chapter 9

6.5K 138 28
                                    


MATALINO si Rusty kaya malabong hindi niya mahulaan kung bakit ganoon ang itsura ng dalaga. Mas malamang kesa hindi, narinig siya nito habang may kausap siya at alam na nito ngayon na hindi ang robot niya kung hindi siya mismo ang nakasama nito sa nagdaang maraming araw. Iniisip tiyak nito na naloko ito, nauto, kaya hindi malayong galit ito sa kanya. Iyon ang kinatatakutan niyang mangyari noon pa.

Inis na inis siya sa sarili. Dapat kasi ay sinabi na niya rito ang tutoo noon pa. Pero nagdalawang-isip siya. Dahil...dahil...ayaw pa niyang itigil ang proyekto. Hayun, inamin na niya ang dahilan na dati ay iniiwasan niyang tanggapin. Ang dami niyang inirarason pero sa loob niya ay alam niya na ang patuloy pang makasama ito ang nagtulak sa kanya na itago rito ang tutoo.

And then things had gotten out of hand.

He is in love with September but she hates him now, he is sure of that.

What a mess!

Ganoon na lang ang panlulumo ni Rusty at ang ibayong pag-atake ng konsensiya niya nang mapatingin siya sa isang bahagi ng driveway at makita ang kahon na nandoon. Atubili niyang nilapitan iyon at binuksan para silipin ang laman. Gaya ng inakala niya, cake nga ang nasa loob. Ang ganda ng disenyo - robot iyon pero mukha niya ang ulo. May hawak na computer print out ang robot kung saan nakasulat ang mga katagang happy birthday to the move lovable robot/person I know.

Muntik sapuin ni Rusty ang dibdib niya sa sakit na naramdaman niyang tumagos doon. Kasabay kasi ng realisasyon na mahal na niya ang dalaga ay ang katotohanang tiyak na lalayo na ito sa kanya. At siya, siya na kulang na kulang pa ang kaalaman kung paano maging tao, ay walang ideya kung paano niya ito malalapitan pa.

Nag-ring ang telepono niya. Daddy niya ang tumatawag. Babatiin ba siya nito? Milagro. Dati ay hindi nito natatandaan ang kaarawan niya.

"Hi, son."

Laking gulat niya nang marinig ang boses na galing sa telepono. Hindi iyon sa daddy niya.

"M-ma?"

"Happy birthday, anak," bati nito.

"S-salamat. Pero teka, number ito ni daddy, right?"

"Right," ayon nito. "May sorpresa kami sa iyo. Teka, siya raw ang magsasabi."

Binati muna siya ng ama.

"I don't get it, dad. Bakit kasama mo si mama?" tanong niya matapos magpsalamat din sa pagbati nito.

"It's simple. We...got back together."

"What?"

Mabilisan itong nagkuwento, kung paanong nagkita ang mga ito sa isa sa mga pinuntahang event ng daddy niya, how they realized that they still feel that special something for each other.

"NORMAL pa ba 'yan?"

Napakislot si September. Muntik niyang mabitawan ang spatula na ipinanglalagay niya ng icing sa cake. Pero mabilis siyang tumungo para ituloy ang ginagawa.

"Huwag ka ng magkunwaring busy. Kanina pa kita pinapanood. Mas matagal pa iyong time na nakatulala ka kesa sa pag-asikaso mo diyan sa cake. Lutang na lutang ka, 'te." Lumapit sa kanya si Mariz saka siya hinawakan sa balikat. "Naiintindihan ko naman. Ang sa 'kin lang eh baka masyado ka ng nahihirapan. Nandito lang ako puwede mong hingahan ng sama ng loob mo. At saka..." Boses nag-aatubili ang kaibigan niya. "Kasi...baka magalit ka. Oo, sure ko magagalit ka. G-ganito kasi...m-medyo alam ko ang tutoo."

Natigil ang kunwaring pag-iisip niya kung paano didisenyuhan iyong cake. Napako ang paningin niya sa kaibigan.

Mabilis na nagkuwento si Mariz. Kung paanong nabanggit dito ni Geoff, aksidente lang naman daw, iyong tungkol sa ginagawa ni Rusty na pagkukunwari na ito pa rin si Russ.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon