Chapter 1

26 1 0
                                    

"Darrell!"

Saglit kong tinakpan ang mga tainga ko dahil sa malakas na sigaw ni Dessy. Kung makasigaw siya ay parang ilang taon kaming hindi nagkita. Wala na akong ibang nagawa nang tuluyan niya akong lapitan at yakapin. Kasunod niya si Bly na may hawak na isang cup ng iced coffee, ibinigay niya 'to sa'kin at din niyakap ako.

Pinagmasdan ko ang buong classroom, ilan pa lang kaming estudyante sa loob. I heaved a sigh at ngumiti. Grabe, ang bilis ng panahon, second year college na kami. Parang last year lang, 'di pa namin alam na ang ibig sabihin pala ng TBA ay "to be announced" at 'di isang shool building.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo, Dessy! Ang sakit sa tainga!" naiinis na saway ni Bly kay Dessy.

"Thank you, Bly! The best ka talaga," nakangiting wika ko naman at saka sumimsim sa iced coffee na ibinigay niya. Mas masarap talaga ang kape 'pag malamig.

"Anong 'thank you'? May bayad po 'yan, hindi libre," tugon ni Bly at saka humalakhak.

"Mukhang ka talagang pera!" natatawang sagot ko at saka ibinigay sa kanya ang bayad. Umupo ako sa pwesto katabi nilang dalawa. Kailangan ko talaga ng kape dahil 7 AM ang first subject namin for this semester. Sino ba naman kasing estudyante ang gaganahan pumasok nang gano'n kaaga?

"So siya lang ang the best? Paano naman ako?" malungkot na wika ni Dessy ngunit may bahid ng biro. Umakto pa ito na parang maiiyak. Natawa na lang ako sa kanya.

"I missed you, Dessy! Siyempre, the best ka rin 'no," saad ko.

"Ako hindi kita na-miss," tumatawang sagot naman niya. Baliw talaga ang babaeng 'to.

College is tough. Napatunayan ko 'yan during my freshman year dito sa Westford University. It's more challenging dahil nang dumating ako dito sa San Valentino, wala akong kilala na kahit sino. Wala kang ibang aasahan kung hindi sarili mo lang. No deadline extensions and second chances are rare. Everything is up to you kung gusto mong pumasa o hindi. Kaya sobrang thankful ako dahil nagkaroon ako ng mabubuting kaibigan katulad nila Dessy and Bly. They keep me sane sa mga panahong sobrang stressed ako. Hindi ko alam kung anong hatid ng school year na 'to sa'kin, but I'm ready to fight my way through it.

Laban lang!

"Ang lalim ng iniisip natin diyan a?" si Bly. Ngayon ay nakaupo na siya sa tabi ko, gano'n din si Dessy pero abala ang mga mata niyang nakatingin sa kanyang cellphone. Ano na naman kayang tinitignan ng babaeng 'to? Natawa ako nang makita sa malapitan ang mukha ni Bly, he looked more tan than usual. Sayang talaga, 'di ako nakasama sa kanilang dalawa ni Dessy na mag-summer vacation sa Isla de Froles. Pangarap ko pa naman makapunta do'n.

"Wala naman, curious lang ako kung anong mangyayari sa'tin this sem," saad ko at saka tumawa. Isinandal ko ulo ko sa balikat ni Bly at bahagyang pumikit. Ang bilis ng araw. Sobrang bitin 'yung bakasyon. Parang hindi ko pa nababawi ang lahat ng tulog ko mula sa puyat at stress na dulot ng mga school activities last semester. Wala bang extension?

"Ano ka ba? Siyempre papasa tayo," ani Bly. "Dapat kasi, sumama ka na lang sa'min ni Dessy sa Isla de Froles para naman nakapag-relax ka. Puro ka aral e," hirit pa niya.

"Oo nga," singit naman ni Dessy. "You deserve a break, Darrell," aniya nang nakangiti.

"Promise, sasama na talaga 'ko next time. Pero ipagpaalam n'yo ako kay mommy a?" tumawa nang malakas ang dalawa kong kaibigan sa sinabi ko.

"Oo na! Igagawa ka pa namin ng waiver," humahalakhak na pang-aasar ni Bly. Agad ko siyang hinampas nang malakas sa braso.

.

After my grandmother passed away two years ago, nabaon sa utang ang parents ko dahil sa mga hospital bills at ibang pang ginastos para sa pagpapagamot kay lola. Ngayon pa lang kami nakaka-recover at mas naging busy na din ako sa pagtulong kanila nang pagma-manage sa munting business namin. Sa dami ng mga bayarin namin kada buwan, nakaka-guilty na humingi ng pera sa parents ko para lang sa isang bakasyon.

HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon