Jane Mendez:Inhale.
Exhale.
Inhale.
Exhale.
Naka-ilang inhale- exhale na ba ako pero hindi pa rin humuhupa ang kaba ko.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Headmaster's office kasama si Jannica at Jennica.
"Huwag ka ngang kabahan Master. It will be fine. ",sabi ni Jannica at niyakap ang leeg ko.
Nakikiliti man ako pero hindi ko siya sinuway dahil ang sweet ni Jannica. Nasa magkabilang balikat ko kasi sila.
"Oo nga Master,kinakabahan na din kasi kami.", sabi naman ni Jennica.
"Bakit naman?",tanong ko habang diretso pa rin ang tingin sa daan.
"Kasi konektado po tayo sa isa't isa kaya kung ano ang mararamdaman mo ay yun din ang mararamdaman namin.",sagot ni Jannica sa malungkot na tinig.
"I'll try. ", sabi ko na lang. Seeing my fairies sad is not a nice feeling.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang pag-iisip ng mga maaaring mangyari sa loob ng Headmaster's Office.
Mapapatalsik na ba ako? Paaalisin sa mundong ito? Pababalikin sa Mortal World? Paano sila Oceane? Naging close na rin kami. Hindi ko sila kayang iwan.
----
Nandito na ako sa tapat ng office. Panay ang buntong-hininga ko dahil sa kaba. Kanina pa ako dito ngunit hindi ko pa rin magawang buksan ito. Haaay.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa si Professor Cass.
"Oh nandito ka na pala Mahal na Prinsesa.",sabi nito at yumuko.
Kumunot naman ang noo ko. Nagtatakang pinatayo ko siya.
"Ha? Teka po. Anong Prinsesa? Hindi po ako prinsesa,isang normal na estudyante lang po ako na galing sa mortal world.",magalang na pahayag ko.
Nginitian niya lang ako.
"Sila na ang dapat magsabi sayo niyan. Pumasok ka dun sa malaking pinto. Nandoon na ang lahat pati na rin ang dalawang taong matagal ka nang hinahanap. Maligayang pagbabalik Mahal na Prinsesa.",sabi ni Professor Cass.
Nagtataka man ay nginitian ko na lamang siya. Tumabi siya sa daan ko samantalang ako ay nagpatuloy na sa paglalakad.
Ang dami namang nakapagtatakang pangyayari ang nangyari sakin. Una ay yung sa Magical Garden tapos yung mga Babae tapos yung fairies ko tapos itong nakapagtatakang trato ng mga nakakasalamuha ko.
Dahan dahan akong naglakad papuntang pinto. Noong nasa tapat na ako nito,nanginginig man ang kamay ko ay kumatok ako rito ng tatlong beses.
Binuksan ito ng isang Professor. Pinapasok niya ako at noong nilibot ko ang paningin ko ay agad akong nagulat at dali-daling yumuko tanda ng paggalang.
May mga may edad na na nakasuot ng korona at kapa na katabi ng mga prinsepe at mga prinsesa. Kung hindi ako nagkakamali,ito ang mga hari at reyna. Nandoon din ang council pati ang ibang mga magigiting na mandirigma.
Ngunit ano ang ginagawa nila dito? At bakit nila ako pinatawag?
"Bakit niyo po ako pinatawag? ",-tanong ko habang nakayuko.
" Ang gandang bata. ",sabi ng isang malumanay na tinig.
" I told ya Inang Reyna.",sabi naman ni Foresty.
BINABASA MO ANG
Elemental Kingdom: The Long Lost Princess
Fantasi[Editing/Revising] Jane Mendez is living a dream life that everyone wants. With loving parents, wealth, fame, and beauty that could make any men drool, she has it all. One night, she discovered a painful truth that made her ran away from home. That...