Chapter 6

1.5K 80 1
                                    

"Necklace? Para sa akin ba ’to?" tanong ni Baby P. nang iabot ni Gy ang kwintas.

"Oo, Baby P. Para sa’yo talaga ’yan."

"Bakit mo ako binibigyan nito? Hindi ko naman birthday ah!" napapantastikuhang sabi ni Baby P.

"Kailangan bang may okasyon para bigyan kita ng isang regalo?" sagot naman ni Gy.

"Hindi naman, pero thank you! Pero bakit nga may pa-ganito ka?" she asked.

"P. gusto ko sanang ingatan mo ’yan. Gusto ko pagbalik namin dito suot mo pa rin ang necklace na ’yan. This is a symbol of our friendship. But it’s only for the meantime dahil mga bata pa tayo. But when the right time comes, promise me girlfriend na kita, Baby P. Pakakasalan kita!" seryosong sambit ng batang lalaki.

"Huh? Gy, sabi mo nga ang bata-bata pa natin, eh, bakit pinag-uusapan na natin ngayon ito? Saka mag-aasawa lang ako kapag nasa 28 years old na ko! Eh, saan ka naman ba kasi pupunta? Sa province ninyo ba?"

"No, P! Sa Australia kami pupunta, at bibilang tayo ng maraming taon para muling magkita. P, mamimiss kita nang sobra!" nalulungkot na wika ni Gy.

"T-talaga? A-australia? B-bakit? Bakit mo ako, Gy, iiwan? Sino na ang makakalaro ko ’pag umalis ka?" Baby P. said, and she’s about to cry.

"I’m sorry, Baby P! Doon na rin kasi kami mag-aaral, eh. Magma-migrate na raw kami ro’n, at matatagalan siguro bago ako makabalik dito. Kaya bilang alaala ng pagkakaibigan natin, isuot mo ’to," sabay ikot ni Gy sa likuran ni Baby P. at isinuot sa leeg ang kwintas na hawak.

"I-ilang years ba bibilangin ko para hintayin ang pagbabalik ninyo?"

"Until we reached the right age, P! Malay mo ’pag 28 ka na, nakabalik na kami no’n. P’wede na kitang pakasalan ’pag nagkataon, ’di ba? Iyon ay kung wala kang boyfriend sa panahon na magkita tayong muli," Gy said, na namumuo na rin ang luha sa mga mata.

"Hindi ba pwedeng huwag na kayong umalis? Dito na lang kayo! Alam mo naman na kayong kambal lang ang friends ko rito, eh, iiwanan ninyo pa ako!"

"Sorry, P! But our parents decission is final. Kailangan naming sumunod. Basta, pangako babalik ako para sa’yo!" sagot niyang nagsisimula na ring maglandas ang luha sa kaniyang pisngi.

"Baby P. promise me na hindi mo ako kalilimutan kahit kailan, huh?"

"Uum. Promise, Gy!" she said despite of her sobs.

And they embraced each other.

"Gy, bakit naman ro’n mo pa naisipang ilagay ang kwintas? Kailan mo pa ito itinali sa itaas ng sangang ’yon?" tanong ni P. matapos kumalas sa pagkakayakap nilang dalawa.

Ngumiti si Gy bago sumagot, "Kahapon, Baby P! Nagpahanap kasi ako kay Papa kung saan mayroong puno na nag-iisa tulad nito, at dito niya ako dinala. Ang punong ito ang gusto kong magsilbing saksi sa pangako ko," then he smiled.

"And I told him na bago ako umalis gusto kong bigyan ka ng isang bagay na maalala mo ako kahit nasa malayo na kami. Kaya siya rin ang kasama kong bumili nito. Ingatan mo, huh?"

The Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon