Jane's POVNaalimpungatan ako mula sa pagtulog dahil sa ingay ng isang manok.
"Besty! Gising na! First day natin ngayon tas late tayo?! Gising na!",sigaw ni Angie habang niyuyugyog ang balikat ko.
Ayaw ko pa naman kapag nadidisturbo ang tulog ko. Kung di ko lang talaga ito bestfriend, baka sa ibang bahagi na siya ng school pupulutin.
I laughed mentally at my thought. As if I can do that. I don't even remember what powers I have that brought me here or do I even have one?
"Oo na! Ang aga aga pa. Babangon na nga kaya labas ka na! Maliligo na ko.",naiiritang sabi ko. Ang sarap pa matulog. Para bang tinatawag pa ko ng kama ko.
"Ang taray! Mas mabuti nang maaga kaysa late besty. Isip isip rin babae. ",sabi ni Angie saka umirap. Kahit kailan talaga parang manok tong babae na to. Aga gumising tapos putak nang putak.
"Whatever manok", sagot ko saka inirapan siya. Inirapan niya rin naman ako pabalik na nagpatawa saming dalawa. Kabaliwan na naman.
"Labas na ko. Huwag ka na bumalik sa pagtulog kung hindi ay bubuhusan kita ng tubig.", nakangising banta niya sakin. Sa pagkakakilala ko kay Angie, gagawin niya talaga ang mga sinasabi niya kaya di na ko magtatangkang bumalik pa sa pagtulog.
"Oo na inahing manok.", sabi ko sa kanya habang tumatawa. Napairap naman siya dahil dito saka tuluyan ng lumabas.
Nagsimula muna ako sa pag-aayos ng kama ko para sa magandang simula ng araw. Pagkatapos ay pumunta na ko sa banyo para maligo.
Ang ganda at laki talaga ng bathroom ko dito. Mas malaki pa nga ito sa bathroom ko sa kabilang mundo.
May malaking bathtub na kulay puti. Pati bowl at shower stall ay puti din. May sink din na gawa sa light green marble at meron rin ditong salamin na malaki. Yung tiles ng banyo ay purong puti din pati wall. Yung toiletries at rug ay kulay mint green. I love the aesthetic of my room.
Nagsimula na kong maligo. Ang bango ng mga bath essentials ko dito.
Pagkatapos maligo at magpatuyo ay pumunta na ako sa walk-in closet na katabi lang ng banyo. It was really huge and complete with clothes, underwears, footwears and accessories. Iba talaga ang nagagawa ng mahika sa mundong ito.
May special section ng closet kung saan nakalangay ang mga uniform. May nakita rin akong sample picture doon kaya may guide ako kung anong itsura ng uniform.
Isinuot ko na ang aming uniform saka humarap sa salamin.
The upper is a white long-sleeved blouse underneath a maroon blazer, a maroon bow and the academy's logo on the upper left portion. The white blouse is inserted into a striped red and dark green pleated skirt that reaches above the knee. I am also wearing a pair of black knee-high socks. To complete the look, I wore a pair of black shoes with heels.
Para sakin, ang ganda ng uniform namin. Not so simple yet not so extravagant. Kumbaga, sakto lang.
Hindi na ako naglagay ng kahit anong makeup dahil hindi na naman kailangan. I don't know where I got these features but I am thankful. Nakakatamad rin naman kasi maglagay ng makeup sa mukha araw-araw.
Binilisan ko na ang paghahanda kasi alam kong ilang minuto na lang ay susugod na si Angie dito.
Hindi nga ako nagkamali dahil pumasok na sa kwarto ko ang bruha.
"OMG! Holy moly walking barbie! Besty ba talaga kita?! Ba't ang ganda mo?! Bagay na bagay sayo yung uniform natin besty! ",puri niya sakin sabay ikot sakin. Sinusuri niya ako na tila isa ako sa mga mannequin sa isang mall na nagsusuot ng damit na gustong gusto niya. Ganun kasi si Angie.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdom: The Long Lost Princess
Fantasy[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men drool, she has it all. One night, she discovered a painful truth that made her ran away from home. That...