Chapter 3

173K 4K 492
                                    

Jane's POV

Pagkauwi ko sa bahay, wala si Mommy at Daddy sa sala. Kaya naman napagdesisyonan kong pumunta sa room nila. Nakasanayan ko na kasing batiin sila pagkarating ko sa bahay.

Pakanta-kanta pa ko habang masayang naglalakad papunta sa room nila.

Nandito na ko sa harap ng pintuan nila. Papasok na sana ako nang marinig ko silang dalawa na nagtatalo kaya inilapit ko ang tenga ko para marinig ko ng maayos kung anuman ang pinag-uusapan nila.

"Ferdinand wag mo munang sabihin kay Jane! Masasaktan siya! Ayokong masaktan ang baby ko.",umiiyak na sigaw ni Mom kay Dad. Ano ba tong pinag-uusapan nila? Bakit ako masasaktan? Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa nangyayari.

"Mas masasaktan siya kung patatagalin mo pa Melinda.",mahinang sabi ni Dad. Bakit ba? Anong nangyayari? Saka ano ang dapat kong malaman?

"Ferdinand,masasaktan siya. Masasaktan ako kung makikita ko siyang masasaktan. Sa tagal na panahon na itinago natin ito sa kanya, alam ko. Alam kong masasaktan ang baby ko sa maririnig niya.",umiiyak paring sabi ni Mommy. Gustong gusto ko nang pumasok sa loob pero pinipigilan ako ng mga paa ko. Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Grabe din ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Kailangan niyang malaman na ampon lang siya. Hindi natin siya tunay na anak.May nag-iwan lang sa kanya sa labas ng gate noong bata pa siya.", kalmadong sabi ni Dad kay Mom.

Agad naman nablangko ang isip ko sa narinig ko.

A-ano daw? Tama ba ang narinig ko na ampon lang ako?

Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Pilit kong iniintindi ang mga salitang kakarinig ko lang.

Agad na naglaglagan ang mga luha ko nang tuluyan nang pumasok sa isip ko ang mga katagang iyon. Hindi. Hindi yun totoo.

Ang sakit. Ang sakit isipin na di pala sila ang totoo kong mga magulang. Hindi naman sila nagkulang sa pagmamahal sakin pero bakit ang sakit pa din?

Agad akong tumakbo nang tumakbo palabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang gusto ko lang ay ang makalayo sa bahay namin.

Ang tagal nilihim nina Mommy at Daddy ang katotohanang iyon. Maiintindihan ko pa sana kung noon pa lang ay sinabi na nila ito sakin. Mahal ko pa din naman sila at nagpapasalamat ako sa pagmamahal na binigay nila sakin pero gusto ko munang mapag-isa.

Takbo lang ako ng nang takbo hanggang sa mapadpad ako sa isang park na walang masyadong tao. Gumagabi na rin kasi.

Uupo na sana ako sa isang bench nang may magsalita sa likod ko.

"Hi Miss.", bati ng di ko kilalang nilalang.

"Ay bakulaw!",bulalas ko dahil sa gulat. Agad naman akong napatingin sa nagsalita. Agad akong ginapangan ng takot nang makita ang dalawang lalaking mahahalata mong nakahithit ng droga.

"Grabe ka naman miss. Ang sakit mo naman magsalita.", madramang sabi ng isa sa dalawang lalaki saka humawak pa sa dibdib niya.

" S-sino kayo?! S-stay away from me or I'll call the police!", nanginginig kong sigaw sa kanila.

"Walang sasaklolo sayo rito baby.", he said with a gaze full of lust. Kinilabutan ako sa mga tingin nila. Mahahalata mo ang pagnanasa. Sa estado nila ay mukhang hindi na nila kayang mag-isip ng tama at tuwid.

"Sumama ka nalang samin at matatamasa mo rin ang langit.",sabi nung isa habang nakangiti ng nakakaloko.

"Swerte natin dito pre. Mukhang mayaman. Napakaganda at makinis pa. Mas maganda pa nga ata ito sa lahat ng artista sa tv! ",sabi nung isa saka humalakhak.

Elemental Kingdom: The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon