KABANATA 8

1 0 0
                                    


Pagkatapos mamili ng damit ni Threa ay agad siyang nagtungo sa bahay ni Chole.

*ding dong*

Pagbukas ni Chole ng pinto ay bumungad agad sa kaniya ang kaibigan.

"Oh? Threa? Napapapasyal ka?"

"Kasi, ayaw ko sa bahay! Naiinis ako!" wika ni Threa.

"Oh siya, halika muna sa loob." Sabi ni Chole.

Nagtungo ang dalawa sa balkonahe sa ikalawang palapag ng bahay nila Chole at naupo.

Napansin ni Threa na may kahon ng sigarilyo na nakapata sa gilid ng upuan. Nagtaka ito.

"Chole? Ano to?" tanong ni Threa.

"Edi mga kahon ng sigarilyong wala nang laman. Ano ka ba Threa, nakikita mo naman." Pagbibiro ni Chole.

"Alam ko. Sinong nagsisigarilyo? Eh wala naman ang Papa mo dito?" pagwawari ni Threa.

"Ako." tipid na sagot ni Chole.

"Ikaw?" nagulantang si Threa sa nalaman.

"Oo, kapag nabobored ako, o kaya pag nababadtrip ako." nakangiting sabi ni Chole.

*sa isip ni Threa*

Hmmm, bakit kaya hindi ko subukan? Tutal parang masaya rin naman. Baka sakaling mawala ang pagkainis ko. Baka sakaling kumalma ako.

"Chole, pwede ko bang subukan? Turuan mo naman ako kung paano?" nakangising sabi ni Threa.

"Sige ba. Kumuha ka ng isa. Sindihan mo gamit ang lighter. Hithitin mo hanggang sa kung saan ang kaya mo, at ibuga mo ang usok." Pagpapaliwanag ni Chole.

Ganoon nga ang ginawa ni Threa, dahil unang beses niya pa lamang gagawin iyon, sa unang subok niya, naubo pa ito.

"Sabay malakas na pagtawa ni Chole. Ano ba yan Threa, baguhan ka talaga. Ganito" natatawang wika ni Chole.

Ginawa nga ni Chole ang sinabi niya kay Threa. Sinindihan ito, humithit at ibinuga ang usok.

Ginaya ito ni Threa, at di na rin nagtagal, nakaubos siya ng isang stick ng sigarilyo. Napagtanto niyang masarap pala sa pakiramdam. Bukod sa natuto na siyang mag inom, natuto na rin siyang manigarilyo. Humingi pa siya ng isa kay Chole. Sinubukan niya ito ng sinubukan. Nag eenjoy siya sa kaniyang ginagawa nang mapansin ni Chole na nakakarami na siya.

"Oy! Threa, ano ka aba. Tama na nga yan! Ang dami mo nang naubos ah." Sabi ni Chole.

"Teka lang, huli na ito" wika ni Threa.

"Tama lang. Babatukan kita pag hindi ka tumigil diyan" wika ni Chole.

Inubos lang ni Threa ang pang limang stick at tumigil na siya.

"Chole, ano kaya kung baguhin ko ang sarili ko?" pagwawari ni Threa

Napatingin si Chole sa kaniya.

"Paanong babaguhin?" tanong ni Chole.

"Basta" sagot ni Threa sabay kindat kay Chole.

"Maiba, bakit ang dami mong dalang paper bag?" tanong ni Chole.

"Edi malamang nagshopping. Namili ako ng mga damit" tugon ni Threa.

"Anong klaseng damit? May dadaluhan ka bang party? Sama mo ako" pagbibiro ni Chole.

"Wala, ano, napagdesisyunan ko na palitan na ang mga damit ko. Sa katunayan, inilagay ko na sa kahon ang mga dati kong damit ipapamigay ko na" wika ni Threa.

"Woah! Anong naisip mo?" natatawang sabi ni Chole.

"Ang boring kasi nung dating ako. Bahay, eskwelahan lang ang pinupuntahan. Laging nakapantalon at t-shirt. Kaya sinusubukan kong makisabay sa uso. Gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga kabataan ngayon. Party, inom, sigarilyo, paminsan minsan nag eenjoy. Hindi yung puro aral aral. Kahit anong aral ang gawin ko, kahit gaano pa kadaming parangal ang matanggap ko, wala namang pakialam ang mga magulang ko." wika ni Threa.

"Sabagay, may punto ka." Pag sang ayon ni Chole.

"Ang drama naman ng pinag uusapan natin. HAHAHA" natatawang sabi ni Threa.

"Ah! Alam ko na, bakit hindi kaya tayo magdiwang?" sabi ni Chole

"Pagdiriwang ng?" pagtataka ni Threa.

"Pagdiriwang. Pag wewelcome sa bagong Threa! Teka, tatawagan ko sina Alex, Steve at Jacob" masiglang wika ni Chole.

*sa isip ni Threa*

Siguro nga, panahon na rin para magsaya. Panahon na para maging malaya ako sa walang humpay na gawain sa eskwelahan. Pagkakataon ko nang kumawala sa mga bagay na kumokontrol sa akin. Ngayon, hindi na ako magiging mabait, at masyadong masunurin. Ang boring. Susubukan kong maging ibang Threa Villaruel.

WaglitWhere stories live. Discover now