KABANATA 5

2 0 0
                                    

Alas kwatro na ng umaga ng makauwi si Threa sa kanila. Ayaw niyang magpakita sa kaniyang Yaya na ganoon ang itsura, kaya't pinagpasyahan niyang magpahinga muna kina Steve. Saka siya inihatid ng barkada sa kanila. Nagpababa siya sa may kanto.

"Dito na lang Steve. Salamat ulit! Salamat sa inyo, Chole, Jacob, at Alex! Babye!" pagpapaalam ni Threa.

Baka marinig kasi ng kaniyang Yaya ang sasakyan at matunugan na kakauwi niya pa lamang.

Naglakad siya patungo sa kanilang bahay, unti-unti niyang binukasan ang pinto. Dahan dahan na iningatan ang bawat hakbang. Maingat na muling sinarahan ang pinto. At habang malapit na siya sa hagdanan patungo sa kaniyang silid ay biglang nagbukas ang ilaw sa sala, dahilan nang pag sigaw niya.

"Ay shemay ka lecheflan!" pagulat na sigaw ni Threa

"Ngayon ka lang nakauwi?" nakakunot ang mukha ng Yaya habang nagtatanong.

"Uh-eh opo ya" tugon ni Threa habang unti-unting ngumingiti.

"Ano ka ba naman Threa? Ngayon ka lang inumaga sa mga pinupuntahan mo! Sana'y nagpasabi ka man lamang!" galit na sinabi ng Yaya

"Syempre ya, party yun. Natural lang na inuumaga." wika ni Threa

Tila nagiba ang ihip ng hangin. Nagulat si Yaya Maria na parang sinagot siya ni Threa. Nalungkot si Yaya Maria sa inasal ni Threa, kaya't hindi na lamang ito umimik.

"Sige na Ya. Mamaya na lang tayo mag usap, pagod ako e. Aakyat na ako at magpapahinga." ani ni Threa habang unti-unting umaakyat patungo sa kaniyang silid.

Tinignan lamang siya ng Yaya, at napailing na lamang ng bahagya.

Habang bahagyang humuhiga si Threa ay nakatingin siya sa kisame at nakangiti. Muli niyang inaalala kung gaano sila kasaya ng kanyang mga kaibigan.

At unti unti niyang pinikit ang kanyang mga mata.

*Tok. Tok. Tok*

Bahagyang binuksan ni Layni ang pintuan.

"Threaa! Halika ka na anak, mamamasyal tayo kasama ang Daddy mo" wika ni Layni.

Si Layni Villaruel ang nanay ni Threa. Siya ay tatlumpu't walong taong gulang. Namamahala siya ng kanilang kompanya sa Canada. Ang kompanyang pinamana sa kaniya ng Lolo at Lola ni Threa. Kaya't hindi siya nakakauwi ng basta basta, maliban na lamang kung may business sila meeting sila dito sa Pilipinas. Noong bata pa si Threa ay sobrang malapit sila sa isa't isa, ngunit habang lumalaki si Threa, ay hindi na rin maiiwasan na malayo ang loob nito sa kanya, dahil hindi na rin sila madalas magsama.

"Saan Mommy?" natutuwang sagot ni Threa sa kanyang Ina.

"Kahit saan anak, basta, masulit ko ang oras na kasama ko kayo ng Daddy mo" tugon ni Layni sa anak.

"Saglit lang Ma. Magbibihis lang po ako. Susunod na rin po ako sa baba." Sagot naman ni Threa.

"Sige anak." wika ni Layni.

Nagmadaling nagbihis si Threa at dali daling bumaba. Tuwang-tuwa siya dahil makakalabas sila bilang isang buong pamilya.

"Tayo na po Mommy, Daddy?" tanong ni Threa

"Sakay na" sabi ng kaniyang Ama.

Habang patungo sa kanilang pupuntahan, ay masaya silang nagkukwentuhan at kumukuha ng litrato. Hindi maiwasan ni Threa na basta na lamang ngumiti. Ito ang pinakahihintay niyang sandal. Ito ang inaasam niyang mangyari. Ito an gang araw na ayaw niyang matapos.

"Dito na tayo!" masiglang wika ng kanyang Ama.

"Enchanted Kingdom!" tuwang-tuwa na tugon ni Threa.

WaglitWhere stories live. Discover now