Chapter 7

2 1 0
                                    


"Bastos 'yon a," naiinis na sabi ni Tita Ella. Bumaling siya sa'kin. "Pasensya ka na ha? Akong bahala. Diyan ka lang, Darrell."

"Enoh!' Sigaw ni Tita Ella. "Michael Enoh Baltazar! Bumaba ka rito! Ngayon na! Huwag mong hintayin na tuluyan akong magalit!" sa lakas ng boses ni Tita Ella ay ume-echo ito sa buong bahay nila. Pati ako ay nakaramdam din ng takot.

Maya-maya pa ay muling bumaba si Enoh. Nakasimangot siya at ayaw pa rin akong tignan.

"Ano bang problema mong bata ka? Naiwan mo ba ang good manners mo sa kung saan?"

"Pero, ma..."

"Kung anoman ang misunderstanding n'yong dalawa, pag-usapan n'yo. 'Di maganda na pinatatagal ang isang away."

"Ayoko po," matigas na wika ni Enoh.

"Gano'n?" Tumaas ang isang kilay ni Tita Ella. "Mag-uusap ba kayo ni Darrell ngayon o babawasan ko ng 70% ang monthly allowance mo?" banta ni Tita Ella. Kulang na lang ay malaglag ang panga ko sa sahig. Seryoso ba 'yon?

"Ma naman!" Alma ni Enoh.

"Kilala mo 'ko, Enoh. Gagawin ko kung anong sinabi ko. Ayusin n'yo ni Darrell kung anoman 'yan. Maliwanag ba?"

Wala ng ibang nagawa si Enoh kung hindi ang tumango. "May aasikasuhin lang ako sa kusina," ani Tita Ella sa'kin. "Call me if you need anything ha? Lalo na 'pag nagsungit 'tong anak ko," sabay turo kay Enoh.

Pag-alis ni Tita Ella ay agad na nagsalita si Enoh. "Bakit ka ba kasi nandito?"

'Di ko maintindihan kung bakit 'di niya ako matignan ng diretso. "Gusto lang kitang makausap tungkol do'n sa nangyari last time." Ito na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Do'n tayo sa kwarto mag-usap."

"O-okay," sagot ko.

Sinundan ko siya paakyat, nang makapasok kami sa loob ng kwarto niya ay agad niyang isinara ang pinto. Hinila ni Enoh ang isang upuan mula sa study table niya at inilagay malapit sa kama niya. Marahan akong naupo ro'n habang siya naman ay pinili na sa kama maupo.

Shit. Ito na, mag-uusap na talaga kami.

"Now, talk." utos niya.

Napalunok ako. "K-kamusta? Masama pa ba pakiramdam mo?" Para akong naghahanap sa malawak na damuhan ng gusto kong sabihin. Kailangan kong kumalma.

"Hindi na."

Kaya mo 'to Darrell. 

"Enoh, gusto kong mag-apologize sa nangyari last time." Kahit paano ay gumaan ang bigat ng dibdib ko matapos sabihin 'yon. Nakatingin lang sa'kin si Enoh. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.

"Alam kong galit ka sa'kin, at naiintindihan ko 'yon. I'm sorry dahil bigla kong binalewala ang friendship natin. Hindi ko inisip ang feelings mo. Basta ko na lang itinapon ang pinagsahaman natin nang gano'n lang." saad ko at saka saglit na huminga. "Nang malaman ko kay Tita Ella ngayon kung anong nangyari sa family n'yo, I felt so guilty. 'Di kita nadamayan kagaya ng lagi mong ginagawa sa'kin dati 'pag malungkot ako."

Saglit akong napapikit. Muling nanumbalik sa alaala ko ang mga taon na pinigilan ko ang sarili ko na kamustahin siya kahit na gustong-gusto ko. My feelings for him were so strong at that time. Natakot ako na baka tuluyan kong masabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman kaya paglayo lang ang nakita kong solusyon para kalimutan siya.

"I'm sorry, Enoh. I'm really sorry. I wish I could've done things differently," pagtatapos ko sa halos pabulong na boses.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni Enoh. Mataman lang siyang nakatingin sa'kin. Marahan niya akong hinila para paupuin sa tabi niya. Umayos siya ng upo at humarap sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon