"Anak gumising ka na. Baka malate ka. Handa na ang almusal mo. Yung baunan mo nandiyan na sa lamesa" parang naririnig ko si Mama.
Pagmulat niya ng kaniyang mga mata, bigla siyang napabuntong hininga at sinabi sa sarili "Panaginip lang pala. Wala nga pala ang aking ina" at bigla siyang natulala, pumatak ang butil ng luha, na tila may naalala.
"Threaa! Bumaba ka na diyan, malalate ka na sa school!" Nagising ang kaniyang diwa sa tawag ng kaniyang yaya, si Aling Maria.
Si Aling Maria ay singkwenta anyos na. Siya ay nagsisilbi sa pamilya ni Threa sa loob ng labing limang taon, bago pa ipanganak si Threa. Malapit si Yaya Maria sa pamilya ni Threa kaya't alam niya lahat ng nangyayari sa pamilya. At sa paglaki ni Threa si Yaya Maria na ang kaniyang kasama.
"Opooo Ya! Saglit lang po" at agad niyang inayos ang kaniyang higaan, at nagmamadaling bumaba.
"Magandang umaga Ya!" magsiglang bati ng dalaga, na parang wala siyang inaalala kanina.
"Magandang umaga sa paborito kong alaga! Oh ayan na, kumain ka na, tapos maligo ka na at magbihis, maya maya, nandiyan na ang sundo mo" wika ng kaniyang Yaya.
"Opo Ya, Salamat po!" pag tugon ni Threa.
At araw araw, ito ang nakasanayan niyang gawin.
*Sa eskwelahan*
"Good Morning class" pagbati ng kanilang guro
"Good Morning din po Mam" tugon ng klase.
Nang magsimula ang klase, tila hindi mapakli sa pag iisip si Threa kung ano bang pinapahiwatig ng kanyang panaginip.
"Baka miss ko lang si Mama"
"Baka malapit nang umuwi si Mama"
Ilan lamang yan sa mga pagbabaka sakali ng dalaga.
Hindi siya makapag focus sa sinasabi ng guro. Tila hindi niya maintindihan at hindi pumapasok sa kaniyang isipan ang sinasabi ng kaniyang guro.
Muling namuo sa kaniyang isipan, "Hindi kaya ang malas ko, dahil wala akong buong pamilya, at nasa ibang bansa pa ang Nanay ko?"
Buong maghapon siyang nagtatanong sa sarili.
"Bakit kailangan kong maranasan ang pangungulilang ito?"
"Nag aaral ako ng mabuti, sumusunod ako sa utos nila, bakit ganon?"
"Ginagawa ko naman lahat, pinagkaitan ba talaga ako?"
Tila ang matagal na pangungulila at paghahanap ng kalinga sa mga magulang ang nais nyang maranasan.
"Gusto ko rin maging buo ang pamilya namin. Gusto kong sabay sabay kaming kumakain sa hapag. Gusto ko magka sama sama kami"
Ngayon niya lang naisip, napagtanto, kung gaano kalungkot pala na wala ang nanay at tatay mo.
Alam niyang ang mga bagay na ito ay imposibleng mangyari ngunit... siya, ay umaasa pa rin.
Tila hindi niya maintindihan kung ano dapat ang kaniyang mararamdaman.
Saya, dahil mapera sila, kaya niyang bilhin lahat ng gusto nya o lungkot, na sa kabila ng paglaki niya, hindi man lamang niya nakapiling ang magulang niya. Mula pagkabata ay kasama na niya si Aling Maria. Napalaki naman niya ito ng maayos sa tulong nadin ng kanilang driver na si Manong Dan.
Si Manong Dan ay limampu't limang taong gulang, at nagseserbisyo sa pamilya sa loob ng sampung taon. Si Manong Dan lamang ang drayber na nagtagal sa pamilya. Siya lamang ang tanging drayber na napagkatiwalaan ng matagal ng pamilya Villaruel
*ting ting ting*
"Class dismissed. See you around", malumanay na pagpapaalam ng guro.
"See you around, Ma'am", tugon ng buong klase.
Doon lamang nagising ang diwa ni Threa. Lumipas ang maghapon at nanatiling lutang isip nito sa klase. Maya maya pa ay nakita na niya ang kanilang sasakyan habang si Manong Dan ay tila naiinip na sa paghihintay.
"Manong, tara na po. Uwi na po tayo" pagsisimula niya.
"Ay Ma'am, nariyan na pala kayo. Sige po, Ma'am" mahinahong sagot ng butihing driver.
Pagkadating ng bahay ay agad niyang tinungo ang kaniyang silid upang makapagpahinga. Tila ba siya'y pagod na pagod sa buong maghapon. Bahagya niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at unti unting na siyang nahimbing sa pagkakatulog.
YOU ARE READING
Waglit
RandomNaranasan mo na bang maramdaman na halos ang buong mundo ay tinalikuran ka? Meet Threa Villaruel.