Chapter 5

6 1 0
                                    

"Kamusta naman sa school?" Nakangiting tanong ni mommy sa'kin habang kumakain kami. Muli kong naalala ang mga nangyari ngayong araw at wala sa sariling napangiti ako nang maalala ang performance ni Enoh. Ngunit mabilis ko ding sinaway ang sarili ko sa isipin na 'yon. Bakit ko ba siya iniisip?

"Okay naman po. Medyo pagod po pero kaya naman," sagot ko.

"Naku 'nak ha, magpahinga ka rin naman paminsan-minsan. Baka maging cum laude ka na niyan ha?" Pagbibiro ni mommy dahilan para matawa ako. "Nga pala 'nak, pwede ba 'kong humingi ng pabor sa'yo?

Mabilis naman akong tumango. "Sure mommy, ano po 'yon?"

"May delivery kasi tayo ng cupcakes para sa isang client natin bukas. Kaya lang, wala si Jomar dahil umuwi ng probinsya nila at nanganak ang asawa," kwento ni mommy. Matagal nang nagtatrabaho sa'min si Kuya Jomar bilang taga-deliver ng mga baked goods na ginagawa ni mommy. "Naisip ko, baka pwedeng kayo na lang ni Enoh ang mag-deliver ng cupcakes? Tutal, may motor naman siya di'ba?"

"Po?" 'Yon lang ang tangi kong naisagot sa dami nang sinabi ni mommy. Kinuha ko ang malamig na baso ng tubig at saglit na uminom. Ibig sabihin ay magkakasama na naman kami?

"Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong ni mommy.

"H-hindi naman sa gano'n, 'my. Pero, pwede naman akong mag-taxi di'ba?"

"'Nak, sa layo ng bahay ng client natin, baka 'yung bayad do'n sa cupcakes ay sa pang-taxi mo na lang mapunta," natatawang sambit ni mommy. " 'Tsaka babayaran ko naman si Enoh. Wala lang talaga kasi akong ibang mautusan ngayon e."

Hindi pa rin mai-proseso ng utak ko na muli na naman kaming magkakasama ni Enoh.

"Ano 'nak, okay lang ba?" muling tanong ni mommy sa'kin.

"Sige po," sagot ko at saka pilit na ngumiti.

Kita ko ang saya sa mukha ni mommy. "Naku, 'nak! Salamat ha? Malaking client kasi 'to. Salamat talaga."

Gusto ko sanang tumanggi pero bigla rin akong umurong sa idea na 'yon. Dapat ay mawala na talaga ang pagka-ilang ko kay Enoh. Pakiramdam ko ay mas lalo lang akong mahihirapan 'pag 'di ko pa 'to ginawan ng paraan. Isa pa, para din naman iyon sa business namin. Alam ko kung gaano kahalaga ang bakeshop kay mommy, ayoko naman na dahil naiilang ako kay Enoh, maapektuhan na rin no'n pati ang buhay namin.

Kinabukasan ay gano'n na lang kaba ko habang naglalakad papunta sa building ng first class ko ngayong araw. Tahimik ang buong paligid dahil maaga pa. Para akong baliw na nag-re-rehearse habang naglalakad kung paano sasahin kay Enoh ang pabor na hinihingi ni mommy.

"Good morning, Enoh. Hihingi lang sana ako ng favor sa'yo. Pwede mo 'kong samahan na mag-deliver ng cupcakes na ginawa ni mommy?"

Napailing ako matapos sabihin 'yon. Parang masyadong pormal. dapat yata ay mas casual ang approach ko.

"Hi, Enoh. Free ka ba bukas? Samahan mo naman akong mag-deliver ng cupcakes–"

"Sure. No problem."

Muntik na akong mapatalon ng marinig ang isang boses. Tumigil ako sa paglalakad at hinanap ang pinanggalingan ng boses na nagsalita. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Enoh. Napalunok ako ng lumapit siya sa'kin.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat.

Tumawa siya. "Malamang, papasok. Ano bang tanong 'yan?"

Kapansin-pansin na mas lumitaw ang gwapong mukha niya, siguro dahil bagong gupit siya. Wala ng brown highlights ang buhok niya, at mas bumagay din sa kanya hairstyle niyang crew cut. Napamaang ako nang bigla niyang ibigay sa'kin ang isang cup ng iced coffee.

HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon