Forty-One

54.9K 1.6K 129
                                    

Sinulat ko na lang na ibang chapter yung kasunod na nasa Chapter 42 dapat. Pero para masave at hindi masayang. Dito ko na lang inilagay.

~~Continuation~~

"Nandito na tayo",sabi niya at inilalayan ako sa pag-upo sa Picnic Mat na may maraming pagkain.

"Pinaghandaan mo talaga ito eh noh? Hahaha",tanong ko.

"Oo naman. Para sa minamahal ko, gagawin ko ang lahat,mamatay man ako.",sabi niya nang nakatitig sa mata ko. Kinikilig ako. Huahuahua

Napatitig kami sa mga mata ng isa't-isa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko nang .....

*BOOM!

*BOOM!

.
.
.
.

Napalingon naman kami..
.
.
.
.
.
.
.
.
.sa taas ng langit kung saan pumuputok ang mga naggagandahang fireworks.

*BOOM!

"Woooow! Woah!",namamanghang sabi ko. May mga hitsura kasi ang fireworks. Alam kong ginamitan ito nang kapangyarihan.

"Ang ganda ganda Zach noh? ",namamanghang tanong ko habang nakatingin sa langit.

"Oo. Ang ganda ganda.",sabi niya na nagpalingon sakin sa kanya. At halaa! Sakin siya nakatingin.

"Oo ang ganda ganda mo. ",sabi niya at nagkiller smile.

Waaah. Nang-iinit na naman ang pisngi ko.

Napayuko naman ako sa hiya.

Kaya ini-angat niya ang ulo ko at tinitigan ang mga mata ko.

"Wala nang mas hihigit sa ganda mo.",sabi niya na mas ikinapula ng pisngi ko.

"Ang cute mo Janey ko.",sabi niya

"Ang cute din ng Zachy ko.",sabi ko din.

"Tara manood na muna tayo ng fireworks at may surpresa ako sayo.",sabi niya.

Kaya nanood na kami at nakakatuwa lang .. May imahe nina Ama at Ina na nakaThumbs-up.

"May permiso ka na kina Ama? ",tanong ko.

"Oo naman. Noon pa. ",sabi niya at kinindatan ako.

Waaaaaaaaah. Oh my G.

Nagpatuloy na lang ako sa panonood hanggang sa....

*Princess

*Jane

*Will

*You

*Be

*Mine?

(Yan ang nakasulat kada putok)

OH MY.

Napalingon naman ako kay Zach.

"Janey ko, Will you be mine and mine alone? ",tanong niya na nagpa-iyak sakin.

Hindi ko akalaing may lalaking gagawa nang lahat ng to. Yung gagawin ang lahat kahit di pa kami. Gagawin ang lahat para sakin. Yung pag-iiba nang ugali niya para sakin.

"Yes Zach. Yes!",sabi ko at niyakap siya. Nakita ko ang pagkagulat na may halong saya sa mukha niya.

Niyakap niya naman ako pabalik.

"Gagawin ko ang lahat nang magagawa ko para sayo Prinsesa ko.",sabi niya.

Iniharap niya ko at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Mabuti nang umiyak ka sa masayang dahilan kaysa sa masakit na dahilan. Mahal na mahal kita. At ano mang mangyari sa labanan,hindi tayo mag-iiwanan mahal ko ah? ",sabi niya

"Hinding hindi.",sabi ko.

"Pangako?",tanong niya.

"Pangako.",sagot ko.

And then we kissed as the fireworks continued.

Xoxoxoxo

Magsaya kayo ngayon. Pero asahan niyong may papatayin ako(echos) may mamamatay sa next chapter.

-ImaJANEative

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon