Si Threa ay isang mabait at masunurin na bata. Lagi niyang sinusunod ang sinasabi ng kaniyang magulang. Nag aaral sya ng mabuti at sa makatuwid, napapabilang siya sa honor roll. Sa labing pitong taon niyang pamamalagi sa mundong ibabaw, hindi niya naisip na mag inom, o pumunta sa kahit anong party. Hindi siya nagpapagabi sa daan, hindi sya tumatambay. Hindi niya nagagawang magkaroon ng nobyo. Hindi sya nagcucutting class, hindi siya marunong sumagot sa kaniyang yaya maging sa kaniyang mga guro. Pala kaibigan si Threa at modelo ng isang mabuting estudyante.
Pero isang araw,
"Hindi na rin naman ako nabibigyang pansin ng mga magulang ko kahit subsub na ako sa pag aaral, siguro panahon naman para mag pakasaya ako? Baka sakaling sa paraan na iyon mapansin nila ako"
Una niyang naisip ay ang kaniyang dalawang kaibigan na si Chole at si Steve. Malayong – malayo ang ugali ng dalawa sa ugali ni Threa. Dahil sa mapera at sunod sa luho, nakukuha nila lahat ng gusto nila. Kabaligtaran ng ugali nila ang ugali ni Threa. Mahilig sa party, mag inom, mag sigarilyo, at iba't iba na rin ang kanilang nagiging nobyo at nobya.
Patuloy si Threa sa pag iisip sa kung anong bagay ang gusto niyang gawin ng biglang...
*kringgggg*
"Hello?" malungkot na sagot ni Threa.
"Hoy Threa! Si Chole ito, may birthday party mamaya kina Steve. Imbitado ang lahat ng estudyante sa school natin at syempre, tayong dalawa. Ano pupunta ka ba?"
Si Chole ay nabibilang sa mayamang pamilya. Siya ay labing pitong taong gulang din lamang. Siya ay kaklase at ang tinuturing ni Threa na kaniyang bestfriend simula pa noong elementaraya.
Si Steve, ay labing pitong taong gulang din na naging kaibigan ni Chole at ni Threa nitong sekundarya lamang. Mayaman, ngunit sila ay may kompletong pamilya.
*sa isip ni Threa*
Siguro, ayos lang naman na pumunta ako doon. Tutal unang beses pa lang naman ako pupunta sa ganoong party. Wala din namang mag aalala at makakapigil sakin dahil wala naman si Mama. Kay yaya na lang ako magpapaalam.
"Sige Chloe, pupunta ako. Anong oras ba ng simula ng party? Sabay na tayong pumunta, dadaanan ka na lang namin ni Manong Dan" masayang sagot ni Threa.
"Ala siete ng hapon ang simula. Sige hihintayin ko kayo ni Manong. Sabik na akong makita ka at makasama ka sa party na katulad nito. Sana ay may makilala ka doon mamaya!" pabirong sabi ni Chole
"Tse! Sige mamaya na lang. Hintayin mo kami ni Manong, mga ala sais at kalahati ng hapon kami pupunta diyan, okay?" Sagot ni Threa sabay patay ng tawag.
*sa isip ni Threa*
Hmmm? Ano kayang magandang isuot mamaya. Ito ang unang beses kong pumunta sa ganoong party at ayaw namang mapahiya sa mga kaklase ko lalo na kay Chole at Steve. Mabuti pa sigurong yayain ko si Manong Dan papuntang mall at si Yaya, para maipili nya ako ng damit, maaga pa naman.
"Yaya? Manong Dan? Magpapasama po sana ako sa inyong dalawa sa mall. Please?" paglalambing ni Threa.
" Ah, eh, anak, hindi ako makakasama. Madami pa akong gagawin dito sa bahay. Kayo na lang ni Dan" wika ni Yaya Maria
"Ah, sige po Ya" malungkot na sagot ni Threa.
*sa isip ni Threa*
Sayang, gusto ko pa naman sanang kumain kaming tatlo sa labas, bilang paraan ko ng pagpapasalamat sa kanilang dalawa na tumayong Tatay at Nanay ko na.
Iniangat ni Manong Dan ang mukha ng dalaga.
"Di bale na anak, sasamahan ka naman ni Manong. Wag ka nang malungkot. Ngiti na" masiglang sabi ni Manong Dan
"Sige po" sabi ni Threa sabay ngiti.
Tumingin si Threa kay Yaya Maria "Ya? Hindi ka po ba talaga sasama?" muling tanong ni Threa sa Yaya.
"Hindi na anak" sagot ng Yaya, at bahagyang ngumiti.
"Pasalubungan mo na lamang ako!" pabirong sabi ng Yaya.
"Opo naman Ya, kayo pa? Ang lakas nyo kaya sakin" wika ng dalaga sabay yakap sa Yaya.
"Uuna na po kami ni Manong. Babye Ya. Ingat kayo" sabi ni Threa sa Yaya.
"Babye, kayo ang mag ingat. Dan, dahan dahan sa pagmamaneho" Bilin ng Yaya kay Manong Dan.
"Oo naman Maria" sabay ngiti at kindat ni Manong sa Yaya.
"Yiiieeeeeee! Hindi ko alam na may love team na pala dito sa bahay" pang aasar ni Threa sa dalawa.
"O siya, tama na. Sulong na kayo, baka hapunin pa kayo at malate pa yang si Threa sa party" wika ng Yaya.
"Tayo na hija" wika ni Manong Dan.
At daglian silang sumakay sa sasakyan at agad nagtungo sa mall para mamili ng damit na gagamitin ni Threa sa party ni Steve.
YOU ARE READING
Waglit
RandomNaranasan mo na bang maramdaman na halos ang buong mundo ay tinalikuran ka? Meet Threa Villaruel.