Part 2

1.1K 23 5
                                    

Nagtatrabaho ako sa isang banko at pumapasok ako ng 8 ng umaga hanggang 8 ng gabi.

Isang gabi, kauuwi ko lang galing ng trabaho, napansin kong may ilaw na nanggagaling sa may salas. Puti ang gamit kong kurtina kaya naman maaaninag mula sa labas kung may ilaw na manggagaling mula sa loob. Pinagmasdan kong mabuti at napag-alaman kong nakabukas pala ang TV dahil naririnig ko ang isang sikat na game show na kasalukuyang pinapalabas noon.

Imposible naman na nakalimutan kong patayin ang TV dahil hindi naman ako nagbubukas noon tuwing umaga. At sino ang magbubukas non? Imposible namang si Ate dahil wala naman siyang susi ng apartment ko. Hindi kaya may nakapasok na magnanakaw? Pero, bakit nila bubuksan ang TV kung pwede naman nila yong kunin na lang. Di'ba?

My Mysterious HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon