Jane's POV
Nandito na ulit kami ni Angie sa Principal's Office. Kanina pa rin ako tanong ng tanong sa kanya kung saan kami dadaan o kung ano man ang sasakyan namin patungo sa aming pupuntahan pero sinasagot niya lang ako ng "Be patient and just wait my dear besty." sabay ngiti na parang may binabalak na masama. Nako naman! Bakit parang kinakabahan ako sa ngiti niyang iyan?! Ngiting parang may kalokohang gagawin.
Ang bad lang ni Angie. Nilibang ko muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa mga display ng office. Kung hindi ko lilibangin ang sarili ko, malulunod ulit ako sa lungkot. Namimiss ko na agad sina Mommy at Daddy.
Maganda ang taste ni Ms. Fayr. Her office is modern and sophisticated at the same time. Maaliwalas tingnan at napakalinis ng office ni Ms. Fayr.
Agad naman akong napalingon nang magsalita si Ms. Fayr.
"Are you ready girls especially you Ms. Mendez?",tanong niya na may maliit na ngiti sa mga labi. Hindi naman kasi palangiti itong ate ni Angie. Magkaibang-magkaiba talaga sila. Yung ate di makabasag pinggan samantalang yung kapatid parang takas sa mental.
Hindi ako nakasagot dahil kinakabahan ako sa kung ano man ang mararanasan ko ngayon at sa mga susunod pang mga araw.
"YAAAAAS!", sagot ni Angie na nagtaas pa nang dalawang kamay. Sa lakas ng boses niya ay sinaway siya ni Ms. Fayr. Napatakip nga ako ng tenga. Oh diba, tama ako. Parang takas sa mental itong babaeng to.
" Yes. Kung ano man ang nakalaan na mga pagsubok para sakin ay haharapin ko at kakayanin sa abot ng aking makakaya.", kinakabahang sagot ko.
"Great. That's the spirit. Huwag kang mag-alala, nandito lang kami handang gumabay sayo lalo na ang kapatid ko na matalik mong kaibigan. ", sagot ni Ms. Fayr saka ngumiti ng matamis. Those words encouraged me.
" I'm more than ready. Thank you for your words of encouragement Ms. Fayr. I greatly appreciate it.", sabi ko sa kanya saka ngumiti din ng matamis.
Niyakap naman ako ni besty.
"I'm so proud of you besty.", bulong ni Angie. Mas napangiti naman ako dun saka mas niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you besty.", sagot ko.
"Ang drama natin.", natatawang sabi ni besty pagkahiwalay namin. Natawa lang din naman ako kasi totoo naman.
"Sino ba kasi ang nagsimula?", tanong ko habang pinupunasan ang luhang tumulo.
"Aba't ikaw pa talaga ang may ganang magtanong? Bruhang to ikaw kaya ang nagsimula!", sabi niya saka ako binatukan.
"Aray ko naman! Kailangan talaga manakit? Required ba ha?", natatawang tanong ko sa kanya.
"Enough girls. Since you're both ready, let's go.", pagptol ni Ms. Fayr sa kulitan namin ni Angie.
Naglakad siya sa harap nang isang larawan na nasa madilim na parte ng silid tsaka niya ito pinaikot.
Pagkagapos ay bigla na lang gumalaw ang dingding saka may lagusan na lumabas.
"Woah! A secret passage?", I exclaimed. Amazement is clear on my voice.
"You'll see. Follow me.", tugon niya saka naunang bumaba sa slide. Wow may pa-slide pang nalalaman! Pero bakit ba papunta kaming ibaba? Isa bang underground ang pupuntahan namin? Ikukulong ba ako sa ilalim nang paaralan na to? Oh my gosh!
"Oh bakit parang natatae ka na ewan jan?", natatawang tanong ni besty. "Just trust us besty, okay? ", sabi uit ni Angie sakin sabay baba sa slide na pinagbabaan ni Miss Fayr.
Her words lift off all those unwanted thoughts. Dahil doon ay agad akong sumunod sa kanila.
Napasigaw ako sa pagbaba ko, pano ba naman kasi! Ang dilim! Mga limang segundo din ata ang tinanggal ng pagbaba dun.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdom: The Long Lost Princess
Fantasy[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men drool, she has it all. One night, she discovered a painful truth that made her ran away from home. That...