Chapter 4

1.5K 76 4
                                    

Nagising ako nang maramdaman ang isang mahinang tapik sa pisngi ko. When I opened my eyes, napaawang din ang labi ko. Emgi! "Are you planning to kiss me?" bulalas ko, at napabalikwas ng upo, ngunit isang ngisi ang ibinigay niya sa akin.

"I don’t need to plan, but of course I already did it!" then he grinned and leave me space. Fuck it!

Bumaba na siya sa kotse.

So, I hastily open the door and get off the car to confront or maybe to slap him. Abuso ang putek, eh! Magna cum laude talaga ang bwiset!

But someone welcomes us.

"Hey, God, buti naman nakarating ka na. Hinihintay ka na ng lahat sa loob. Kanina pa nagkakagulo mga pinsan natin sa paghihintay sa’yo. How’s life?"

"Hahaha, okay naman, Sam. Bakit nga pala gising pa sila? Hindi naman ako ang star bukas, ah, hindi ako ang groom," dinig kong aniya sa lalaking sumalubong sa amin. Malamang pinsan niya as what I’ve been heard earlier.

Sumandal ako sa kotse at nag-aalangang maki-join sa usapan nila. Mao-OP lang ako. Hindi naman nila ako kilala.

But the man pointed me when I looked sideways at them.

"Is she your girlfriend?"

Awtomatikong napaangat-kilay ako. Hindi ko maintindihan ang mga tao sa earth. Porque ba babae ang kasama ng lalaki, eh, gf agad? May relasyon agad? Hindi ba pwedeng P.A, yaya, caregiver or chu-chu lang ang kasama niya? Tsss! At isa pa soon to be married na raw siya, ’di ba? So, malamang sa alamang, hindi ako ’yon!

Magko-comment na sana ako pero nakaramdam ako ng panunubig. Sa tagal ba naman ng biyahe namin at sa sarap ng tulog ko, hindi ko na nagawang magpahinto para makapagbanyo kanina.

"Ahm, excuse me, p’wede bang makigamit ng comfort room?" tanong ko sa pinsan ni Thieffrey.

"Oh, Sure! Sige, Insan, pasok na kayo sa loob. Samahan mo na tuloy ang girlfriend mo. Pagkakaguluhan kayo sa loob, makita mo," tatawa-tawang aniya sa amin. Hmmp, pagkakaguluhan as if namang artista kami. Pero baka sa malamang si Thieffrey ang pagkaguluhan. Siya ang galing Australia, eh. Baka manghihingi ng pasalubong.

"Akin na muna ang susi mo, insan. Ako na ang magpapasok ng gamit n'yo sa loob," anito sabay lahad ng kamay.

"Sigurado ka?" he asked.

"Oo naman, ako pa ba?"

"Oh, sige, here," sabay hagis niya sa susi ng kotse.

Saka magkasabay na kaming humakbang papasok sa loob ng mansion, at tulad ng sinabi ng pinsan niya, sinalubong kami ng mga kamag-anak niya. Sobrang init nang pagtanggap nila sa amin. Yakap, beso, kumustahan, kwentuhan. Maingay ang lahat sa loob, at nagkakagulo ang mga bata pati na mga matatanda. Anong oras na? Pero parang hindi uso rito ang matulog. Ang mga bata takbuhan nang takbuhan habang naghaharutan. But at some point, nakakatuwa silang tingnan. Ang laki ng pamilyang mayro’n sila. Parang hindi uso ang mag-family planning. Parang may Family Reunion tuloy na nagaganap.

Pero ang lagay, ako ang sabit dito. Kumbaga extra lang. Ano pa bang magiging ganap ko rito, siyempre wala.

"Okay ka lang? Pasensiya na, masyado silang marami," hinging paumanhin ni God na ikinailing ko naman.

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon