King Lucius' POV
"Mahal na hari,gusto daw po kayong maka-usap ng orakulo.",sabi ng isa sa aking mga kawal.
Nabuhayan ako ng dugo sa aking narinig. Umaasa akong may balita na siya sa nawawala naming anak. Kahit noon pa man iyon,umaasa pa rin kami araw-araw na buhay pa siya at nasa mabuting mga kamay. Patuloy din ang pagpapahanap ko sa kanya sa loob ng maraming taon kahit sabi ng iba ay napakaimposible.
"Papasukin siya.",utos ko sa kawal.
"Masusunod po mahal na hari.",sabi niya saka yumuko bilang paggalang. Pagkatapos ay tumalikod na ito upang ibahagi ang mensahe sa orakulo.
Wala pang isang minuto ay nasa harapan ko na ito. Nakasuot ng purong puti at nakalugay ang kulot na buhok ng orakulo. Kahit matanda na ay hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong ganda. Yumuko muna siya saka bumati.
"Ano ang sadya mo sa pagpunta dito orakulo?", seryosong tanong ko dito. Hindi basta-basta pumupunta ng kaharian ang orakulo kung hindi napakaimportante ng kanyang ihahatid na mensahe.
"Mahal na hari," sabi niya saka yumuko.
"Nararamdaman ko po na ang nawawalang prinsesa ay nandito na sa ating mundo.",sabi niya sa masayang tono.
Napatayo naman agad ako dahil sa hindi inaasahang balita. Agad kong tiningnan ang aking reyna at gaya ko ay nagulat rin siya. Napatakip ng kanyang bibig ang reyna habang may tumulong luha sa mga mata niya.
It's been 18 long years since we saw our daughter. We've been longing for her. We've been searching for her in the mortal world but we can't feel her aura there that made it so difficult for us. Baka may nagpipigil samin noon na maramdaman ang presensya ng prinsesa.
"Totoo ba yan?",nasisiyahang tanong ng aking reyna. Tila ba hindi makapaniwala sa hatid na balita ng orakulo. Maging ako ay gulat na gulat.
"Opo mahal na reyna. Dumating na ang takdang oras ng pagbabalik niya sa ating mundo."sabi ng orakulo nang nakangiti.
Agad lumapit sakin ang reyna saka niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Mahal kong hari, akala ko wala na ang ating anak ,buhay pa pala ito. Buhay na buhay!",natutuwang sabi ng mahal kong reyna sakin habang tumutulo ang kanyang mga luha. Maging ako ay masaya rin sa balitang aking narinig.
"Tahan na mahal. Makakasama rin natin siya pagdating ng panahon.", pagpapagaan ko sa loob ng reyna saka pinunasan ang kanyang mga luha.
Napalingon muli kami sa Orakulo nang magsalita ito.
"Ngunit mahal na hari at reyna, nalalapit na rin po ang pagsalakay ng Dark Kingdom dito kaya kailangan na nating magmadali. Nasisigurado akong gagawin nila ang lahat makuha lang ang prinsesa. ",nangangambang sabi ng Orakulo.
Ito ang kinatatakutan ko sa lahat. Ang pagsalakay ng Dark Kingdom na maaaring maging dahilan ng pagkapahamak ng aking anak.
"Kung ganoon. Ipatawag lahat ng hari, reyna, prinsipe at mga prinsesa. Sabihin rin sa kanila na magdala ng isang magiting na mandirigma. ",utos ko sa aking kanang kamay.
"Masusunod po mahal na hari.", sagot niya saka yumuko.
Hinarap kong muli ang aking reyna saka niyakap.
"Huwag kang mag-alala mahal kong reyna. Ipapahanap ko kaagad ang ating mahal na Prinsesa.",sabi ko sa mahal kong reyna saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Niyakap niya naman ako pabalik.
"Hopefully", mahina niyang sagot.
PAGPUPULONG:
"Ano ang iyong sadya Haring Lucius sa pagpupulong na ito?",tanong ni Haring Argus, ang kasalukuyang hari ng Earth Kingdom. Sa edad nito ay mahahalata mo pa rin sa kanya ang kakisigan.
"Nandito ako upang ibalita na buhay ang aking nawawalang anak at nandito siya ngayon sa ating mundo. Ayon sa orakulo, ito ay nasa akademya. Alam naman natin na nalalapit na rin ang paglusob ng Dark Kingdom kaya kailangan nating magmadali. Hindi lang ang buhay ng aking anak ang nakasalalay dito kundi pati na rin ang buong Elemental World. ",sagot ko sa kanila. Mahahalata mo ang gulat sa kanilang mga mukha.
Napuno ng bulungan ang paligid. Kapwa hindi makapaniwala ang lahat sa nalamang balita.
"Natutuwa kami sa inyong balitang buhay ang inyong mahal na prinsesa Haring Lucius.",nagagalak na pahayag ng Reyna ng Fire Kingdom. Sinang-ayunan naman ito ng ibang maharlika. Ang iba ay nanatiling tahimik lang.
"Kung ganon, ano ang nais mo?",tanong ni King Bargon sa malamig na tinig. Kasing lamig ng kanyang tinig ang ugali niyang parang yelo. Ito ay kabaliktaran ng kanyang kapangyarihan na apoy.
Alam na alam talaga nito ang dapat na tatanungin sa mga pagpupulong na gaya nito.
"Gusto ko sanang bigyan ng misyon ang mga prinsesa,prinsipe at ang inyong dinalang magiting na mandirigma upang hanapin ang aking nawawalang anak na nasa akademya.",tanong ko sa lahat na nandito.
Saglit na natahimik ang bulwagan.
"Bakit napakarami naman ata ng iyong ipapadala Haring Lucius?", tanong muli ni Haring Bargon.
"Naisip ko na habang nasa misyon sila, makakasalimuha rin nila ang iba't-ibang studyante na sakop ng kani-kanilang kaharian. Sila ang susunod na mamamahala sa ating mga nasasakupan kaya marapat lamang na maranasan rin nila ang pakikipagsalamuha sa ibang mga elementalians.", sagot ko. Napag-isipan ko na ito noon pa.
Tumango-tango naman ang ibang maharlika. Nawa'y naiintindihan nila ang nais kong iparating. Hindi lang para sa amin ito kundi para rin sa kanila.
" Naiintindihan ko po ang nais niyong iparating. Maaasahan niyo po ako.", sagot ni Prinsepe Zach ng Fire Kingdom sa kanyang malamig na tinig.
Like father, like son.
Sumang-ayon rin naman ang ibang maharlika.
"Nasisiyahan kong marinig iyan. Papasok kayo ng akademya bilang studyante. Kung maramdaman niyo man o mahanap ang prinsesa, huwag niyo sana itong biglain. Bukas na bukas din ay pupunta na kayo sa akademya. Maaasahan ko ba kayo?",tanong ko sa prinsepe, mga prinsesa at magigiting na kawal.
"Opo mahal na Haring Lucius. ", sagot nila.
Third Person's POV
"Mahal na Reyna.",sambit ng isang babae. Yumuko ito sa harap ng kanilang kinikilalang reyna.
"Ano ang iyong kailangan? ",malamig na tanong ng napakaputing babae na nakasuot ng itim na bestida. Nakatakip ang kalahati ng kanyang mukha saka may hawak na itim na tungkod. Ang tungkod ay may bungo sa tuktok na may mga matang nagliliwanag na pula.
"Nabalitaan ko na nandito na ang nawawalang prinsesa sa Elemental World. Ito na mismo ang lumalapit sa atin.", nakangising sabi ng taga-sunod. Ngising mahahalata mong may hindi magandang plano.
Nagpanting sa tenga ng reyna ang kanyang narinig na balita. Marami siyang naiisip sa panahong iyon na nagresulta ng kanyang pagngisi.
"Mabuti naman kung ganun. Ito na ata ang isa sa magagandang balitang nasagap ko sa gabing ito. ", nakangising pahayag ng reyna habang tinitingnan ang mga kuko nito.
Muli siyang tumingin sa kanyang taga-sunod.
"Pero alam mo kung ano ang pinakamaganda? ", tanong niya dito saka ngumiti ng matamis.
Napatulala naman ang mga nanonood sa kanila sapagkat kahit kalahati lang ng mukha nito ang kita ay mahahalata pa rin ang taglay nitong kagandahan.
"Ano po mahal na reyna?", tanong ng taga-sunod na nakangisi na rin.
"Ang makita siyang wala ng buhay! ", sigaw ng reyna saka tumawa nang nakakakilabot. Ang kanyang boses ay dumadagundong at tila nahahaluan ng boses na nanggaling sa lupa.
Napangisi naman ang kanyang mga taga-sunod. Sa pag-iisip pa lang na may dadanak na dugo ay nabubuhay ang kanilanh mga dugo.
"Dugo! Gusto kong makakita ng pagbaha ng dugo. Gusto kong mabahiran ng dugo ang magaganda kong mga kamay. Dugo ng inutil na prinsesang iyon. ", sabi ng reyna nila saka tumawa ng pagkalakas-lakas.
"Dugo! Dugo! Dugo!", sigaw rin ng mga tagasunod ng reyna ng Dark Kingdom.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdom: The Long Lost Princess
Fantasy[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men drool, she has it all. One night, she discovered a painful truth that made her ran away from home. That...