chapter 8

3.3K 82 5
                                    


WHAT have I done? Idiniin ni Rusty ang mga daliri sa mga mata niya matapos basahin ang message sa telepono niya. Galing iyon kay September. Pang-ilang mensahe na iyon at kasama roon ang ilang missed calls na rin galing dito. May dapat siyang sabihin sa dalaga pero hindi niya alam kung paano gagawin, lalo pa ngayon.

Nilingon niya si Russ. Nakahiga pa rin ito sa kama. He tried everything but nothing seems to be working. Ilang beses na niyang binago ang program na binuo niya para rito. He did everything from scratch several times. Pero kahit anong gawin niya ay ayaw gumana ng robot. Posibleng hardware ang problema kaso ay hindi rin niya matumbok-tumbok kung ano iyon dahil kahit noong kinalas-kalas niya si Russ ay wala rin siyang nakitang dahilan ng pagsa-shutdown nito.

He could see his dream of fame and glory vanish into thin air. Pero hindi iyon ang mas nagpapabigat ngayon ng kalooban niya kung hindi ang sasabihin niya kay September. Malamang ay magalit ito sa kanya.

Pero hindi pa niya iyon puwedeng sabihin dito ngayon. It's not the right time. May pinagdadaanan ito. Suporta ang kailangan nito hindi dagdag na sama ng loob. If only he could give it to her. Pero paano ba niya gagawin iyon kung siya rin mismo ay may pinagdadaanan, isang pangyayaring hindi niya maintindihan, lalo pa kung paano iyon pakikitunguhan? It is something that crept up on him and he didn't even realize he is capable of experiencing. Ni hindi niya alam kung dapat pa bang patuloy na i-expose ang sarili niya sa stimuli na umaani ng resultang hindi niya alam kung gusto ba niya o hindi.

I am one hell of a basket case, kongklusyon niya. Kaya tama bang ang taong nasa estado niya ay makihalubilo kay September na dumadaan din sa emotional trauma?

Tumunog ulit ang cellphone niya. Hindi niya natiis na huwag basahin ang mensahe. He was stunned after reading it.

Nasa coma si Lolo Tero. He felt tears prick his eyelids. Oo, mas madali pa nga iyong walang masyadong emosyon.

Itinabi niya ang telepono saka siya tumitig sa kawalan habang pinalalabo ng luha ang paningin niya.

HALOS magbara ang lalamunan ni September habang nakatingin siya kay Lolo Tero. Ang daming tubo na nakakabit dito. Puwede ngang sabihin na binubuhay na lang ito ng mga makina. Kahit ang mga doktor ay sinabi iyon. Ihanda na raw nila ang mga sarili nila.

Handa naman na nga dapat sila. Matapos ang pangalawang stroke ng matanda ay madali ng makinita na nalalapit na ang wakas. Pero anong paghahanda ba ang sasapat para hindi maging masakit ang pagkawala ng taong isa sa naging malaki ang impluwensiya sa buhay niya? Ang taong nagmahal sa kanya ng lubos?

Kailangan niya ng karamay pero gusto niyang lalong maiyak nang si Russ ang maisip niyang sana ay kasama niya. Ito ang katulong nila sa pagsugod kay Lolo Tero sa ospital. Si Claire ang narinig nilang sumigaw noon. Kinakausap daw kasi nito ang matanda pagkatapos ay biglang lumungayngay ang ulo nito.

Russ was a pillar of strength during those horrible moments. Binuhat nito ang matanda, isinakay sa kotse at sumibad na sila papunta sa ospital. Pagdating doon ay ito ang nakipag-usap sa mga staff pati na sa mga doktor na umasikaso sa lolo niya.

"Gawin niyo ang lahat para mailigtas siya. Kahit magkano abutin babayaran namin," hayag pa nito.

Tanda rin niya kung paano siya niyakap nito matapos ilipat sa ICU ang matanda. Nahulaan yata nito na halos mapaupo na siya sa matinding panlalambot. Iba ang itsura ni Lolo Tero. Parang...parang hindi na ito makakaligtas sa krisis. Bumaling siya sa lalaki, may sasabihin dapat siya, at sinalubong siya ng mga bisig nito. Mahigpit siyang niyakap na para bang ipinararating sa kanya na anuman ang mangyari ay nasa tabi lang niya ito. Nakatulong iyon ng napakalaki para hindi siya mag-buckle, physically at emotionally.

To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon