Napakasaya ng lahat nang malamang nakabalik na ang alaala ko. Pag-uwi pa lang mismo ng Manila ay halos magpa-party na si Mommy.
Mas lalo silang natuwa nang ibalita namin na in a relationship na kami ni Godffrey.
Pero bago ang lahat, bumisita muna kami sa puntod ni Daddy! Nagkwento ng ilang mga bagay-bagay. Maging sa mga alaalang malinaw ko nang natatandaan. Ipinakilala ko na rin si Godffrey bilang kasintahan ko.
Nakakalungkot mang isiping wala na si Daddy, masaya na rin si Mommy na nandito pa rin ako at nananatiling buhay sa piling niya, at masayang kasama siya.
Ang natatandaan ko, at base na rin sa kwento niya... nakasakay kami noon sa kotse ni Daddy habang naghihintay sa pagbabalik niya mula sa pamimili sa isang maliit na grocery store. Nasa baguio rin kami ng mga panahong iyon.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang kotse ang humaharurot palapit sa kinaroroonan namin. Nawalan daw ng preno kung kaya’t hindi na nito nakuhang makontrol para pahintuin.
Pero huli na para makaiwas kami sa kotseng paparating. Bumangga ito sa amin, at sa sobrang lakas ng impact, nag-lead ito para umikot ng maraming beses ang kotseng kinalululanan namin. Para bang isang eksena sa movie ang kaganapan.
Nagpaikut-ikot ang kotse sa kalsada at bumangga sa isang malaking bato. Ngunit sa tabi nito ay may mataas na bangin na maaari naming kahulugan.
Dahil sa kagustuhan ni Daddy na mailigtas ang buhay ko, pinilit niyang mailabas ako mula sa loob. Nagtagumpay naman siya ngunit huli na para naman sa sarili niya. Dumiretso at nahulog nang tuluyan ang sasakyan habang lulan ang kaniyang katawan. Dala na rin ng matinding pangyayari, si Daddy ang napuruhan!
At ako, 50/50 ang buhay ko sa hospital. Pero sa kabutihang palad, nakaligtas ako at nanatiling buhay kasama ng mga taong mahalaga sa akin.
Subalit dala ng trauma, nagkaroon ako ng Post Traumatic Amnesia. Nawala ang lahat ng aking alaala mula noong magkamuwang ako sa mundo hanggang maging five years old ako. Wala talaga akong natatandaan noon as in nabura ang lahat! Iyon din ang panahon na walang Godffrey na nage-exist sa alaala ko maging sa buhay ko.
Dahil sa kwento ni Mommy, sina Godffrey ay nakalipad na noon patungong Australia. Pinigilan lang sila ni Mommy na bumalik sa bansa dahil ayaw niyang makaabala pa sa mga ito. Tiniyak naman niya na makakaya niyang lagpasan ang lahat ng pagsubok kahit kami na lamang ang magkasama.
Napaka-swerte ko dahil kahit mag-isa lamang na tumayong magulang ang aking ina, kahit kailan hindi niya ako pinabayaan. Naitaguyod at naibigay niya ang lahat ng aking pangangailangan sa tulong na rin ng negosyong naipundar nila ng aking ama.
At dahil naging abala nang sobra si ina, ngayon na lamang niya nagawang ibalik ang kwintas na ibinigay ni Godffrey.
Hindi ko naman siya masisisi dahil naiintindihan ko naman kung bakit nangyari iyon. At least, sa pagkahaba-haba man ng lumipas na panahon, naging maayos na ang lahat ngayon.
Naglakbay man ng maraming taon, ang kwintas ng pangako... ay nananatiling buo.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories
Short StoryIs there a chance to remember the man from her past? How would be recalled the memories if she doesn't know that it was lost? Meet Phoebi Hermoso and Godffrey Valdesanchez, the childhood sweetheart from THE LOST MEMORIES.