Chapter 2

20 1 0
                                    

"Darrell, paabot nga ng plato diyan sa tabi mo para matapos ko na 'tong niluluto ko," ani mommy. Mabilis ko namang ibinigay ang hinihingi niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa mesa at binibilang ang kinita ng pastry shop namin ngayong araw. Napangiti ako dahil maganda ang takbo ng business namin. Kanina lang pagdating ko ay marami pa akong naabutan na customers na bumibili kahit malapit na kaming magsara.

Pero hanggang dito sa bahay, parang multo akong sinusundan ng mga nangyari ngayong araw. Mas lalo pa akong naguluhan sa mga sinabi ni Enoh kanina. Marahan kong hinilot ang sentido ko, mukhang kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na maging classmate si Enoh. After all, wala naman akong ibang choice. Ang childish naman kung lilipat ako ng ibang section para lang maiwasan siya.

"Two can play this game, Darrell. You won't see me quit."

Naalala ko na naman. Marahas akong umiling na para bang makakatulong iyon para makalimutan ko ang mukha niya habang sinasabi 'yon. He was smiling! Ano bang gusto niyang mangyari? Kumain na ako ng ice cream at lahat pero feeling ko, kulang pa rin 'yun para maibsan ang stress na naranasan ko ngayong araw. Bahagya akong nagulat nang tapikin ako ni mommy sa balikat.

"Naku 'nak, mukhang pagod ka nga talaga," ani mommy

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko.

"Plato ang ipinapaabot ko sa'yo, hindi sandok. 'Kaw talagang bata ka," natatawang sabi ni mommy sa'kin bago kinuha ang plato na ipinapakuha niya. Sinulyapan ko ang hawak-hawak ko na sandok at natawa na lang din.

Pagkatapos namin mag-dinner ay dumiretso na ako sa kwarto. Habang nagbabasa ng isang online article, naisipan kong magbabad sandali sa Facebook. I wonder kung may Facebook account na siya ngayon. Ang huli ko kasing naalala, nag-deactivate siya ng account. Ako naman, I blocked him on my other social media accounts. At that time, iyon lang ang alam kong paraan para kalimutan siya.

I typed his name sa search box at hindi naman ako nabigo dahil lumabas agad ang pangalan niya. Binisita ko ang profile niya pero halatang naka-private, ilang pictures lang ang makikita. Dapat ba akong mag-send ng friend request? Pero agad din akong umalis sa profile niya. Kakasabi ko lang sa sarili ko na mas mabuting maging strangers na lang kami, pero ito 'ko ngayon, nakatingin sa Facebook profile niya. I closed all the open tabs and put my phone down.

Para kang tanga, Darrell.

***

"For today's activity, we'll have a small volleyball tournament. I'll divide you into teams, and you'll be playing against Ma'am Caparal's class," sabay turo ng PE instructor namin na si Sir Gonzales sa kabilang dako ng court kung sa'n naro'n ang ibang students. "I need to see kung talagang may natutunan ba kayo about the basics of volleyball that we discussed today. Malinaw ba?" Tanong sa'min.

Hindi man pabor ang iba sa mangyayari, tanging "yes, sir" na lang ang naisagot namin. Umalingawngaw sa buong covered court ang reklamo ng mga classmates ko pag-alis ng Sir Gonzales kasama ang PE instructor ng kabilang section para kuhanin ang ilang bola at net na gagamitin. I can't blame my classmates, marami sa'min ang hindi fan ng sports. Pero siyempre, kailangan namin 'tong ipasa, whether we like it or not.

"Pwede bang scorer na lang ako? Baka sa volleyball pa masira pa ang face ko," nakangusong reklamo ni Dessy.

"Wala naman nang masisira sa mukha mo e, sira na 'yan dati pa," tumatawang pambabara ni Bly. Hinampas ko siya sa braso bilang pagsaway. Matabil din talaga ang dila ng isang 'to e.

"Ay wow! Nagsalita ang mukhang panis na itlog!" ganting sagot naman ni Dessy.

Nagpatuloy lang sa pag-aasaran ang dalawa, napakamot na lang ako sa ulo. Para talaga silang aso't pusa. Sinulyapan ko si Enoh, malapit lang siya sa'min. Kausap niya ang iba kong classmates. Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Bly.

HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon