Bagong lipat lang ako sa isang apartment sa may Valenzuela. Kaming dalawa lang ng ate ko ang nakatira dito sa Maynila at ang mga magulang namin ay nasa Albay. Pagka-graduate ng ate ko ng college ay nagtrabaho na agad siya at di kalaunan ay pinapunta rin niya ako dito sa Maynila upang paaralin ng college sa course na Business Administration.
Pagkatapos ko ng pag-aaral ay nag-asawa narin ang Ate Bea ko at napagdesisyonan ko na rin na manirahan na mag-isa. Una ay nalipat ako sa Obando pagkatapos ay dito na sa Valenzuela.
Maganda ang nalipatan kong apartment. Bagong pintura ang mga dingding at saktong-sakto lang para saakin.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Housemate
Horror[Horror/Paranormal] ▲ Noong hinawakan ko ang TV, laking gulat ko dahil mainit ito na para bang maghapong nakabukas. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.