi akong gwapo at sikat. Pero hindi ko alam kung magaling maggitara pero sure akong dahil sakanya makikilala agad banda niyo.”

“Sino naman?” tanong ni kaylin.

“Hello?! Edi si – “ Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi dinugtungan na ni Kuya Ethan.

“Travis.”

“Oo nga no?! Ang galing mo Aya!” Abot tengang ngiti ni Kane.

“Tama! Eh sino naman yung mag-iinvite sakanya?”

“Malamang kayo. Kayo yung gagawa ng banda e.” Sabi ko naman.

“Dapat yung hindi na kailangan ng pilitan. Yung hindi niya matatanggihan.” Sabi ni Kaylin.

At dun parang alam ko na yung tinutukoy nila. Nakita kong nakatingin silang lahat saakin.

“Woah! Ako? No way!” sabi ko naman. “Tsaka isip bata naman yun e. Ang dali lang utuin nun.”

“Madali palang utuin e, Edi ikaw mang-uto.” Sabi ni Kuya Jace.

“Ikaw na bahala ha. Alam naman naming maaasahan ka e.” Nakangising sabi ni Kane. Tinataas taas niya pa kilay niya.

My Secret Relationship with Mr. Popular (MSRw/Mr.P)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon