chapter 7

3.2K 67 0
                                    


"ANO ANG lugar na ito?" Nalilitong iginala ni September ang paningin sa pinuntahan nila. Noong isang araw ay niyaya siya ni Russ. Mamasyal daw sila kasama ang pamilya niya. Dagdag karunungan umano iyon para rito. Pumayag siya matapos tanungin ang mommy niya at kapatid, pati na si Lolo Tero.

Akala niya ay sa ordinaryong resort lang sila pupunta. Iyong may beach o kaya swimming pool. Resort nga na may beach at swimming pool ang pinagdalhan sa kanila ni Russ pero ibang lebel ang mga iyon.

Infinity pool ang tumambad agad sa kanya. Kung titignan ay parang katabing-katabi na iyon ng dagat na asul na asul ang malinaw na tubig. Ang linis din ng baybayin at may matatanaw pang rock formations na nakakamangha ang laki at hugis. Ang amenities ng resort, nakakawindang. Lahat na yata ng paglilibangan ay nandoon. Jet ski, banana boat, hand gliding, parasailing, bungee jumping at napakarami pang iba. Ang ganda ng landscape, ang ganda ng...lahat-lahat. Obvious na mamahalin ang resort at sa palagay ni September ay exclusive iyon. Kailangan ng membership para makapasok at makapagsama ng bisita.

"Wow!" Pati ang mommy niya ay napahanga. "Ang ganda rito, Russ."

"Salamat po at nagustuhan niyo," sagot ng lalaki. "Ngayon pa lang po ako nakapunta rito, sa tutoo lang. Nabanggit lang ng kaibigan kong si Geoff."

"Did anyone mention my name?" Biglang may sumulpot sa tabi nila.

"Geoff!" Nakilala agad ito ni September.

"And me!" Si Mariz.

"Nandito ka?" bulalas niya.

"Hindi, wala. Imagination mo lang ako." Humalakhak pa ang bruha. "Niyaya ako ni Geoff. Ako pa ba ang tatanggi?"

Napansin niya na nagkatinginan sina Geofff at Russ.

"O, dude..." Tinapik ni Geoff ang balikat ng lalaki saka tumingin sa kanya. "Member ng club na 'to 'yang si Rusty, I mean, Russ, kaso hindi naman niya pinapakinabangan kaya mabuti at naisipan niyang sulitin ang ibinabayad niyang membership. Nakisali na 'ko at naisip ko, para di ako OP eh magyaya rin ako ng kasama." Nakangiti itong tumingin kay Mariz. Nag-high five ang dalawa. Kaya naman pala nang yayain niya ang kaibigan ay tumanggi ito. May nauna na pala sa kanya na magyaya rito. At guwapong lalaki pa. Lumala-lovelife ba ang bruha? Kung sabagay, si Mariz pa?

"I figured na makakabuti kay Lolo Tero ang makapamasyal. Di ba, 'lo?" baling nito sa matanda.

"Ang ganda rito, apo. Nasa langit na 'ata ako," sagot ng matanda na kay Russ nakatingin.

"'Lo, matagal pa kayong pupunta sa langit. Langit sa lupa lang itong kinaroroonan niyo," sagot ni September.

"Tayo na sa cottage niyo para makapagpahinga kayo ng konti," ani Russ.

"Ayoko. Gusto ko mamasyal," giit ni Lolo Tero. "Doon o, sa dagat. Ganyang-ganyan ang dagat doon sa 'tin, di ba, Mauricia?" Bumaling ito sa kaliwa, parang may kinakausap. "Nasaan ka na ba, Mauricia?" Ang lola ni September ang tinutukoy nito. Kasama na sa simtomas ng kalagayan nito ang pag-iisip na buhay pa ang asawa nitong matagal nang namayapa.

"Nauna na po yatang mamasyal,' lo." Si Russ ang sumagot. Mabuti naman. Kung hindi ay magliligalig pa si Lolo Tero sa paghahanap sa kabiyak.

"Ay, siya nga siguro. Samahan mo nga ako, apo." Humawak sa braso ng lalaki si Lolo Tero.

"Ako na po, 'lo," presinta ni September. "Kami ni Claire."

"It's okay," anang lalaki. "Kaya namin 'to ni Lolo, di po ba?" baling nito sa matanda.

"Ang tagal mo, apo. Tara na, baka kung napasaan na si Mauricia."

"We'll go now," paalam ni Russ sa kanila.

To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon