KABANATA 9

1 0 0
                                    

Buong gabi nagparty ang barkada sa bahay ni Chole. At sa pagkakataong ito, naging mas mapusok si Threa. Kung dati, umiinom at sumasayaw lang siya, ngayon, nadagdagan na ng paninigarilyo. Ngayong gabi, hinayaan niya ang kaniyang sarili na maging malaya. Wala siyang pakialam kung may pasok kinabukasan o may kailangang ipasa kinabukasan. Ang gusto lang niya, magpakasaya. Sa ganitong paraan niya natatakasan ang kalungkutang nararamdaman niya. Ngayon magsisismula ang pagbabago niya. Handa na niyang iwanan ang dating siya at harapin at tanggapin ang bagong Threa.

"Party!" sigaw ng barkada.

Habang sayang saya sa pagpaparty ang barkada ay hindi naman mapakali sa pag iisip sa bahay si Yaya Maria.

"Dan! Hindi ba nagtetext o tumatawag sayo si Threa?" nababalisang tanong ni Yaya Maria.

"Hindi. Hindi pa ba siya umuuwi simula noong inihatid ko siya sa mall?" tanong ni Manong.

"Hindi pa. Dis oras na ng gabi, wala pa siya. May pasok pa siya bukas." Nag aalalang sambit ng Yaya.

"Baka naman maya maya ay uuwi na rin iyon. Wag ka nang mag alala, Malaki na siya. Alam na niya nag tama at mali. Kaya na niya ang sarili niya." Pampalubag loob na sabi ni Manong Dan sa Yaya.

Sayaw dito, sayaw doon. Hanggang ala una sila nagkantahan, sayawan at inuman. Tila lahat ay bagsak na. si Chole, nakatulog na sa kalasingan sa sofa. Si Alex at Steve naman nakaubob sa lamesa. Si Jacob at si Threa na lamang ang gising.

"HAHAHAHA! Ang hihina naman nila uminom" natatawang wika ni Threa.

Hinila niya si Jacob.

"Halika dito Jacob, inom pa tayo" pagyayaya ni Threa.

Napailing na lamang si Jacob. Hinayaan na lamang niya si Threa.

Nagliligpit na ng paunti-unti ni Jacob. Hindi siya masyadong nag iinom kapag ka kasama ang barkada, dahil kapag lahat ay nalasing, kakawawa sila. Si Jacob ay parang ang kuya ng barkda. Nag aalala siya sa lahat.

Makulit si Threa. Paulit-ulit niyang hinihila si Jacob.

"Sige na Jacob!" sabi ni Threa. May pagyapos pa ito sa braso ni Jacob, parang bata na nagmamakaawa.

Pinagbigyan ni Jacob si Threa. Naupo sila sa may pool. Nakalublob parehas ang kanilang mga paa. Habang may hawak hawak pa na alak si Threa.

"Jacob? Paano mo masasabi na mahal ka ng mga magulang mo?" pagtatanong ni Threa. Sabay inihilig niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Jacob.

"Kapag lagi sila nag aalala sa akin. Kapag wala sila, lagi silang tumatawag para kamustahin ako." tugon ni Jacob.

"Buti ka pa, lagi ka nilang tinatawagan" malungkot na sabi ni Threa.

Hinayaan lang ni Jacob na magkwento si Threa.

"Ako nga, kahit nag aaral ako ng mabuti, hindi pa rin nila napapansin. Isang beses lang sa kada dalawang buwan sila tumawag sa bahay namin. Gusto ko namang masabihan nila ako na 'ay ang galing naman ng anak ko', 'kahit magkahiwalay kami nag aaral kang mabuti' pero ni minsan hindi ko iyon narinig mula sa kanila. Mahirap bang magsama silang dalawa para sa akin? Naiinggit ako sa buong pamilya na nakikita ko. Naiingit ako na kapag recognition day, nanay at tatay nila ang nagsasabit ng medalya. Nakakagalit at nakakatampo nang itinago pa nila sakin na naghiwalay sila nang dahil may bago nang pamilya ang Tatay ko. Pagod na pagod na ako Jacob. Gusto ko lang naman ng masaya at kompletong pamilya" biglang humagulhol sa iyak si Threa.

Hinayaan ni Jacob na mabasa ang kaniyang damit dahil sa pag iyak ni Threa. Naisip ni Jacob na arahil, ito ang dahilan kung bakit nagiging ganito si Threa. Hindi siya nabibigyang pansin ng kaninyang mga magulang. Hanggang sa naramdaman ni Jacob na parang unti unti nang nakakatulog si Threa sa kaniyang balikat. Iniangat ni Jacob ang mukha ni threa at hinalikan ito sa noo, saka niya ito binuhat at dinala sa guest room ng bahay nila Chole.

Inihiga niya ito ng dahan dahan, at nilagyan niya ng kumot. Pinagmasdan niyang saglit ang maaliwalas na mukha ng dalaga. Saka siya tumalikod para umalis. Ngunit pag talikod niya, ay hinawakan ni Threa ang kaniyang kamay.

"Jacob. Wag mo akong iwan. Please" pagmamakaawa ni Threa.

Nanatili si Jacob sa kaniyang tabi hanggang sa makatulog na ng mahimbing si Threa at saka siya umalis.

ENQ{=$7·>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WaglitWhere stories live. Discover now