We’re here at the reception area, at nagsisimula na ring mabawasan ang dami ng taong um-attend sa Garden Wedding ng pinsan ni Godffrey. Nasa bandang dulo at malayo sa karamihan ang napili kong pwestohan para malayang makapagmasid sa paligid.
Malamig din ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Eh, paano ba naman, tiis ganda ang lola n'yo! Alam namang dito sa Baguio ang kasalan pero kinalimutang dalhin ang blazer or cardigan man lang. Nawala kasi sa isip kong bitbitin ’to bago umalis sa Valdesanchez Mansion.
Isang off-shoulder lacey dress ang suot ko, so no choice kundi yakapin ang sarili. As if namang may jowa akong yayapos sa akin!
Until someone put his jacket on my shoulder. Agad naman akong napalinga sa kaniya na naupo na rin katabi ng silya ko.
"Naiinip ka na ba? Gusto mong mamasyal muna?" Godffrey asked me.
"Hindi naman, pero parang gusto kong maglakad-lakad sa gawi roon," sagot ko sabay turo sa nag-iisang punong malaki na medyo may kalayuan na sa venue’ng kinaroroonan namin.
"Tara, sasamahan kita," he suggested.
"Sure ka? Baka may maghanap sa’yo rito?"
"No, hindi naman ako ang groom, bakit naman nila ako hahanapin? Maliban na lang kung gusto nilang mag-offer as a principal sponsor sa kasal--- ko," sagot niyang medyo nabitin pang ituloy ang huling salitang sinambit sabay ngisi na mukhang ewan.
"Hmmn, eh, bakit hindi pala ’yong fiancee mo ang isinama mo rito?"
"Hindi pa kasi bumabalik!" he answered. So, ’yon naman pala, he meant is nasa ibang bansa pa ang fiancee niya.
Nagkibit-balikat na lang ako't hindi na kumibo, sabay tayo mula sa pagkakaupo, at humakbang na patungo sa lugar na itinuro ko.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin, ngunit bakit parang nakakaramdam ako nang kakaiba sa sarili ko habang tinatahak palapit ang nag-iisang puno na iyon! Bumibigat ang mga paa ko sa paghakbang. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ba’y may mga nais mag-flashback sa utak ko until---
I suddenly stopped.
"Phoebi? What’s wrong? Bakit ka huminto?" rinig kong tanong ni Godffrey, ngunit hindi ko nagawang sumagot dahil may ilang mukha akong nakikita na para bang bigla na lang nagkikislapan sa aking balintataw!
Imahinasyon lamang ba ang lahat ng ito?
"Sandali, hintayin mo ako," sabi ng batang babae habang hinahabol ang batang lalaki na kalaro niya.
"Hahaha! Habulin mo ko. Bagal-bagal mo kasi, eh," tatawa-tawang buska naman ng batang lalaki.
"Sandali nga lang kasi, bilis-bilis mo, eh, hinto ka muna sabi!" halos hinihingal na wika ng batang babae dahil hindi na rin nito halos maihakbang pa ang mga paa dahil sa pagod.
"Hahaha! Sige na nga. Sa susunod kasi magpa-practice kang tumakbo nang mabilis para hindi ka naiiwan," sagot ng batang lalaki.
"Ano ba kasi ang gagawin natin dito? Ang layo na nito kina Mommy, ah! Baka hanapin na nila tayo!"
"Saglit lang naman. Babalik tayo agad. Saka kita mo sila, oh, tanaw natin mula rito," he said sabay turo sa lugar na kanilang pinanggalingan.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories
Short StoryIs there a chance to remember the man from her past? How would be recalled the memories if she doesn't know that it was lost? Meet Phoebi Hermoso and Godffrey Valdesanchez, the childhood sweetheart from THE LOST MEMORIES.