Finale

2K 91 16
                                    

And now, nandito kaming lahat sa Valdesanchez Compound. Ipinagdiriwang ni Tito George ang kaniyang ika-60th kaarawan.

Kanina pa nagsimula ang party. Kung kaya't marami na ring mga bisita ang nasa gitna ng dance floor at abala sa pagsasayaw.

Ngunit sa kalagitnaan ng kasiyahan, biglang namatay ang lahat ng ilaw.

"Oh my God!" sambit ko kasabay ng reaksyon ng iba.

But in a li'l while, the lights were turned on. But only to the man who I'm not expecting for. "Oh my Godffrey!" wika ko sa kabila nang mabilis na pagsikdo ng puso ko.

Lahat ay nabaling sa kaniya ang atensyon. Lalo pa nang magsimula na itong magsalita sa harap ng maraming tao habang hawak nito ang mikrophono.

"Twenty three years na ang nakalilipas mula nang umalis kami ng Pinas. At sa loob ng dalawampu't tatlong taong iyon, isang tao ang nagturo sa akin kung paano matutong maghintay habang nagmamahal. Wala mang kasiguraduhang mahihintay niya ang pagbabalik ko, but still umasa pa rin ako. Marami man ang nangyari, nawala at nagbalik na memorya, nagkabali-baligtad man ang mundo, still heto pa rin tayo."

"At tulad ng pangako ko, gusto kong tuparin ang lahat ng sinabi ko. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para patunayan kung gaano kalaki ang pamamahal ko sa'yo. I know... this is the right time, the right chance and the right spot para hingin ang mga kamay mo."

"Baby P, my Phoebi... please marry me!" at ora-mismo, nagliwanag ang spot light mula sa ulunan ko.

"Oh, Gooodd!" sambit ko habang nakatingin sa lalaking lumalakad palapit sa akin.

Hindi ko na napigil ang pagbagsak ng aking luha. Ngunit ito ay luha ng tuwa, luha para sa alam kong panibagong simula, luha para sa taong hindi ako pinaasa, at luha para sa taong magbibigay sa akin ng pagmamahal na kailanman ay hindi na mawawala.

Oras na makalapit si Godffrey, he bent his knee in front of me. Sabay bukas sa maliit na kahitang naglalaman ng isang napakagandang diamond engagement ring.

And he told me again, "My Phoebi, please be my wife!"

Hindi ko na napigil ang aking pag-iyak, at isang tango ang aking ginawa, "Yes, Gy! I want to be your wife, forlife!" tugon ko, kasunod ang pagtayo niya, na sinabayan ko rin.

Then he held up my hand at isinuot sa daliri ko ang singsing.


CTTO

"I love you, my Baby P!" ang pinakamatamis na salitang narinig ko mula sa kaniyang labi, kasabay ang isang masigabong palakpakan mula sa mga taong nakasaksi sa isang napakagandang proposal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I love you, my Baby P!" ang pinakamatamis na salitang narinig ko mula sa kaniyang labi, kasabay ang isang masigabong palakpakan mula sa mga taong nakasaksi sa isang napakagandang proposal.

"And I love you too, my Godffrey!" malambing na tugon ko.

Then we kissed...

Passionately!

THE END

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon