Jane's POV
Kasalukuyan kaming nag-uusap tungkol sa mga sarili namin. Kami nina Angie, Foresty, Chad at Ferno. Ang iba'y may kanya kanyang ginagawa samantalang sina Davox at Oceane ay di pa bumabalik. Ano na kayang nangyari sa dalawang iyon?
Natigil kami nang biglang bumukas ang pinto. Speaking of the devils, both Oceane and Davox entered the room with their hands holding each others. Parehong may mga ngiti sa kanilang mga labi. Napakalaki ng ngiti ni Davox samantalang nakatulalang nakangiti si Oceane habang nakahawak sa labi niya na parang hindi makapaniwala sa nangyayari. I wonder what happened between the two of them? Mukhang nagkaaminan na ang dalawa.
"Oy! Ano yan?",nakapamewang na tanong ni Aira habang nakatingin sa magkahawak na kamay ng dalawa. Nakataas din ang kaliwang kilay niya.
"Obviously, they are holding hands. ",sabat ni Tyron na ikinalipat ng tingin ni Aira sabay irap. Ayan na naman ang dalawang aminan din ang kulang.
"Tumahimik ka nga! Huwag ka munang papansin. Di ikaw tinatanong ko.", sabi ni Aira kay Tyron sabay irap ulit. Di ba napapagod sa pag-irap ang prinsesang to?
"Wow Davox! Mukhang nasabi mo na kay Oceane yung matagal mo nang kinikimkim na pagtingin sa kanya. Proud ako sayo! Graduate ka na sa Torpe Academy. ", nang-aasar na sabi ni Chad sabay tawa. Pumalakpak pa ito na tila manghang-mangha kay Davox.
"Syempre, ako lang to, si Davox! Kayo kaya, kailan kayo ga-graduate?", nangangahulugang tanong ni Davox sa mga lalaki na nagpatahimik sa kanila. Kita mo rin ang pagpula ng mga tenga nila. Si Davox naman ay nakangiti lang na may halong pang-aasar.
Pulang-pula rin ang mukha ni Oceane. Bagay na bagay ang dalawa. My ship is sailing! I shipped them the very first time I saw them.
"You two look so cute together!",puri ko sa dalawa. Di ko mapigilan ang sariling sabihin ito kasi totoo naman.
" Ano ba Jane. Maganda ako saka pangit si Davox. ", sabi naman ni Oceane saka tumawa.
" Don't call me Davox my love, call me baby.", banat ni Davox kay Oceane. Lalo namang namula ang huli. Ang korni talaga ng lalaking to! Kung di ko lang naalala yung song na Call Me Baby ng favorite kpop group ko, nasuka na ko sa kakornihan ni Davox.
"Grabe! Nilalanggam ako sa inyo! ", sabi ko sabay umaktong nag-aalis ng mga langgam sa katawan ko. Natawa naman sila.
"Palambing ka din kay Zach.", natatawang sabi ni Oceane na ikinapula ko. Tumawa lang din si Davox. Nako! Ako na naman ang napagdiskitahan.
"Ha? With that hot-headed prince, no thank you. ", sagot ko sa kanila saka umirap. Tumawa lang sina Davox at Oceane. Sa pagkamasungit at pagkatahimik ng prinsepeng yun, wala ata yung kalambing-lambing sa katawan.
Napatigil naman ang dalawa sa pagtawa habang nakatingin sa likod ko kaya napatingin na din ako.
Agad akong napaatras nang makita ko si Zach na sobrang lapit. Masama ang tingin nito kina Oceane. Napatingin din ito sakin nang nakataas ang isang kilay. Narinig niya kaya yung sinabi ko?
"Baka maglupasay ka sa sahig pag nilambing kita.", banat ni Zach na nakapaglaglag ng mga panga namin. Tumahimik ang paligid na tila ba di makapaniwala ang lahat sa sinabi ng lalaking ito. Natauhan lang ako sa pagkatulala nang umalis na siya sa harapan ko.
Agad akong umupo sa pinakamalapit na sofa. Tahimik pa din ang paligid hanggang sa tumikhim si Tyron saka ginulo ang kakaayos lang na buhok ni Aira. Pagkatapos ay agad lumayo sa prinsesang umuusok na ang ilong ngayon.
" WHAT THE! TYRON YOU PIG! HOW DARE YOU RUIN MY HAIR?!",sigaw ng galit na galit na Aira. Mararamdaman mo din ang konting paglakas ng hangin sa labas at loob ng dorm namin.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdom: The Long Lost Princess
Fantasia[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men drool, she has it all. One night, she discovered a painful truth that made her ran away from home. That...