Alas onse na ng umaga nang ako ay magising. Kung hindi lang kumakalam ang sikmura ko ay hindi pa muna sana ako babangon at bababa sa kusina. Linggo naman ngayon kaya pwede akong magsiesta buong maghapon.
Ang nakakainis lang namugto ang mata ko dahil sa pag-iyak kagabi habang nag-eempake ng mga gamit ko sa Condo. Dami rin naman kasing happy memories ang nabuo doon. Mga surprises na naganap, birthdays and anniversaries na mahirap kalimutan! Maging ang mga damit na ako mismo ang bumili ay hinakot ko na rin, maliban na lang sa mga gamit na si Leo ang nagbigay at nag-provide, iniwanan ko na. Para ano pa ba't bibitbitin ko iyon? Wala naman. Isaksak niya ulit sa baga niya ang mga iyon! T’yak kasya pa, promise!
Anong oras din naman akong nakauwi rito? Alas tres na ng madaling araw! Ang hirap talagang mag-alsa balutan!
"Oh, Phoebi? Good morning, ganda ng gising mo, ah, nakasimangot ka r’yan?" puna ni Mommy na lumingon saglit sa akin nang mapansin ang paghila ko sa upuan na lumikha ng ingay.
Pagdaka’y humarap muli sa kalan, at hinalo ang niluluto niyang ulam.
"Morning din, Mommy, bango naman po n’yan!" sa halip ay puna ko sa beef calderetang nakasalang.
"Nasabi kasi ni Ume na umuwi ka raw kaninang madaling araw, kaya ipinagluto kita ng paborito mo," ngumiti naman ako at marahang tumango.
"Pero, Anak, magsabi ka nga, anong ganap at bitbit mo yata ang lahat ng laman ng closet mo? Salamat naman at natauhan ka na! Break na kayo? Oh, sa wakas!" sunud-sunod na aniya, at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na sumagot. Halata pang tuwang-tuwa!
"Mommy!" pigil ko sa kaniya. At pansin ang mas pag-aliwalas ng mukha nito dala ng mga itinuran niya kanina.
Kahit kailan talaga hindi siya naging boto para kay Leo. Noon pa man ay ayaw na niya rito dahil mukha raw itong hindi marunong magseryoso. Na ngayon ko lang naman din napatunayan matapos mangyari ang kahapon.
Gayunpaman, hindi naman niya ako pinigilan sa pakikipag-relasyon sa binata dahil pasasaan daw ba't makikita ko rin pagdating ng panahon ang nakikita niyang hindi ko nakikita noon.
Hindi ko siya naiintindihan dati, pero ngayon gets ko na. Bulag kasi ako sa pagmamahal noon kaya hindi ko nakikita ang ibig niyang sabihin.
Napabuga na lang tuloy ako ng hangin saka tumango sa kaniya. Dahilan para mas lumuwang pa ang pagkakangiti ni Inang mahal.
"It’s good to know that, Hija! I have an idea, samahan mo ako mamaya sa mga Tita Adelle mo, nakauwi na sila from Australia, three days ago. Bisitahin natin. Actually dapat kahapon pa sana, eh, kaso lang nasa mall sila kahapon, nag-shopping ng mga damit. Iba raw talaga kasi ang init dito sa Pinas kaya kailangan talaga ng bago," aya niya sa akin sabay hila ng upuan sa tapat ng pwesto ko.
"Kailangan ko pa ba talagang sumama, Mommy? Ano naman ang gagawin ko ro’n?" wala sa loob na sabi ko, sabay tayo at kumuha ng pinggan para sumandok ng kanin at ulam na kaluluto lang.
"Oo naman. Maka-bonding mo man lang ang anak nilang kambal," sabay ngiti niya nang makahulugan, pero ipinagkibit-balikat ko na lang.
"Kambal?" tanong ko habang palapit muli sa mesa.
"Ahuh!" she nodded. "Kalaro mo nga sila noong mga bata pa kayo, eh," nangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Eh! Ilan taon na po ba ako noong nandito pa sila? Hindi ko yata matandaan!" sabi ko na kahit si Tita Adelle ay hindi ko na rin maalala ang itsura. Bata pa siguro ako no’ng mag-migrate sila sa ibang bansa.
"Five years old," sabay bungisngis niya.
"Mommy talaga! As if namang maalala ko ’yon! Eh, 28 na ’ko! Meaning 23 years na ang lumipas!"
"Hahaha, malay ko ba kung may naaalala ka sa nangyari noon. Twenty eight ka, so nasa 30 na sila ngayon. Tamang-tama! Nasa kalendaryo pa naman kayong pareho! P’wedeng p’wede!" feeling bright naman si Mommy sa napag-iisip niya! Kaloka!
"Ano po’ng tamang-tama at p’wedeng-p’wede?" pansin ko naman sa kaniya.
"Ah, wala, ’nak! May naalala lang ako," napakibit-balikat na lang tuloy ako. Ang weird niya, promise!
"After mong kumain, gumayak ka na, huh? Aakyat na ko sa itaas, magbibihis na ’ko," then she waved at me.
"Owwkay!" sagot ko, at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
BINABASA MO ANG
The Lost Memories
Short StoryIs there a chance to remember the man from her past? How would be recalled the memories if she doesn't know that it was lost? Meet Phoebi Hermoso and Godffrey Valdesanchez, the childhood sweetheart from THE LOST MEMORIES.