KABANATA 7

1 0 0
                                    

Mag aalas dose na ng makauwi sina Chole sa kanilang bahay kasama si Threa. Nagpatulong si Chole kay Jacob na buhatin si Threa patungo sa kwarto ni Chole. Inihiga ng maayos ni Jacob si Threa at nilagyan ito ng kumot.

Mahimbing na natutulog si Threa nang biglang tumunog ang kaniyang telepono.

*kringg*kringg*

Tumatawag pala si Yaya Maria.

"Anak, anong oras ka uuwi? Ala siete na ng umaga?" tanong ni Yaya Maria.

"Mga alas otso ya, babangon na po ako at aayusin ko na po yung gamit ko" tugon ni Threa.

"Sya, sige, ipaghahanda kita ng almusal. Mag iingat ka sa pag uwi" wika ng Yaya.

"Opo Ya. Babye" tugon ni Threa at pinatay ang tawag.

Bumangon siya at tinawag si Chole.

"Chole? Chole?" paghahanap ni Threa

"Oy, Threa, gising ka na pala? Halika, kumain ka muna bago ka umuwi" pagaaya ni Chole.

"Hindi na Chole, ipaghahanda daw ako ni Yaya ng almusal. Aayusin ko na ang gamit ko ha? Tapos aalis na rin ako" sabi ni Threa.

"Sige, pagkatapos, ibaba mo na yung mga gamit mo, ako na ang tatawag kay Manong Dan" wika ni Chole.

"Sige Chole. Salamat" nakangiting sabi ni Threa.

Agad siya nagtungo sa silid ni Chole. Inayos niya ang tupi ng kaniyang mga damit. Tsaka naligo. Inayos niya rin ang kaniyang hinigaan, pagkatapos ay bumaba na siya.

"Oh, Threa, hinihintay ka na ni Manong sa labas" wika ni Chole.

"Sige Chole. Sa susunod ulit ha? Babye" kinindatan ni Threa si Chole.

"Babye" pag papaalam ni Chole

Pagkalabas niya ng gate ay nakita niya agad si Manong Dan.

"Manong, kanina pa po ba kayo?" tanong ni Threa.

"Hindi naman, sakto lang ang paglabas mo. Ano? Tayo na. Naghihintay na ang yaya mo sayo" wika ni Manong Dan.

Tumango na lamang si Threa at sumakay sa sasakyan. Habang nasa biyahe ay nakatulog siya.

Hinayaan na lamang muna siya ni Manong Dan. Buong biyahe ay tulog lang si Threa.

Pinukaw niya ito nang nakarating na sila sa kanilang bahay.

"Threa? Iha, gising na. Nandito na tayo sa bahay" sabi ni Manong Dan.

Bumaba na lamang si Threa ng kotse. Pagbaba niya, nilapitan niya agad si Threa.

"Iha, halika na sa loob, kumain ka na" wika ng Yaya.

Ngumiti lamang si Threa. Dumiretso siya sa kusina kasama ang Yaya. Bahagyang inilagay sa sofa ang kaniyang bag at umupo sa hapag kainan. Tahimik lamang ang dalaga na siyang napansin ng Yaya.

"Threa, anak, may problema ba?" pagwawari ng kaniyang Yaya.

"Wala naman po Ya. Pagod lang po siguro." Matamlay na sagot ng dalaga.

"Oo nga pala, tumawag ang iyong Ina kagabi. Kinakamusta ka" wika ng Yaya

"Oh? Talaga, nakakaalala pa pala siya?" sarkastikong sabi ni Threa habang patuloy siya sa pagkain.

"Bakit naman hindi? Anak ka pa rin niya" sabi ng kaniyang Yaya.

"Ilang buwan ang lumipas bago siya tumawag. Nakakaalala pa pala siya?" wika ni Threa.

"Mahal ka niya Threa" sabi ng Yaya.

"Mahal?! Hindi halata Ya!" pasigaw na sagot ni Threa. Agad siyang tumayo, kinuha ang kaniyang bag at nagdirediretso sa kaniyang silid.

Umiyak siya ng umiyak habang yakap yakap ang kaniyang unan.

*tok*tok*

Kumatok ang kaniyang Yaya.

"Threa? Anak, pwede ba akong pumasok" pakiusap ng Yaya.

"Wag na! Iwan nyo muna ako! Gusto kong mapag isa!" sigaw ni Threa.

Walang nagawa ang kaniyang Yaya, bumaba na lamang ito.

Pagkababa ng Yaya, ay napansin ni Manong Dan na malungkot na naman ang mukha nito.

"Oh, Maria, ano na namang nangyari?" tanong ni Manong Dan.

"Ayun, si Threa, humahagulhol na naman sa iyak. Ayaw niya sigurong pag usapan ang tungkol sa kaniyang mga magulang dahil nangingibabaw pa rin ang sakit" malungkot na tugon ng Yaya.

"Hayaan mo na lamang muna siya" sabi ni Manong Dan.

Ganoon na nga lamang ang ginawa ni Yaya Maria. Bagama't hindi mapakali ang kaniyang isipan, pinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang gawain. Pagkatapos ng kaniyang mga gawain. Naisipan ni Yaya Maria na maglaba ng maduduming damit. Nakatulog si Threa sa kakaiyak kaya't hindi na siya kumatok pa at pumasok na sa kwarto ni Threa. Nakuha niya na lahat ng tubal na damit, ngunit nakaagaw pansin ang dala ni Threa na bag.

Naisip ni Yaya Maria na marahil, may maduduming damit doon na ginamit ni Threa kahapon. Dahan dahan niyang binuksan ang bag ni Threa.

Mumukat mukat si Threa. Parang nakikita niya si Yaya Maria na malapit sa kaniyang bag. Kinusot niya ang kaniyang mga mata, at nakita niya si Yaya Maria.

"Ano ba? Wag mo ngang pakialaman ang gamit ko!" sigaw ni Threa sa Yaya.

"Uh, kukuhanin ko lang sana ang marurumi mong damit para maisama ko dito sa lalabahan ko" nanginginig na sagot ng Yaya.

Nagyon niya lang nakitang nagkaganyan si Threa. Ngayon lang siya sinigawan ni Threa, at ngayon lang siya sinagot ni Threa.

"Hayaan nyo na diyan! Kaya kong labahan ang mga damit ko!" muling sigaw ni Threa.

Walang nagawa si Yaya Maria, kaya't lumabas na lamang siya ng kwarto ni Threa. Hindi akalain ng Yaya na may ganitong banda ng pagkatao si Threa.

Iniayos ni Threa ang kaniyang gamit. Ayaw niyang malaman ng kaniyang Yaya na natuto na siyang uminom. Ayaw niyang makita ng kaniyang yaya ang damit na ginamit niya noong gabing iyon, dahil natapunan ito ng alak habang siya ay sumasayaw. Hindi impossible na amoy alak ito, itinago ito ni Threa sa isang kahon at inilagay sa ilalim ng kama.

Napabuntong hininga na lamang si Threa. Naisipan niyang palitan na ang kaniyang mga damit. Kumuha siya ng mas malaking kahon at nagsimulang ilagay dito ang iba niyang damit.

Nagbihis siya ng damit at agad bumaba.

"Manong Dan!" sigaw ni Threa.

"Bakit iha?" tanong ng drayber.

"Ihatid ninyo ako sa mall, pagkatapos ko pong mamili, pupunta muna ako kina Chole" wika ni Threa.

Hindi na siya nagpaalam sa Yaya. Nagdirediretso siya sa sasakyan, at agad silang umalis.

Nakatingin lamang ang kaniyang Yaya at bahagyang naluha. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari kay Threa.

Muling nagtungo ang Yaya sa silid ni Threa para linisin ito. Nakita niya ang kahon na pinaglagyan ni Threa ng kaniyang mga damit. Napaisip ang Yaya kung saan kaya gagamitin o ano kaya ang gagawin ni Threa sa mga damit na iyon. Iniayos niya na lamang ito sa isang tabi.

Habang nagwawalis ang Yaya, naramdaman nito na parang may kung anong nakalagay sa ilalim ng kama ng dalaga. Tinignan niya ito at may nakita siyang kahon, mas maliit sa kahon na pinaglagyan ni Threa ng kaniyang lumang damit. Kinuha ito ng Yaya at binuksan. Tumambad sa kaniya ang sando at short. Nagsimula nang magtaka ang Yaya. Alam niyang hindi nagsusuot ng ganoong klaseng damit si Threa. Hindi niya alam kung madumi ba ito kaya't inamoy niya.

*Sa isip ng Yaya*

Bakit amoy alak ang damit ni Threa? Bakit kailangan niyang itong itago? Baka naman hiniram lang ito ni Chole.

Hinayaan na lamang muna ng Yaya, kinuha niya ito at nilabahan.

nwei}÷h�3,

WaglitWhere stories live. Discover now