The Lost Memories

4.6K 120 8
                                    

Chapter 1

"Jusko! Bakit ba ang tiyaga-tiyaga kong maghintay? Damn these two years! Two years na niya akong ginaganito! Sa tuwing may date or may usapan kaming magkikita, always na lang bang ako ang magpapasensiya everytime na ako ang nauunang dumarating sa meeting place namin? Tanga-tangahan din si ako, eh, no? Pwes, Phoebi! Gumising ka sa katotohanang hindi talaga ikaw ang una! Kundi ikaw ang laging panghuli sa priority niya! Isang tawag pa't hindi ka sumagot, sheyyts! Uwian na! Nakakagigil talaga, Grrrr!" bubulung-bulong kong sabi sa sarili, at nanggigigil sa pagdutdot sa phone ko habang nagda-dial ng pang dalawampung beses sa number ng tarantadong Leo na ’yon! Oo, TWENTY times na! Ang tiyaga ’di ba?

Kung hindi pa ba naman mapudpod ang daliri ko, eh, ewan ko na lang. Basta, last na ’to!

After the 3 rings, atlast! Sumagot na rin ang gago! "Hey, sweetheart! Ang dami mong missed calls. Sorry ngayon ko lang nasagot. Nandito kasi ako sa birthday party ni Wilson kaya hindi ko nariri---"

"Kingina mo pala, Leo! May usapan tayong magkikita sa mall, ’di ba? Nag-promise ka sa akin na sasamahan mo akong bumili ng gifts for your parents, para sa anniversary nila! Pero ano na naman ba ’to? Ilang oras na akong naghihintay sa’yo. Buong akala ko nasa office ka pa at hindi pa tapos sa meeting mo! Hindi ka na nakakatuwa! Hanggang kailan ba tayo magiging ganito, huh?" nangangalit ang mga ngipin kong tanong sa kaniya, at nagpipigil sumigaw dahil ayokong maka-eskandalo sa mga taong nasa paligid ko. Pero konting-konti na lang talaga at sasabog na ’ko!

"Fuck! I’m sorry, Sweetheart! I forgot!" pucha talaga, oh! Ilang beses ko na bang narinig ’yon?

"Leo, nakakasawa na ang ginagawa mo! Palagi ka na lang gan’yan! Sa tagal nang paghihintay ko malalaman kong nasa party ka lang ng kaibigan mo, nagpapakasaya, at hindi mo naalalang may usapan tayo! Oh, God! May poreber sa’yo! Ayoko na! Sawang-sawa na ko sa pambabalewala mo! Ni minsan hindi mo ipinaramdam na mahalaga ako sa buhay mo! Alam mo bang nakakapagod ka? Alam mo ba ’yon, huh? Pero ako kasi itong si gaga, nagpapakatanga sa paniniwalang magbabago ka pa! Pero ngayon, ayoko na talaga! Ayoko na, ayoko na! Go to hell, Leo! Fuck your damn ass! Tangina ka talaga!" then I dropped the call. Letsugas!

At taas-baba ang dibdib kong kinakalma ang galit na nagpupuyos sa dibdib ko. "Hinayupak talagang lalaki ka! Sana noon ko pa ito ginawa. Pero kakabigay ko ng chance sa’yo, nasagad na ako! Ayoko nang maniwala at pauto!" I gasped out.

Umayos ako ng upo sa bench na pag-aari ng SM foodcourt. Until I noticed someone sitting right there in front of me.

"Miss, wala ka naman yatang kasama, makikiupo na rito, huh? Puno na kasi at wala ng bakante maliban dito sa pwesto mo," paalam niyang nakatitig sa mukha ko. Pero ang gago, isa pa ’to! Nakaupo na siya bago pa magsabi. Talaga naman oh! Araw ko ba talaga ’to? Hindi nakakatuwa!

Hindi ko siya kinibo bagkus ay sinamaan ko pa ng tingin. Pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Tsss! So what? Gwapo nga sana kaya lang... hmmp, Leo rin ’yan!" then I rolled my eyes like a roooooller coaster. Huwag lang sanang mahipan ng hangin at baka hindi na mauli.

Agad ko na lang ipinaling sa iba ang paningin habang kinakalma pa ang aking dibdib. Pero sa sulok ng aking mga mata, naramdaman ko ang pagtitig niya.

Napasimangot tuloy ako! But I decided to ignore him! Baka naman kasi akala ko lang na sa akin siya nakatingin, pero hindi naman pala! Baka mapahiya lang ako kung kukomprontahin ko ang lalaking nasa harap ko. Pero dahil may kalikutan ang aking mata, nagawa kong pa-simple siyang pasadahan ng tingin. At sakto! Bahagyang nag-iba ang direksiyon ng kaniyang mukha, dahilan para buo ko ring mapag-aralan ang itsura niya.

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon