Nasa kalagitnaan na ng pagsasaya ng iba, ngunit si Threa, nakaupo lamang sa isang tabi. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.
"Tara na Threa, sumayaw ka!" Pagyayaya ni Chole
"Hindi, okay na ako dito" wika ni Threa, sabay ngiti.
"Hindi, sige na. Threa, tayo na! Hindi mo maeenjoy ang party sige ka" sabay hila ni Chole sa kaniya.
Nilinga niya ang paligid. May mga makukulay na ilaw na sumasayaw. Maliliwanag. Nakakahalina sa paningin, na sinumang inosenteng tao ay maaakit sa ganitong lugar. Sinamahan ng mga dekorasyon na tila akmang akma sa tema ng party. Sa bawat paligid ay may mga bolang kristal na pinalibutan ng mahahabang laso. Tumingin siya sa kanan. Pagkatapos ay sa kaliwa. Ang mga kaibigan niya ay masayang masaya na nag iinuman. Patalon-talon. Nagtatawanan. Pakembot-kembot upang masabayan lamang ang nakakaindayog na musika.
Unti-unting nagliwanag ang mukha ni Threa. Ilang saglit pa ay napaisip. Pagkaingiit ang una niyang naramadaman matapos makita ang mga tao na abala sa buong lugar. Tila unti unti siyang naeenganyo na makisali sa kanila.
"Sige na nga" Masayang tugon ni Threa.
Nagsimula siyang uminom ng paunti-unti. Mainit sa pakiramdam. Tila may umuusok sa loob ng katawan na hindi niya mawari kung ano nga ba ito. Ang isang tagay ay humantong sa dalawa, na naging tatlo, apat, lima na hanggang sa hindi na mabilang sa dalawang kamay sa sobrang dami. Sa sobrang pagkalasing, tumayo siya mula sa pagkakaupo. Tumalon talon, at umindak.
Napagtanto niya na masaya pala sa pakiramdam ang makaranas ng ganito. Masayang-masaya. Naramdaman niya na malaya siya sa mundong kaniyang kinamulatan. Ito ang lugar ni Threa. Ito ang lugar na kabilang siya, na sinumang tao ay hindi makakapigil sa kaniya.
"Whooooooohhh" tila napapasigaw na lamang si Threa sa saya.
"Isa pang bote diyan oh" wika ni Threa
At inabutan naman siya ni Chole ng isa pang bote ng alak.
"Masarap Threa diba?" ani ni Steve.
"Sobra, Steve! Buti na lang at inimbitahan mo ako sa party mo!" galak na galak si Threa.
"Sumama ka din kasi minsan sa amin ni Chole! Sa bar! Mas masaya doon, makakilala ka ng mga bagong kaibigan" wika ni Steve
"At mga boylet" pagbibiro ni Chole.
At noon din ay napaisip si Threa. Masyado na kasi siyang tutok sa kaniyang pag aaral, kung kaya't hindi niya magawang magliwaliw ng kaunti. Masyado niyang sinusubsob ang kaniyang sarili sa gawain sa paaralan, hindi niya namalayan na pwede rin namang magsaya ng paminsan minsan.
"Uuwi na kami, Steve" Pag papaalam ni Alex.
Si Alex ay team captain ng basketball sa paaralan nila. Isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Steve. Katulad ni Chole at Steve, mahilig din siya sa party, sa inuman at lalo't higit ay matinik sa mga babae. Matipuno, maputi, matangkad sino nga namang hihindi sa binatang katulad niya.
Hinigit ni Threa si Alex "Mamaya na Alex, nagsasaya pa tayo oh! Uuwi ka na agad?"
"Kasi, tumawag na si Mom, wala siyang kasama sa bahay, hindi makakauwe si Dad ngayon" pagtugon ni Alex
"Sige na Lex, pagbigyan mo na si Threa, tutal, ngayon lang din naman siya nakapagparty ng ganito" wika ni Steve.
"Sige na nga, si Threa naman kasi" wika ni Alex, sabay kamot sa ulo.
"Party Party!" pasigaw ni Threa.
Habang lumalalim na ang gabi, unti-unti nang nababawasan ang mga tao. Nagsisiuwian na, maya't maya ay may nagpapaalam na kay Steve. Ngunit, hindi nagpaawat ang barkada nila Threa. Sayaw dito sayaw doon. Inom dito, inom doon.
"Ang sarap magpakasaya kasama ang mga barkadang katulad nila. Ang sarap na sa kaunting pagkakataon ay nakakalimutan ko ang aking problema. Ito na lamang ang nagiging daan ko para matakasan ang mga problema. Dito ako masaya, dito, kasama sila. At ngayong gabi, ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa aking buhay. Naranasan kong magparty, uminom, magsayaw at magpuyat." Nasabi na lamang ni Threa sa sarili.
"Inom pa!" Wika ni Threa
"Cheers! Sa wakas, naisama din natin sa ganitong party si Threa" sabi ni Chole.
YOU ARE READING
Waglit
RandomNaranasan mo na bang maramdaman na halos ang buong mundo ay tinalikuran ka? Meet Threa Villaruel.