chapter 6

3.1K 67 0
                                    


NAGKALAT ang mga piyesa ni Russ sa sahig. Si Rusty naman tayo-tayo na ang buhok dahil sa panay-panay na pagsuyod ng mga daliri niya sa ulo. He is so frustrated. Mabuti na lang at gumana pa ulit ang robot habang nandoon ito kina September. Nagawa pa niya itong i-recall pero minabuti niyang sulubungin ito sa pinakamalapit na kanto. Mabuti pala at ginawa niya iyon. Saktong narating niya ang meeting place nila ni Russ ay nagluko ulit ito hanggang sa mag-shutdown na naman. Hindi na niya ito napagana mula noon.

Dalawang araw niyang kinutingting ang program nito, iniba-iba rin niya ang configuration ng robot niya. Pero ayaw nitong gumana. Nakakainis at nakaka-frustrate. Ang ganda na ng takbo ng lahat. Pagkatapos ay hayun, biglang nagkaroon ng pagkalaki-laking bulilyaso.

Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap ng kung anong dahilan sa pagpalya ng robot niya nang mag-ring ang telepono niya. Wala sa sariling inabot ni Rusty ang cellphone at sinagot iyon.

"Son..."

"Oh, dad..."

"You sound so enthusiastic. I'm touched." Sarkastiko ito.

"Sorry, dad. I'm just in the middle of something."

"Which would get you nominated for a Nobel Peace Prize, I'm sure."

Calm down. Huminga ng malalim si Rusty. Sugat na nagnanaknak ang nadutdot ng komentong iyon ng ama niya.

"Hindi ko na ina-ambisyon iyon, dad," sabi niya.

"Don't you dare say that to me," sabi nito. "No son of mine is a loser. At ganoon ang mangyayari sa iyo kung ni ayaw mo ng sumubok."

KANINA pa sinusubukang tawagan ni September si Russ. Nag-aalala na siya rito. Isang linggo na niya itong hindi nakikita. Hindi rin ito tumatawag o kahit nagte-text man lang. Para siguro siyang tanga. Nag-aalala siya sa isang robot? Pero tanga nga siguro siya, baka nga nasisiraan pa ng bait, dahil may punto sa pagkakasama nila ng lalaki kung saan ramdam niya ang pagiging tao nito. Iyon bang ang humanity nito ay nagsisimula ng lumitaw kaya pakiramdam niya ay hindi na robot ang kausap niya at kakulitan kung hindi isang tutoong tao.

Kagaya na lang noong huli silang magkita. Aliw na aliw siya sa kulitan nila ni Russ. Ang saya pa nga nila. Pagkatapos ay bigla itong nag-ulit-ulit na naman ng sinasabi saka parang nawalan ng baterya na tumigil na lang ito bigla. Iyon din ang isang dahilan kung bakit nag-aalala siya. Gumana naman ulit ito pero nagmadali na itong magpaalam sa kanya saka ito umalis na. Ni ha, ni ho ay wala na siyang narinig mula rito pagkatapos ng araw na iyon. Hindi kaya may masamang nangyari rito?

Kagaya ng isang normal na tao, may cellphone si Russ. Nagte-text din ito sa kanya noon, madalas ay kung ano-anong kabalbalang jokes lang o kaya ay mga inspirational quotes. Nadiskubre ngayon ni September na nami-miss niya ang mga iyon kahit pa dati, kapag natatanggap niya ay natatawa lang siya o kaya ay itinitirik niya ang mga mata. Now, she realized that the gesture was kinda...sweet. Parang hindi kilos ng isang robot. Kaya hindi siya makakali hangga't hindi niya nalalaman kung ano ang nangyari kay Russ.

Nag-text ulit siya. All caps na ang ginamit niya.

"ARE YOU OK? MAGPARAMDAM KA NAMAN. MISS U NA! PROMISE!!!" At nadiskubre niya, hindi iyon mema. Tutoong miss na niya ito.

EMO na si September. Ilang araw na at hindi talaga niya mapigilan kahit pa gustong-gusto na niyang batukan ang sarili niya. Nalulungkot siya dahil tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon ni Russ.

"Mukha pa ring Good Friday? Ibig sabihin missing in action pa rin si Russ," komento ni Mariz pagpasok pa lang nito sa pinto. "Kung sabagay, feel kita. Kahit ako magse-senti kung mawawala sa 'kin ang kung ilang hundred thousand pesoses."

To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon