Isang alarm ang nagpagising kay Threa nang hapong iyon.
"Ala singko at kalahati na pala ng hapon. Kailangan ko nang mag ayos ng sarili para sa party mamaya. Makabangon na nga at makaligo."
Agad niyang kinuha ang kaniyang tuwalya at tinungo agad ang banyo. Pakiramdam niya'y antok na antok pa siya nang biglang tumunog ang kaniyang telepono na nagpagising sa diwa niya.
"Uhh. Hello?"
"Hoy babae. Kakagising mo lang ba? Bakit ganyan ang boses mo? Nakaligo kana ba? Nakapag ayos ka na ba ng sarili mo?" sunod sunod na tanong ni Chloe sa kaniya.
"Sandali lang naman. Ang dami mo namang tanong! Heto na nga at maliligo na ako. Sige na. Hintayin mo nalang kami diyan ni Manong Dan. Susunduin ka namin agad pagkatapos kong maligo." sagot ni Threa sabay patay ng tawag.
Halos labing limang minuto ang itinagal niya sa banyo. Napapaisip parin ito dahil hindi niya alam ang maaaring mangyari sa party ng kaibigan mamaya. Lalo na pa siyang kinakabahan dahil ito ang unang beses niyang pag punta sa ganitong okasyon. Pero ipinagsawalang bahala niya iyon dahil alam niyang kasama niya si Chloe kaya wala siyang dapat ikatakot. Pagkalabas niya ng banyo ay agad niyang hinanap sa kanyang Yaya.
"Ya? Nasaan na po yung damit na pinalabhan ko sa inyo kanina? Yun po kasi ang isusuot ko sa party ni Steve." ani Threa.
"Ah, sige anak, bumalik ka na sa kwarto mo at isusunod ko na lamang sa iyo doon." nakangiting sagot ng butihing Yaya.
"Mag ayos kana rin ng sarili mo, iha, para walang masayang na oras" pagdadagdag pa nito.
"Opo, ya. Salamat po."
Tinungo na niya ang silid at umupo sa harap ng salamin. Nagdadalawang isip ito kung maglalagay ba siya ng make up sa mukha. Pinoproblema pa niya ito dahil hindi naman siya marunong sa ganoong bagay at sa pagkakaalala niya, noong debut pa niya ng pitong taong gulang siya nakapag make up. Nangangamba siya kung babagayan ba siya. Naisip niyang ipasundo na kay Mang Dan si Chloe upang makahingi siya ng tulong dito.
Tinawagan ni Threa si Chole
"Hello? Chole?" pambungad ni Threa
"Oy! Threa? Ano na?" Tugon ni Chole
"Tulungan mo naman ako, hindi kasi ako marunong maglagay ng kung anu-ano sa mukha. Ayaw ko din naman magmukhang maputla. Hintayin mo na lang si Manong Dan" wika ni Threa.
"Hay, ano ba yan Threa. Sige na. Sige na. Hintayin mo ako diyan" sabi ni Chole
"Sige Chole, Salamat" tugon ni Threa at pinatay ang tawag.
*tok tok tok*
"Bukas po iyan. Tuloy na po kayo, ya" tugon niya sa kumatok.
"Anak, heto na ang damit na isusuot mo. Sigurado akong ikaw ang pinakamaganda mamaya sa party na iyon." pagsasaad ng kaniyang yaya.
"Nako, ya. Hindi ko naman po hinahangad na maging pinakamaganda mamaya. Iaayos ko lang ang sarili ko para maging presentable ako sa mata ng iba pati na rin kay Steve dahil birtdey party niya iyon. " masayang tugon ni Threa.
"Sige, anak. Bababa na ako at marami pa akong gagawin."
"Siya nga pala, ya. Pakisabi naman po kay Mang Dan na pakisundo na si Chloe sa kanila."
"Sige, anak."
Habang hinihintay niyang makarating si Chloe ay inilapag niya sa kaniyang kama ang mga damit na kanina lamang ay kaniyang pinamili para sa party. Wala siyang maisip kanina na babagay sa kaniya kaya lahat ng matipuhan niya sa mall ay kaniyang binili at ngayon ay nahihirapan siyang magdesisyon kung alin ba ang kaniyang isusuot. Bandang ala sais ng hapon, narinig niya ang busina ng kanilang sasakyan. Hudyat na dumating na sina Mang Dan at Chloe.
YOU ARE READING
Waglit
RandomNaranasan mo na bang maramdaman na halos ang buong mundo ay tinalikuran ka? Meet Threa Villaruel.