chapter 5

3.3K 80 2
                                    


MAY PAKINABANG din pala ang pagkakaroon ng kaibigang robot. Nadiskubre iyon ni September habang pababa siya ng sasakyan. Madalas niyang kasama si Russ dahil iyon ang trabaho niya. Pero puwedeng-puwede pa rin niyang ituloy ang dating buhay niya. In fact, dapat niyang ituloy iyon dahil doon makakapulot ng impormasyon patungo sa pagiging parang tao ang robot.

Galing siyang Divi para mamili ng baking supplies. As usual, ang dami niyang dala. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya pasan ang daigdig. Ano na lang ang ginagawa ng malapad na balikat at matipunong mga braso ni Russ? May dala rin itong sasakyan kaya mas napadali ang buhay niya.

"Thanks," baling niya kay Russ na ibinaba ang pinamili niya sa kitchen counter. Hindi nito kailangang uminom pero just for the experience ay inalok ito ni September.

"Sige, salamat," anito na tinanggap ang alok niya.

"Puwede kang uminom? Hindi ka magso-short circuit kapag nabasa ka?" Nagulat siya. Hindi niya inakala iyon.

"Oo naman. Lahat ng kayang gawin ng isang tao, kaya ko. Pwera lang sa isang bagay," anito.

"Ano iyon?" Naintriga siya.

"Secreeet." Ngumisi pa ito.

"Aha! May pa-secret-secret ka na diyan ah! Taong-tao ka na nga!" kantiyaw niya.

"Talaga? Tao na 'ko?" Halatang natuwa si Russ. "Baka...charot lang iyon."

Ang lakas ng tawa niya. "Charot talaga? Saan mo napulot iyon?" baling niya rito.

"Doon sa beking kausap mo kanina."

Lalo na siyang naaliw. Pati iyong konsepto ng beki alam na nito.

Laking gulat niya nang yumuko si Russ, parang nahiya. Konti na lang ay mai-imagine na niya na nagba-blush ito.

"Uy, ano 'yan ah," kantiyaw niya. "Don't tell me na nagba-blush ka."

"Blush? Red cheeks?" anito. "Hindi ah!"

Pero oo, nagba-blush nga ito.

Grabe siya o. Hindi ang robot ang pinatutungkulan ni September kung hindi ang gumawa rito. Ang husay nito. Talagang parang tao ang robot. Ibang klase ang henyo ni Rusty.

Minasdan niya si Russ. Patterned to the very last detail umano ang itsura ng robot sa may likha nito kaya parang kaharap na rin niya si Rusty. At di ba sabi ni Russ ay ang pagkatao ni Rusty ang naka-load dito? Kung ganoon, para na ring ang lalaking hinahangaan niya ang katalinuhan ang nakikita niya.

"Ikaw din, cute mo," sabi ni Russ saka kinurot din ang pisngi niya.

Tatawanan lang dapat iyon ni September pero nang mapatingin siya sa mga mata nito ay ewan ba niya kung bakit nag-init din ang pisngi niya. Hula niya, nag-blush siya kagaya ng lalaki kanina.

"Sira!" Binatukan niya ito. Dapat din siguro ay batukan niya ang sarili. Iba kasi ang naramdaman niya bigla. Parang masyado siyang natuwa sa kausap niya at may kasama pa yata iyong kiliti

Ikaw ang mas sira! anas niya sa sarili. Para naman makalimutan niya, kahit one nano-second lang, na robot at hindi tao ang kaharap niya. Kung sabagay, sa isip niya kasi ay hindi niya halos maipaghiwalay si Russ at si Rusty. Kaya siguro kahit alam niyang robot ang kausap niya ay nai-imagine niya ang taong version nito.

NAPASANDAL bigla sa inuupuan niya si Rusty. Tinanggal niya ang suot niyang helmet sabay punas ng noo niya. Airconditioned ang kuwarto pero pakiramdam niya ay tumatagatak ang pawis niya. Nagulat pa nga siya nang masalat niya na tuyo ang noo niya. Napapahingal siya. Para bang tumakbo siya sa 25k marathon. At ang heart rate niya, doble yata ng normal.

To Love a Robot by Kayla Caliente (published) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon