"Marsieeeeeee!" aray! Lakas makabasag ng eardrums ang mga ’to! Feeling bagets ang mga Tanderz! Miss na miss ang isa’t-isa, Jusko!
After magyakapan at magbesohan, sus! Chika mode pa! Paano na lang ang beauty ko? Tirik na tirik kaya ang araw pero parang wala silang balak magsipasok sa loob ng bahay.
Kamusta naman kasi ako? Pinabitbit na yata ni Mommy ang buong kusina sa akin! Akala ko kasi kanina beef caldereta lang ang niluto niya, ’yon pala pang limang putahe na ang naabutan ko. Parang may town fiesta! Ang daming pagkain, at dahil balik-bayan ang mga binisita namin, may dala rin kaming native delicacies na nasa loob pa ng trunk ng kotse! Excuse me, hindi ko na ’yon kayang buhatin!
"Ay, Marsie, may Diyosa sa likod mo!" sabi ni Tita Adelle dahilan para lumingon din ako sa likod ko. "Ako ba ang tinutukoy niya?" tanong ko sa sarili. Ako lang naman kasi ang nasa likuran ni Mommy! Malay ko ba kung may nakikita pa siyang iba bukod sa akin.
"No, Hija! It’s you!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"E-he-he-he! Ako po ba?" tanong ko dahil hindi ko naman maituro ang sarili ko dahil may hawak ako.
"Yeah, it’s you! Marsie, hindi mo naman sinabi na napakaganda ng anak mo. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Phoebi, right?"
"A-ahh, eh, yes po, Tita! Ako nga po!" naaalangang sagot ko. "It’s nice to see you, Tita Adelle," sabay ngiti sa kaniya.
Niyakap niya ako bigla, na ikinagulat ko naman nang husto!
"It’s nice to see you again, Phoebi! Ang ganda-ganda mo!"
"Hehehe! Thanks for the compliment, Tita! Kayo rin po! Ang bata n'yo pa po palang tingnan. Parang walang mga anak na 30 years old na ang edad,"
"Ay, taray! Kahit noong bata ka pa lang bet na bet na kita, eh. Ganiyang-gan’yan mo rin ako bolahin noon, ’di ka pa rin nagbabago, hahaha!" anito sa akin.
"T-talaga po? Hahaha, hindi ko na maalala," nahihiyang sagot ko
"Oh, it’s okay. But wait, doon tayo sa loob magchikahan, ang init dito sa labas," anyaya niya, and yes, sa wakas! Mailalapag ko na ang mga ito, ngawit na kasi talaga ang braso ko, eh!
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay tuloy pa rin sa pagbubulungan ang dalawang mag-Beshies. Pero hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng may usapan, kahit pa kapansin-pansin ang paghahagik-gikan nilang dalawa. Gayunpaman, itinuon ko na lang sa buong kabahayan ang aking pansin. Nagbabaka-sakaling matanaw ang kambal ni Tita Adelle. Pero nakarating na kami sa kusina, hindi ko pa rin sila nakikita. Inilapag ko na sa mesa ang lahat ng dala ko, na isa-isa namang binuksan nina Mommy at Tita.
Sa totoo lang, ang bata pa rin talagang tingnan ni Tita Adelle. She looks 20 years younger than the age of 55. Magkasing edad daw sila ni Mommy, naikwento kasi niya kanina sa daan habang papunta kami rito.
Sabagay, age is just a number! Alaga rin siguro sa beauty products ang sarili niya. Pero nakakatuwa rin, ilang dekada na kasi ang lumipas buhat nang mag-Australia sila, pero napaka-fluent pa rin niyang magsalita ng tagalog. Hindi mo nga aakalain na nangibang bansa ito. Hindi tulad ng iba na bumabaluktot na ang dila ’pag nakauwi na ng Pinas. Well, mainam na rin, hindi nakaka-nosebleed!
"Ayy, Anak, ’yong mga kakanin natin?" tanong ni Mommy na nawala na sa isip ko. Hindi ko pa nga pala nababalikan.
"Aww, yes, Mom! Ako na po ang kukuha," nakangiting sagot ko, at lumakad na palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories
Short StoryIs there a chance to remember the man from her past? How would be recalled the memories if she doesn't know that it was lost? Meet Phoebi Hermoso and Godffrey Valdesanchez, the childhood sweetheart from THE LOST MEMORIES.