Chapter 4

2 1 0
                                    

"Morning guys," matamlay na bati ko kay Bly at Dessy. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Maaga naman akong natulog kagabi pero pakiramdam ko, kulang pa.

"Magandang buhay!" sagot naman ni Dessy sa'kin. Kung anong tamlay ng bati ko ay siya namang sigla niya. Pinagmasdan ko si Bly, kasalukuyang nakatuon ang atensyon niya sa isinusulat.

"Uy, Darrell. Patulong sa assignment natin," ani Bly na naramdaman yata ang pagdating ko.

"Kaloka ka naman kasi. Bly. Hello! Sa bahay kaya ginagawa ang assignment. Hindi sa bahay dapat," singit ni Dessy.

"Nag-gig kasi kami kagabi. Last performance na 'yon ng vocalist namin," bumaling ulit sa'kin si Bly "Tulungan mo na 'ko, Darrell. Ikaw na lang ang pag-asa ko," sinamahan niya pa iyon nang akala mo'y iiyak. Natawa na lang ako. Kinuha ko ang binder niya at nagsimula nang sagutan ang ilan sa mga equations na 'di niya makuha ang tamang sagot. Okay na rin 'to para mawala ang antok ko.

Hindi talaga para sa'kin ang early morning classes. Naligo na ako ng malamig na tubig at lahat pero inaantok pa rin ako. Bahagya rin akong nanibago sa ayos ng classroom, hinati na ito sa dalawang column ngayon at may apat na upuan sa bawat row. Sa bandang likod kami nakaupo, at wala pang gaanong estudyante. Bahagyang kumunot ang noo ko nang may makitang bag na nakapatong sa katabi kong upuan. May bago na namang student?

"Good morning, Enoh! Taray, looking fresh tayo today" komento ni Dessy.

"Morning" narinig kong bati niya. Napatingin ako sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. Wait lang, seatmates na kami?!

"Diyan ka nakaupo?" gulat na tanong ko.

"Oo, bakit?" balik niyang tanong sa'kin habang nakangiti. "Seatmates na tayo," aniya at tumawa.

"Diyan ko na siya pinaupo kasi di'ba, friend na natin si Enoh," dagdag pa ni Dessy at saka sila nag-high five ni Enoh.

Kahit one week pa lang nilang kilala si Enoh ay mabilis nila 'tong nakasundo. Ngayong seatmates na kaming dalawa, siguradong lalo akong maco-conscious nito. Ewan ko ba kung bakit gano'n ang nararamdaman ko sa tuwing nandiyan siya sa paligid. Idagdag pa na gwapo si Enoh, nahihiya akong tumabi sa kanya. Ipinilig ko ang ulo ko, ano ba 'tong mga sinasabi ko?

"Need help?" aniya habang nakatingin sa binder ni Bly.

Bahagya akong lumayo dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. "H-hindi na, o-okay lang," halos mabulol ako sa pagsasalita. Kailangan ko yata ng iced coffee para kumalma ako. Nagpatuloy ako sa pagsagot ng ibang part sa assignment ni Bly, napaangat ako ng tingin kay Enoh nang mapansin ko ang isang bar ng dark chocolate sa desk ko.

"Kain ka muna, mukhang stressed ka na diyan," ani Enoh.

Napatitig ako sa kanya. I wonder kung paano niya napapanatili ang ngiti na 'yan sa mukha niya sa tuwing magkaharap kami. No'ng una kong makita si Enoh, inisip ko na malaki na ang ipinagbago niya. Pero ngayon, masasabi ko na 'di 'yon totoo. Siya pa rin ang dating Enoh na nakilala at minahal ko.

"Baka matunaw ako n'yan a," tudyo ni Enoh.

Napakurap ako sa sinabi niya. Gusto kong batukan ang sarili ko. Ang careless mo talaga, Darrell. Ano bang ginagawa mo?

"T-Thank you," saad ko at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang professor namin. Habang nakikinig sa lecture, 'di maiwasang lumipad ng isip ko tungkol sa'ming dalawa ni Enoh. Buong semester na lang ba ako magiging awkward 'pag nandiyan siya? 'Di maganda tignan.

Sumapit ang lunch break at 'yun pa rin ang nasa isip ko. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen. Kasama namin si Enoh pero I always maintain a distance from him. Sana mayroong guidelines na pwede kong sundan kung paano pakikitunguhan ang isang dating best friend na minahal mo. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Ewan.

HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon