Chapter 3

7 1 0
                                    


"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni mommy sa'kin habang sinusuyod ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako sa suot kong yellow t-shirt na may malaking print ng teddy bear sa gitna, tinernuhan ko na lang 'yun ng kupas kong jeans at simpleng slippers dahil sa malapit na mall lang naman ako pupunta.

"Wala na po," nakangiting sagot ko bago kinuha ang pera sa kanya.

"Mag-ingat ka, alam mo namang delikado na ang panahon ngayon. Mag-text ka rin sa'min ng mommy mo from time to time ha?" Singit naman ni daddy.

"Darrell, ang baking powder, 'wag na 'wag mong kalimutan. Naku! Kukurutin talaga kita sa singit 'pag nakalimutan mo na naman," tumatawang pagbabanta ni mommy.

"Si mommy naman e!" Angal ko sa kanya. "Hindi na po ako bata," nakasimangot kong pakli.

"Asus, ang anak ko! Ikaw pa rin ang baby boy namin 'no," ani mommy at saka pinisil ang pisngi ko. "Sige na, umalis ka na't baka abutan ka pa ng ulan."

"Darrell, be home in an hour okay?" Pahabol pa ni daddy at tumawa, halatang nagbibiro.

"Daddy naman!" Maktol ko at saka natawa.

Kahit malaki na ako ay nando'n pa rin ang labis na pag-aalala ng parents ko sa tuwing lalabas ako nang mag-isa. Naiintindihan ko naman 'yun dahil only child lang ako. Siguro, isa rin 'yun sa mga dahilan kung bakit masaya ako 'pag kasama ang mga kaibigan ko. Para na rin kasi akong may mga kapatid sa tuwing nandiyan sila. 'Yun nga lang, hirap akong payagan 'pag gagala ako kasama sila. Madalas, kailangan pa nila akong ipagpaalam.

Kinuha ko ang maliit kong sling bag at nagpaalam na sa kanila. Kahit na summer season ay makulimlim ang panahon sa San Valentino. Araw ng Sabado ngayon kaya hindi ako naka-encounter ng malalang traffic papunta sa mall. Grabe, naitawid ko ang first week as a sophomore. Ang bilis ng araw, parang no'ng Monday, halos himatayin ako sa gulat nang makita ko si Enoh. Kamusta na kaya siya? Ipinilig ko ang ulo ko, bakit ko ba siya iniisip? Ang hirap ng ganito.

Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa'kin ang napakaraming tao. Sinulyapan ko ang listahan ng mga baking supplies na kailangan kong bilhin, ang dami pala. Dapat nagpasama ako kay daddy para may katulong ako. Pero bahala na, ang importante, mabili ko 'to lahat. Nagtungo ako sa baking supply shop na lagi naming pinupuntahan.

"Uy, Darrell!" Masayang bati sa'kin ni Ate Jeng, ang may-ari ng shop. Sa dalas naming magpunta rito, kilala na ako ng may-ari at maraming beses ko na siyang naka-kwentuhan.

"Hello po, Ate Jeng. Kamusta po?" Sabi ko naman at lumapit sa cashier table.

"Okay naman, maganda pa rin. Ako muna ang naka-tao ngayon kasi may sakit ang trabahador ko" sagot niya. "Patingin nga ng listahan mo. Ano ba 'yan?" Inabot ko naman ito at napailing siya nang mabasa ang mga supplies na kailangan kong bilhin para sa bakeshop namin. Idinamay na rin kasi ni mommy sa pagbili 'yung kaibigan n'ya na may bakeshop.

"Naku, Darrell. Ang dami pala nitong bibilhin mo. Aba'y wala ka bang kasama?" Worried na tanong ni Ate Jeng at saka ibinalik sa'kin ang listahan.

"Wala po e. Pero okay lang 'yan, Ate Jeng. Ako pa ba?" nakangiti kong saad.

"Dapat kasi, humanap ka na ng boyfriend para naman 'di na lonely ang shopping adventure mo rito," kinikilig na sabi niya. "Ang cute mo pa naman o! Baby face!"

Natawa na lang ako sa sinabi na 'yun ni Ate Jeng. Wala pa naman sa isip ko ang mga gano'ng bagay. For now, masaya akong single. Bata pa naman ako, I still have all the time in the world para hanapin ang tao na mamahalin ko.

HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon