Prologue

419K 6.6K 467
                                    

"NAPAKAGANDANG bata ng ating anak,Lucius.",nakangiting sabi ng reyna habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na sanggol.

Napakaganda nga naman talaga ng sanggol na prinsesa. Mukha itong manika dahil sa malaporselana nitong kutis,mapupulang labi,matangos na ilong at mahabang pilikmata. Bata pa lamang ay talagang kahanga-hanga na ang taglay nitong ganda.

"Manang mana sa iyo Lara. ",sagot naman ng hari saka niyakap ang kanyang asawa mula sa likod.

"Sana'y hindi mawala satin ang sanggol na ito. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakin kung pati siya ay mawawala din.",nagdadalamhating sabi ng reyna. Naramdaman ng hari ang mahinang pagtaas-baba ng balikat ng mahal na reyna. Umiiyak na naman ito. Pati siya ay pilit nilalabanan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Kailangan niyang magpakatatag hindi lamang bilang isang hari kundi bilang isang asawa.

"Mahal, makinig ka sakin.",sabi ng hari pagkatapos ay pinaharap niya sa kanya ang mahal na reyna.

"Hinding hindi iyan mangyayari. Masakit mang tanggapin, kailangan nating ipagpatuloy ang ating buhay lalo pa at may tungkulin tayong dapat gampanan aking reyna. Maraming elementalian ang umaasa satin.", malungkot na sabi ng hari saka mahigpit na niyakap ang reyna habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

Binuhat ng hari ang reyna saka pinahiga sa malaki nilang kama. Kinumutan niya ito pagkatapos ay pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos.

"Tahan ka na mahal ko. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak. Triple ang sakit sa tuwing nakikita kitang ganyan. Tahan na. ",sabi ng hari pagkatapos ay hinalikan sa noo ang reyna.

Tumahan na ang reyna at kalaunan ay nakatulog ito. Tinitigan muna nito ang napakaamo at napakagandang mukha ng kanyang pinakamamahal bago niya ito halikan ulit sa noo. Inayos niya ang kumot at pagkatapos ay naglakad papunta sa kinalalagyan ng sanggol.

Masaya siya dahil nasa mabuting kalagayan ang kanyang anak.

Sila ang pinakamakapangyarihang kaharian sa buong mundo ng Elementalia kaya marami ang nagtatangka sa kanilang buhay.

Mahigpit na seguridad ang inuutos ng hari sa buong kaharian dahil natatakot siya para sa seguridad ng kanyang mag-ina lalo na sa kanyang bagong silang na sanggol.

Kung meron man, mas pipiliin niya pang mawalay ang kanyang anak sa kanya at mapunta sa ibang daigdig na humihinga pa kaysa makita itong wala nang buhay.

"Mas pipiliin ko pang mahiwalay sayo anak na sigurado ang kapakanan mo kaysa nandito ka sa mundong ito pero araw-araw nasa panganib ang buhay mo. ", malungkot na pahayag ng hari habang nakatitig sa maamong mukha ng anak. May tumulong luha sa mga mata niya. Naaalala niya na naman ang nangyaring kailan man ay hindi niya ginusto.

"Kung mawawala ka man mahal kong anak, hinding-hindi ako titigil sa paghahanap sa iyo. Alam kong madali lang kitang mahahanap dahil sa taglay mong ganda na minana mo pa sa iyong ina at sa tanglay mong kapangyarihan na binigay sa iyo ng mga dyosa. Alam ko rin na marami ang nagbabantay sayo upang ilayo ka sa kapahamakan dahil espesyal ka.",sabi ng hari saka hinalikan ang sanggol sa noo nito.

SA KAILALIMAN ng gabi, may isang kahina-hinalang babae ang naglalakad sa daan. Ito ay nakasuot ng kapang asul at may bitbit na isang buslo. Hindi mo maaaninag ang mukha nito dahil sa dilim ng gabi at sa mahabang suot nito.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon