teaser

11.8K 139 15
                                    



Dahil sa lolo niya ay may mahigpit na pangangailangan sa kaperahan si September. Suwerte pa rin siguro siya dahil may nalaglag na oportunidad sa kanya para kumita ng malaki. Ang kapalit, ang maging participant sa project ng isang nerdy hunk of a scientist na nagngangalang Rusty. Ang gagawin niya, ang makipagtsikahan sa robot na binuo ng lalaki.

Ang husay ni Rusty. Sa sobrang galing at talino nito, iyong robot na binuo nito ay mala-tao kung umasta. May mga pagkakataon nga na nakakalimutan na ni September na hindi pala kalahi ni Voltes V ang kausap niya. Kamukhang-kamukha ng lalaki ang robot nito kaya pakiramdam niya, si Rusty mismo ang nasa harap niya.

Until she realized she is starting to feel something for the guy. Pero para siyang na-laser sword nang madiskubre niya ang ginawa ni Rusty sa ngalan ng siyensiya...at ng pangarap nito na makamit ang minimithi nitong parangal.



https://www.preciousshop.com.ph/home/

To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon