Mag-aalasais at kalahati na ng hapon saka napagdesisyunan ng magkaibigan na mag ayos. Naliligo na si Chole at si Threa naman ay nagbibihis na.
Paglabas ni Chole sa banyo ay nagulat siya nang makita niya si Threa.
"Grabe Threa, ikaw ba yan? Ang ganda ganda at ang seksi mo diyan sa suot mo" pagpupuri ni Chole.
Kulay asul na halter at shorts ang suot ni Threa.
"Sigurado ka? Hindi ba masyadong maiksi?" tanong ni Threa.
"Hindi, ano ka ba. Ang ganda nga. Hindi ka lang sanay." Sabi ni Chole.
"Sya, magbibihis lang ako, aayusan na kita" sabi ni Chole, sabay ngiti kay Threa.
Hindi mapakali si Threa sa pagtingin ng kaniyang sarili sa salamin. Hindi pa siya nakakapgsuot ng mga ganitong klase ng damit kaya't medyo naninibago pa siya. Tinignan niya ang kaniyang sarili mula ulo hanggang paa, at napagtanto niyang maganda naman pala. Pumasok sa kaniyang isipan na palitan na ang kaniyang mga damit at bumili ng mga bagong damit.
"Threa, maupo ka na, aayusan na kita" sabi ni Chole.
At nagsimula na si Chole sa pag aayos kay Threa. Light make up lamang ang nilagay ni Chole, na babagay sa suot ni Threa. Umabot ng tatlumpong minuto ang pag aayos ni Chole kay Threa.
"Tadaaaaa! Ang ganda mo Threa" sabi ni Chole at sabay silang tumingin sa salamin.
"Paminsan minsan, ayusin mo rin ang sarili mo." Wika ni Chole.
*sa isip ni Threa*
"Ano kaya kung baguhin ko ang sarili ko? Tiyak mas lalo akong sisikat sa eskwelahan. Mas lalo nila akong mapapansin. Susubukan kong ayusin ang sarili ko. Magpapaganda ako, para naman hindi ako magmukhang palaging stressed"
*beep* beep*
"Oh! Threa, nandiyan na ata sina Steve" sabi ni Chole.
"Handa ka na bang muling magsaya?" masiglang sabi ni Chole
"Sa tingin ko, handa na" sabi ni Threa at nagappir ang dalawa na ang saya saya.
Paglabas nila ng pintuan ay bumungad agad si Steve.
"Oh! Threa! Ang laki ng pinagbago mo. Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng ganyan" pagbati ni Steve.
"Ah, oo nga eh" nahihiyang sagot ni Threa.
"Tara na! Excited na ako!" sabi ni Chole.
Habang patungo sa bar nila Alex ay nagpatugtog ng rakrakan si Steve, at sila ay naghihiyawan at nagkakantahan.
Nang makarating sa bar, agad silang sinalubong ni Alex.
"Oh! Tara na papasok sa loob" pag yayaya ni Alex
"Teka, nasan pala si Jacob" pagtatanong ni Threa, ngayon niya lang napansin na hindi pala nila kasama si Jacob.
"Nako, kanina pang nasa loob Threa! Nag eenjoy na nga doon!" wika ni Alex
"Aber, at bakit mo hinahanap Threa?" pag aasar ni Chole
"Wala lang" wika ni Threa.
"Oh sya, tara na sa loob" sabi ni Steve.
Pagpasok nila ay narinig nila agad ang maingay at malakas na tunog. Ang mga sumasayaw na makukulay na mga ilaw. Ang mga taong umiinom at nagsasayawan. Ang lahat ay tila napakasaya. Unang beses na makarating ni Threa sa bar. Naisip niya na marahil mas masaya sa bar. Makakakilala ka ng mga bagong kaibigan, at naisip niya, na baka dito siya makakahanap ng nobyo.
YOU ARE READING
Waglit
RandomNaranasan mo na bang maramdaman na halos ang buong mundo ay tinalikuran ka? Meet Threa Villaruel.